🔥Huling Liham🔥

211 3 0
                                    

🔥HPNL🔥

Hindi kita nilayuan dahil hindi kita gusto,
Iniwan kita sa ere dahil ayaw kong masaktan,
Sapagkat takot ako makontrol ng aking puso ang aking utak,
Alam ko ako ang nangiwan, pero bat ako nasasaktan?
Alam kong alam mo ang sagot,
Sana wag ka lang magalit at mabagot.

Hindi ko kasi inaakala na magpahanggang ngayon,
Nandito parin ang lahat ng ating kahapon,
Kahit pilit ko pang talikuran at pagtakpan,
Pinagtataksilan lang ako ng aking nadarama,
Pilitin ko mang paniwalain ang lahat,
Pati ang aking sariling aklat,
Kusa lang akong magigising na mahal parin pala kita.

Hindi ko kailangan ibungad sa lahat na nasasaktan ako ngayon,
Subalit gusto ko lang magpalabas ng sakit sa aking maging asksiyon,
Hindi ko ipagsiksikan o papangaraping pasukin mo ulit ang aking puso,
Gusto ko lang iparating na ni isang araw di ka nawala sa aking ulo.

Sana kung nagkaroon lang ako ng lakas noon,
Subalit ayaw ko namang bawiin ang aking mga dating desisyon,
Pero kung sana nagkaroon ka lang ng munting lakas,
Sana munting pag-asa sa puso ko'y hindi nagwakas.

••••
Ako ang klase ng tao na hindi nagkakaroon ng interest sa mga kalalakihang hindi makapasok sa sarili kong mga nagtataasang dingding.
••••

Nababagot at madali na akong mamamatay,
Mga panaginip ko na parati mong pinapasok,
Parang ayaw mo na akong pakawalaan,
Bigla-bigla ka na lang lumilitaw at tumatakbo sa aking isipan.

Ang sama-sama ko,
Ako na nga ang nagtaboy at nagwasak ng puso mo;
Na ang nais lamang na ako'y mapasaiyo,
Subalit ako pa ngayon ang nasasaktan.

Siguro hindi naman ako masasaktan kung hindi talaga kita totoong minahal,
Pero  sobra naman ata na ako'y nasasakal,

Siguro ito ang sinasabi nilang 'guilt'.

Haist

Sana tantanan na ako nito,
Sana makamove on na talaga ako ng totoo,
Hindi yung may halong pagpapanggap lang,
Sana maging masaya kana,
Sana baguhin mo ang buhay mo tulad Ng pagmamahal mo dati sa sarili mo.

(Alam ko, ako ang ISA sa mga dahilan kung bakit mo sinisira...............................)









Sana lisanan na ako ng sakit, ang sakit napakasakit sa damdamin, dahil rin sa Kagagahan ko.

Paalam ito na aking huling liham para sayo, sana pagpapalaing mabasa mo.


Date: 1857

Signed: EGAN New Village (you can have a clue by translating is into Spanish)


<[A/N (AristocraticQueenV/AQV's Note): Hi nga pala sa nagpapost ng HULING LIHAM. Thnx for picking my poetry book na ipost ito. I know your happy too. I wish makamove on kana. Kaya mo yan, good luck sa new chapter ng buhay mo! I know you can get through over your love problems.

The name is also kept for her own purposes.]>

❌❌❌❌❌❌

Thnks for reading.

May 12, 2018

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon