Totoo

222 2 0
                                    

Totoo

Lahat ba ng totoo ay nakikita ng lahat?
Lahat ba ng kayamanan makikita sa balat?
Lahat ba ng aking katauhan alam nila?
Ba't ang bilis nilang magpanghusga?

Iilan lang ang piling kilala ako ng totoo,
Iilan lang ang taong nakakaintindi sa aking puso,
Iilan lang ang nakakaalam ng aking ugali,
Kaya halos lahat galit sa aking panggagali.

Paano nila ako maiintihan?
Kung pilit kong itago ang totoong katotohanan?
Kung pilit kong isara ang ang aking puso,
Sa mga taong gusto mapapasubo.

Masyado na akong nahusgahan,
Lahat ay puro kasinungalingan,
Hindi nila alam ang totoong ako,
Kaya kahit anong gawin ko ako parin ang talo.

Napapaisip na lang ako minsan sa mga bagay,
''Ayusin ko man aking pangalan 'di nila paniniwalaan ang tunay'',
Ano pa ang silbi ng magpakabait?
Kung puwede namang panindigan ang kanilang gait.

Tumakbo, tumatakas, wag magpatuloy?
Parang sinabihan niyo ring ang tubig na wag dumaloy!
Di lahat hawak niyo sa inyong palad,
Alam kong dadating ang araw na katotohana'y malalahad.

Ang taong ito ngayon,
Sa susunod hindi na magiging ganon,
Lalaban ako gamit ang aking talino,
Hindi na ako magpapatao kahit kanino.

Balang araw ako'y titingalain,
Ng mga tao ngayon nanglalait sa akin,
Subalit iibahin ko ang hinusga sa aking pangalan,
Sisiguraduhin kong mali ang inyong pinaniwalaan.
❌❌❌❌

💔April Fools Month💔

Paalala / WARNING

Wag magpapaloko ngayong buwan😢😂

-AristocraticQueenV👑

Salamat sa pagbabasa.

April 3, 2018

Leave some comments guiyz and don't cha forget to vote!! Lav yah!!

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon