PROLOGUE
Masarap ang feeling kapag NUMBER ONE KA.
yung tipong sa lahat ng ranking, ikaw ang una.
Mula sa
PATALINUHAN
PAGANDAHAN
Ikaw ang laging una
Tapos idagdag mo pa yung fact na nagiisa kang apong babae
At nagiisang anak din ng mga magulang mo.
Masaya na ko sa buhay ko NOON kasi lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ng hingin ko, binibigay sakin. At nakukuha ko yun ng walang paghihirap.
Mayroon akong maunawaing magulang na kahit malayo sa akin ay hindi ako pinapabayaan. Mga kaibigan na parang mga kapatid ko na. at bestfriend na kasama ko mula pagkabata.
Pero hindi pala sa lahat ng pagkakataon Masaya maging NUMBER ONE
Kasi, minsan kapag may problema ka na hindi mo masabi sa mga kaibigan mo, at kailangan mo ng advice galing sa mga magulang mo,pero wala sila. Uuwi ka sa bahay, walang kasama.
Wala kang kapatid na pwede mong makausap, makakulitan at madamayan
Pero ang pinaka mahirap sa pagiging number one ay..
maging number one sa puso ng taong mahal mo
Lalo na kapag may number two.
At yung number two pa sa puso nya ay yung taong iniingatan mo din
KASI, minsan, kung sino pa yung inaakala nating mamahalin tayo at hindi tayo sasaktan
Yun pa pala yung taong nanloloko at mananakit satin.
Mahirap umasa.
Kaya lang minsan, sa kakaasa natin sa isang tao na bumalik para satin,
Hindi natin napapansin na may ibang tao din palang umaasa na sana mapansin mo.
Isang tao na laging nandyan para sayo.
Isang tao na mas nasasaktan kapag nakikita kang umiiyak at nagpapakatanga.
Simula noong nagmahal ako,
Ayoko na maging number one kasi gusto ko maging ONLY ONE
ONLY ONE to someone’s heart.
To someone who can love me, not only forever but LOVE me, TO INFINITY AND BEYOND