🔥SINAYANG MO🔥

578 9 1
                                    

×~Sinayang Mo~×

Naabigla ako nung sinabi mo,
Na maghiwalay na tayo,
Mundo ko'y biglang gumuho,
Dahil sa ilang taong nating pagsasama'y sinayang mo.

Bigla mo nalang akong iniwan,
Nang di nagsasabi ng anumang dahilan,
Puso ko'y bigla mong sinaktan,
Sa mga oras na ako'y may problema lalo mo pang dinagdagan.

Sinayang mo lang ang ating relasyon,
Sa isang iglap ito'y iyong ibinaon,
Binalewala at naglaho nung lumaon,
Ni hindi inisip at nagdesisyon.

Bigla na akong nawalan ng gana,
Laging iniisip ang iyong pagkawala,
Sa bawat pagpikit ko'y nakikita ang iyong mukha,
Umaasang maibabalik ang sandaling tayo pa.
❌❌❌❌
Salamat sa pagbabasa

August 27, 2017

By: oha_jnna🎨

Leave some comments guiyz and don't cha forget to vote!! Lav yah!!😘💓

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon