Nasasaktan Ako

210 5 0
                                    

Nasasaktan ako

Ang taong tulad kong nagmamahal ay nasasaktan,
Hindi ako manhid sa mga bagay-bagay,
May puso din akong napupuruhan,
Parang kay langan na nga nito ng saklay.

Nasasaktan ako tuwing nakikita kong masaya kayo,
Iniisip ko parating sana hindi tayo nagbago,
Sana tayo ngayon ang nagtatawanan,
Sana tayo ngayon ang nagmamahalan.

Tinulak kita palayo saking piling,
Hindi ko inisip na ako ang maging duling,
Kaya heto ako ngayon,
Napupuruhan at nasasaktan sa'king maling desisyon.

Hindi ko nakita ang totoong ikaw,
Masyado yata akong nasilaw,
Palaging mali at mga imperpeksiyon mo ang nakikita ko,
Wala na akong napansing pagaaruga at 'ikaw' mismo.

Lumipas man ang taon,
Ito ako nasasaktan sa'king mga maling aksiyon,
Nasasaktan sa nasayang nating kahapon,
Nasasaktan sa nasayang nating panahon.

Pinakawalan ko pala ang aking buhay,
Na akala ko walang saysay,
Subalit nagising na ako sa aking kahibangan,
Kung saan wala na siya sa aking harapan.

Nasasaktan akong nawala siya ng dahil saking mga mali,
Nasasaktan ako dahil sa aking pagkamakasarili,
Nasasaktan ako,
Nasasaktan ng husto.

Masyado na akong huli sa eksena,
Hindi ko na maibabalik ang dating nasira,
Nasasaktan man ako sa'king mga nakikita,
Wala na akong magagawa sadyang tinaboy na kita noon pa.
❌❌❌❌

💔April Fools Month💔

Paalala / WARNING

Wag magpapaloko ngayong buwan😢😂

-AristocraticQueenV👑

Salamat sa pagbabasa.

April 18, 2018

Leave some comments guiyz and don't cha forget to vote!! Lav yah!!

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon