🔥Bakit Hindi Ko Kaya?🔥

321 8 0
                                    

×~Bakit hindi ko kaya?×~

Bakit hindi ko kaya?
Ang hirap talaga na kalimutan ka,
Ano nga ba ang meron sayo?
Para bang mas mahalaga ka pa sa buhay ko.

Naging magkaibigan tayo noon
Subalit ito lamang ay nangyari sa maikling panahon
Hindi ko lubos akalain na
Hanggang kaibigan nga lang talaga.

Sa dinami-dami ng lalaking nakilala mo
Bakit nga ba sayo pa ako nagkagusto
Ano ba itong nararamdaman ko? Parang mali.

Kahit pinipili kong makalimot,
Nakakaramdam parin ako ng lungkot
Umiiyak na lang ako sa sobrang sakit
Alam ko naman na wala akong karapatan sayo magalit.

❌❌❌❌
Salamat sa pagbabasa

February 27, 2018

By: Bayang💓

Leave some comments guiyz and don't cha forget to vote!! Lav yah!!😘💓

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon