Umpisa

201 1 0
                                    

~×Umpisa×~

Umulan na naman,
Tulad ng puso kong naging luhaan,
Ngayon lang ako ulit umibig,
Subalit di dumaloy gaya ng tubig.

Parang ayaw ko na,
Natatakot na akong sayo'y umasa,
Yaong mahulog sa'yong malalim na bangin?
Hindi ko alam kung ako'y iyong sasagipin.

Ngayon sinasabi mo namang ika'y seryoso,
Wala akong ideya kung ako'y maiinganyo,
Ginugulo mo lang ang aking isipan,
Wala akong alam kung ito nga'y may patutunguhan.

Sa totoo lang,
Ako'y naiilang,
Ngunit pilit ko itong iwaksi,
Sabay iwas na lang sa mga tali.

Hindi ako sanay,
Marahil naging bago na naman ang mga bagay,
Kung saan ang lahat ay napakagulo,
Sa puntong halos sisigaw ako sa kanto.

Hindi ko kasi inaasahan,
Na bigla bigla kang aamin sa aking harapan,
Hindi ko rin masabing ika'y nagkamali,
Subalit ako'y natatakot sa piling mo ko'y mananatili.

Datapwat tuloy-tuloy ang pasok ng iyong mga nakaraan sa'king utak,
Pati puso ko nama'y patuloy na sinasaksak,
Pag-iibig ko sayo'y wag naman sanang masakit,
Dahil sarili ko naman di ipipilit.

Sana matigil na ang aking pagkalito,
Sana hindi na rin ako mahilo,
Sana lubayan na ako ng mga isiping ito,
At manatili na lamang sa una ng walang dulo.

❌❌❌❌

Salamat sa pagbabasa

September 4, 2018

Leave some comments guiyz and don't cha forget to vote!! Lav yah!!😘💓

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon