CHAPTER 14
Rhian's POV
" nah. Kailangan mo ng kausap .. Hindi sa lahat ng pagkakataon, dapat nagmumukmok ka. Wag mo kimkimin yang sama ng loob mo. Hindi naman ako kasing sama ng inaakala mo. Sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin. Makikinig ako."
Hindi rin naman pala sya ganon kasama gaya ng inaakala ko..
Mabait din naman pala sya..
Dahil doon, nagsimula akong magsalita
" narinig mo naman siguro lahat diba? Ha-ha. Nakakahiya man tong ginagawa ko pero hindi na kaya ng damdamin ko, parang sasabog na. wala akong masabihan ng lahat ng hinanakit ko. Ha-ha." pinipigil kong wag maiyak. Kahit na naiiyak na talaga ako
" Hayyyyy.. Alam mo ba, yung babae kanina, bestfriend ko yun. naging bestfriend ko sya mula nung iniwan ako nung isa ko pang bestfriend nung bata pa ko. Lahat ng problema ko alam nya. Lahat ng gusto ko, alam nya. Pwera lang sa isang bagay. Hindi ko sinasabi sa kanya kung sino yung crush ko, kung sino yung nagugustuhan ko. Lahat naman siguro ng tao, merong mga itinatago diba? Ayun nga. Yung lalaki kanina, crush ko yun. mula pa nung first year."
" ang saya nga kasi naging magkabarkada kami kahit na hindi naman sya nakikipagusap sa amin. Tahimik lang kasi yun. pero, nung nagsimula tong school year na to, bigla syang nagbago. Naging close kaming dalawa. Hanggang sa dumating sa point na niligawan nya ko at sinagot ko sya.."
" naging kami. Lagi nya kong pinapasaya at sinusorpresa kapag monthsary namin. Kaya lang, sobrang surprises naman yung ginawa nya nung third monthsary namin." di ko na napigilan. Umiyak na ko.
" nalaman ko na may relasyon sila nung bestfriend ko. Tapos niloloko lang nila ako. Ansakit malaman na gusto akong saktan nung taong mahal ko para lang makaganti sa pinsan ko na nanakit pala sa kanya noon. Tapos, masakit din malaman na mula nung naging kami, hindi nya naman pala ako minahal. Wala naman pala syang nararamdaman para sakin. Tapos masakit din malaman na pumayag yung bestfriend ko na lokohin ako."
" mula noon, naisip ko din na sana hindi nalang ako naging matalino kasi isa yun sa mga bagay na kinainian nya sakin. Lagi kasi kaming magkalaban at laging ako ang nananalo. Akala ko ayos lang sa kanya kasi nga magkaibigan rin naman kami. Naisip ko din na sana hindi nalang ako naging mayaman kasi dahil din sa kumpanya namin, hindi nila magawang mag number one sa food industry. Ansakit lang. Sobra. Na lahat ng meron ako dahilan pala kung bakit nasasaktan ako."
Iyak na ko ng iyak hanggang sa naramdaman kong niyakap nya ko. Nakakagaan ng feeling yung ginagawa nya sakin ngayon. Hindi ko sya kilala pero napapagaan nya yung loob ko sa simpleng bagay na ginagawa nya.. Hayyy ..
" ok lang umiyak. Ok lang yan. Minsan talaga kailangan nating masaktan para matuto. Hindi exciting ang buhay kung laging masaya. Hindi kita kilala. Hindi ko alam ang pangalan mo o kung sino ka man. Pwede mo gawin lahat ng gusto mo. Wala namang taong pwedeng magdecide para sa sarili mo eh. Alam kong nasasaktan ka sa ngayon pero darating ang panahon na kahit gaano pa kasakit yung nagawa nya sayo, tatawanan mo nalang yun kasi marerealize mo na nagsurvive ka. Wala kang ginawang mali sa kanila. Nagmahal ka. Pinakita mo at pinaramdam mo sa kanya na mahal mo sya at wala kang dapat iregret. Kung gusto mo pagsisihan na nagtiwala ka, HUWAG. Kasi, alam kong sa mga panahon na hindi mo pa alam ang totoo, naging masaya ka rin. Iiyak mo lang lahat hanggang sa makalimutan mo ang sakit. Hanggang sa mapagod ka. "
Iyak parin ako ng iyak pero kahit papaano, masaya ako. Masaya ako kasi meron na kong napagsabihan ng hinanakit ko at merong taong nagpagaan ng loob ko. Hindi ko sya kakilala pero masaya ako at nakilala ko sya kahit na hung una, nayabangan ako sa kanya.
" salamat ha. Salamat sa pagdamay sakin. Pasensya na rin.."-me
" tsss.. Hindi na uso salamat ngayon. Kailangan may bayad. Saka. Ano ba. Binasa mo yung damit ko. Puro luha at sipon na tuloy. Tsss.."
Sinabi ko bang mabait sya?
Mayabang sya.
Yun na yun.
" ok. pero, thanks parin. Sige.. Bye!!!" tapos tumayo na ko at naglakad palayo/
" BABAYARAN MO KO NEXTIME. "
Whatever.
Basta ang mahalaga, gumaan ang loob ko.
^____^