Chapter 19

154 6 0
                                    

Rhian's POV

Nagiimpake na ko ngayon ng gamit ko. Sabi ko sa barkada, bakasyon lang kasama yung mga pinsan ko. Pero ang totoo, hindi. Aalis na ako dito. Sa ibang lugar nalang muna ako. Yung malayo dito.

Nakakalungkot lang din na lahat ng plano ko noon, nawala dahil sa pagibig na yan.

" baby are you sure about this? Saan ka ba talaga?"-mom

" dont worry about me ma. ok lang ako. I need to be independent. All this time, nakadepende lang ako sa inyo. Ayoko na ng ganito ma."me

" hayyy.. Kung yan ang desisyon mo. Basta anak, always rember that were always here for you. and besides, padadalhan kita every month ng 100 thousand. Ok?""

" mom, aalis nga ko para magin independent. Para namang lumayo lang ako. Ok na ko mom. Dont worry." me

" no. Hindi ako papayag. Wag ka na umaliss kung tatanggihan mo lang din ako." hayyy. Ang kulit/

" fine. 10,000.."me

" nope. 50,000" ayts

" 30,000"-me

" 50,000"-mom

"  fine."

Wala naman akong magagawa ehh. Makulit sya.. Tsk

Bago ako umalis, dumaan muna ako kay Gab. Nasa hospital parin kasi sya.

Buti nalang tulog pa sya pagdating ko. Niyakap ko sya at nagsimula nanamang pumatak ang luha ko

" gab, aalis na ko. Sana maging masaya kayo ni Janno. Alam kong mahal mo sya. mahal na mahal mo sya higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Tinanong nya ko kung pwede ko syang bigyan ng chance pero hindi ako pumayag. Ayoko mangyari sayo yung nangyari sa akin noon. Kung meron mang masasaktan, ok na sakin na ako nalang. Pangako ko, hindi na ko magmamahal. Hindi maganda epekto sakin ehh. Pero sana dumating yung panahon na magkikita kita tayo, tapos ako, ayos na. bye gab. Bye bestfriend. I love you so much. Sorry for bringing so much pain to you. ingatan mo sarili mo.." then i leave.

Pumunta na ko sa bus station.

Aalis na ako dito..

Sa Cavite. Doon ako magsisimula.

Doon ko hahanapin ang sarili ko

*after 2 1/2 hours, nakarating na rin ako.

Nagcheck in muna ako sa isa sa mga hotel dito. Tapos umalis na ko para maghanap ng marerentahang bahay. . Ayoko kasi sa mga dormitories. Hindi ako makakapagluto.  Hayyy...

Pero bago yun, naghanap muna ako ng school.

Ayoko sa school na sobrang laki.

Ayoko rin naman sa hindi kilalang school.

At boom.

Nakahanap rin ako..

Kung saan man, hindi ko na sasabihin basta university sya dito sa cavite.

Naghanap ako ng malilipatan na malapit doon.

Hayyy. Nakakapagod. Ayoko naman nung pangit. Gusto ko kumportable ako.

AYUN.

House for rent.

Nasa isang subdivision sya malapit sa school. Walking distance nga lang ehh..

Nagtanong ako sa may ale doon.

" excuse me po, sino po pwedeng kausapin tungkol po doon sa pinaparentahang bahay??" tapos tinuro ko yung bahay.

" ay dito kay aling lea. Pamangkin nya may ari nyan. Rerentahan mo ba?"-ale

" opo sana. Pero gusto ko po muna sanang makausap yung mayari." ako

" ahh sige. Tara dito hija.."-ale

Nagpunta kami sa isang bahay.

" tao po. Aling lea!!! Tao po!!!"-ale

" ano yun???" lumabas ang isang babaeng hindi naman ganon katanda. Matanda lang siguro konti kay mommy.

" etong babaeng ito. Naghahanap ng mauupahan."-ale

" ahh sige. Tuloy ka muna hija." tapos pinapasok na nya ko. Yung ale naman kanina, nagpaalam na

" ikaw ba ang rerenta hija??"-aling lea

" ahh opo ako nga po.. Magkano ho ba ang upa??"-ako

" ahh.. 5,000 monthly nyan. Maayos naman dyan may ibang mga gamit na. nasa ibang bansa kasi ang pamangkin ko at doon na nakatira kaya pinapaupahan na yan.. Gusto mo ba makita??" tanong nya sakin

" sige po." ako

Tapos nagpunta kami doon sa bahay.. Hmmm oo nga. May ibang gamit na. ayos na din to. Maganda naman. May isang kwarto. Nasa taas. Malaki din yung kwarto.. ^__^

Tapos sa baba naman, tama lang yung laki sa living room tapos may kusina.

Ayos na sakin to..

" ano? Ayos na ba sayo??"-aling lea

" ahh opo.. Magkano po ba muna ang babayaran ko para makalipat na ho ako."-ako

" ahh kailangan mo magbayad ng 2 months rent. Yung lang naman.. Ikaw lang ba ang titira??"-aling lea

" ahh opo.. Magbabayad na po ako.. Pwede na po ba akong lumipat bukas?"-ako

" oo naman.." tapos ayun na nga. Nagbayad na ako.

Dumeretso ako  sa isang mall. Bumili ako ng mga gamit ko.

Pumunta na muna ako sa hotel tapos nagpahinga na.

KINABUKASAN

Inayos ko na yung mga gamit ko. Medyo malayo din kasi yun mula dito..

Dumaan muna ako sa isang palengke para bumili ng panlinis ng bahay..

Pagdating ko doon, nakita ko agad si aling lea..

" kapag kailangan mo ng tulong tumawag ka lang dito. Yan lang ba ang gamit mo??"

" ahh opo..sige po. Lilinisin ko muna yung bahay." tapos pumasok na ako..

Nilinisan ko yung buong bahay.

Tapos inayos ko yung magiging kwarto ko. ^___^

Medyo marami akong dala pero wala naman akong dalang mga damit. Bibili nalang ako.

Ang dala ko lang ehh yung mga collection ko. Pero di ko dinala yung mga life size kong laruan.. >.<

Kinabitan ko ng posters yung dingding tapos nilagay ko may side table yung alarm clock tapos merong parang shelf sa loob kaya nilagay ko doon yung mga magazines ko. May dala din akong wig at costume. ^___^

After ko magayos, umalis muna ako para bumili ng ibang gamit.

Bumili ako ng maliit na ref, tv, dvd, laptop, broadband, tapos naggrocery din ako at nag punta sa dept store.

Bumili ako ng damit,

Karamihan black.. >.<

Pagkatapos ko mamili, umuwi na ko. Maya maya pa, nandyan na yung magdedeliver nung mga appliance na binili ko.

Pinalagay ko na sa loob tapos inayos ko na.

Ngayon, ayos na lahat.. Trabaho nalang ang kailangan ko.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon