Luha

203 3 1
                                    

Luha


Bagyo ang dumaan sa buhay ko,
Sinira nito ang aking puso't ulo,
Di ko alam pero parati na lang ako naluluha,
T'wing maalala ko ang iyong mukha.

Akala ko dati tayo ang magsasama,
Subalit natapos tayo sa gitna,
Hindi man lang umabot ng dulo,
Siguro mundo'y talagang nagbabago.

Umiyak man ako ng umiyak,
Pagsasama'y talagang nabiyak,
Tumutulong luha'y di na nauubos,
Sana pagmamahalan natin hindi napulbos.

Bakit pa ba tayo naghiwalay?
Bakit pa ba nasira ang ating tulay?
Wala na akong nakikita,
Punong-puno na ng luha ang aking mata.

Nakakapagod na parating may tutulo,
Paghihinayang lang ang pumupuno,
Ano bang meron sa mata kong to?
Sakit sa loob lang parati kung nasasalo.

Sana tumulo man ang luha ko sa'king pisngi,
Mawawala na ang lahat ng aking nasaksi.
Sana bato na lang ako,
Ng sa ganon 'la ng sakit sa'king puso.
❌❌❌❌

💔April Fools Month💔

Paalala / WARNING

Wag magpapaloko ngayong buwan😢😂

-AristocraticQueenV👑

Salamat sa pagbabasa.

April 21, 2018


Leave some comments guiyz and don't cha forget to vote!! Lav yah!!

Broken Hearted PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon