Rhian’s POV
Ok. Saturday na. hehe. Birthday na ni Luke. ^____^
Susunduin nga pala ako ni..
JANNO!!!
Hehe..
Naging mas close na kami mula nung inaway kami ni Pia. Haha. Kinikilig nga ako ehh.. pero syempre, hindi ko naman pinapahalata. ^___^
Naghahanda na ko ngayon. Magoovernight kasi kami kila luke.
Ganon naman lagi ehh..
Maya maya pa, dumating na si Janno. Hihi,,,
“ hi..” bati ko sa kanya..
“ hello.. tara na..” tapos pinagbukasan nya ko ng pinto sa may passenger seat.. ^___^ gentleman.. hahaha
“ uhmm. Samahan mo naman muna ako sa mall. Wala pa kong gift kay Luke ehh..” sabi nya nung makapasok sya sa loob ng sasakyan
“ ok.” haha. Hindi ko parin kasi sya masagot ng ayos. Kinakabahan parin ako..
Habang papunta kami sa mall,
Ngiti lang sya ng ngiti
Tapos tingin ng tingin
Ano bang problema neto?
Hahaha
Nasa mall na kami. Pagpasok namin sa mall..
>/////<
Hinawakan nya yung kamay ko tapos tumingin sakin at ngumiti.
At dahil hindi ko na napigilan ang hindi lumandi,
Pumayag ako..
^____^v
Magkahhawak kami ng kamay kahit na napili sya ng ipanreregalo.
Ako naman..
Namumula parin ata.
Hahaha.
Anlakas ng kabog ng dibdib ko..
Masyadong bago tong nararamdaman ko.
^____^
Pero ramdam ko yung saya.
Minsan lang naman to kaya susulitin ko na...
Maya maya pa, natapos na din kami bumili..
Pumunta na kami sa may parking lot.. hayyy.. bibitiwan na nya yung kamay ko..
Nakakabitin..
Hahaha. Naenjoy ko na kasi ehh..
Pagdating namin dun, binuksan nya yung pintuan tapos pinasakay ako pero hindi nya parin binibitawan yung kamay ko..
“ ah-ehhh.. tara na..” yaya ko..kasi naman, pag hindi pa sya bumitaw, baka hindi na kami makapunta kina Luke at dito nalang kami forever :P
“ Rhian..” OMG.. ang gwapo ng boses nya at ang sexy.. ^__^
“ ba-bakit??” >___< potek. Kung gano kasexy yung boses nya, ganon naman kapangit yung akin..
“ i like you..” tapos nagsmile sya..
Ako naman..
NABINGI NG BONGGA.
KAILANGAN KO NA ATA MAGLINIS NG TENGA
NABIBINGI NA KO EHH..
O BAKA IMAGINATION KO LANG LAHAT TO.
PWEDE NYO BA KONG SAMPALIN??