Nakakagulo

163 2 0
                                    

Nakakagulo

Sana pag nagmahal ka bumabalik,
Sana pag nagmahal ka walang salik,
Sana pag nagmahal walang sakit,
Sana pag nagmahal ka walang kapalit.

Sino nga ba sa dalawa?
Ang hirap pumili sa kanan o sa kaliwa,
Pipiliin ba ang tinitibok ng puso?
O ang sinasabi ng magaling na ulo?

Bakit ba ang hilig niyong bigla biglang kumatok,
Sabay sabay ring pumapasok,
Di ko alam kung sino talaga ang titignan,
Ang hirap pumili sa dalawang gumagambala sa aking isipan.

Tulong cupido, tulong puso ko,
Makiayon naman kayo sa aking ulo,
Wag niyo na akong pahirapan sa dalawang nakakabighani,
Ang mga lalaki talaga ang sanhi.

Hantungan lang din naman ss dulo ay iwanan,
'Saka pahirapan at sakitan lang nasa hulihan,
Kaya ako'y talagang nalilito,
Pag-iisip ko'y masyado ng nagugulo.

❌❌❌❌

April 19, 2018

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon