CHAPTER 15
Rhian's POV
Papunta na ko sa school ngayon.
Pero ganon parin, hindi naman ganon kadali ang makalimot sa mga nangyari.
Pwedeng kahapon, gumaan ang loob mo
Pero hanggat alam mo sa sarili mo na nasasaktan ka parin
At nandyan parin ang galit sa puso mo,
Hindi ka parin magiging ganon kasaya katulad nung dati.
Mahirap mahmove on. Hindi ko magawa kasi alam ko sa sarili ko na mahal ko parin sya. time lang. Time lang ang kailangan ko para makalimutan ko lahat.
Noon inakala ko na masaya na ang buhay ko.
Lahat nasa akin na.
Lahat ng gusto ko nakukuha ko.
Sa lahat ng bagay, number one ako
Masaya na sana at perpekto na sana ang lahat
Kung hindi lang dumating yung araw na inaakala kong magiging masaya at kukumpleto sa mundo ko.
Hindi pala sa lahat ng panahon, makukuha mo ang gusto mo
Sabi nga nung isa kong kakilala
Minsan, kailangan din nating masaktan at umiyak para matuto
Kasi nga naman, hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan masaya
Minsan kailangan ng ganitong pakiramdam
Kasi hindi na magiging exciting ang bawat araw kung laging masaya.
Pero siguro naman hindi lahat ng araw malungkot.
Darating din yung araw na sasaya ako..
Pero sa tingin ko, hindi pa yun ngayon..
*boogsshhhh
Ugh.. Tulala ba naman kasi ako habang naglalakad. May nabunggo tuloy ako..
" so-sorry"-me
" ano ba yan. Tatanga tanga kasi ehh.. Di natingin sa dinadaanan." >.< alam kong kasalanan ko pero hindi naman ata sapat na dahilan yun para tawagin akong tanga..
" SINO KA NAMAN SA TINGIN MO PARA SABIHAN SYA NG GANYAN???"-
o____o
Nandito silang lahat bukod kay gab at janno..
" ehh tatanga tanga naman kasi talaga yan ehh. Tsss.."-antipatikong nerd
" wala ka paring karapatan na tawagin syang nerd. Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mo, tsss"-vince
" tama na. ako may kasalanan. Hindi ako natingin sa dinadaanan ko. Siguro nga tanga ako. Geh"- tapos umalis na ko.
Kahit papano, concerned parin sila pero di ko parin kasi sila kayang kausapin.
Pumasok na ko ng room.
Kasunod ko sila.
Umupo na ko sa upuan ko at tumingin sa labas.
" so-sorry kung nasabihan kita ng tanga kanina."
O____O
Napatingin ako sa kanya.
wehh? May puso din pala sya kahit papano..
" ok lang." taps tumingin na ulit ako sa labas.
Hayyyy..