WALA NA

618 14 0
                                    

×~Wala na

Nakakalito talaga kung ito'y isipin,
Ngunit, bakit nga ba kita iibigin?
Wala naman sayo ang kagwapuhang aking nanaisin,
Subalit na sa iyo ang ugaling bumihag sa akin.

Pasensiya marahil ito'y masakit para sa iyong damdamin,
Pero wala na, nagbago  ang panahon natin.
Dulot nito ugali mo'y umiba na rin,
Wala akong ideya kung ito'y iyong napapansin.

Hindi ko naiwasang iwakasan,
Ang lahat ng aking nararamdaman,
Sapagkat hindi na maibabalik ang noon,
Sa lahat ng mga nangyayari ngayon.

Wala pa nga tayong na umpisahan,
May tuldok na ang ating pagmamahalan,
Di mo ako masisi kung ito ang nangyayari,
Puso ko'y sadyang walang makakapagmay-ari.
❌❌❌❌
Salamat sa pagbabasa

August 27, 2017


Leave some comments guiyz and don't cha forget to vote!! Lav yah!!😘💓

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon