Rhian's POV
After nung pangaaway ni Pia, hindi na nya ko ulit ginulo. Madalas lang syang nakatingin samin ni Janno pag magkasama kami.
Ok na yun. para matahimik naman na kami.
GOING STRONG ang relationship namin ni Janno. Doon ko lang napapatunayan na mahal na mahal nya ko at mahal na mahal ko din sya.
Maraming sumisira at patuloy na naninira ng relasyon namin pero wala akong pakialam sa kanila.
Nakakainis lang kasi parang nawalan na ko ng girl bestfriend.
Dumating kasi si Marra. Bestfriend sya ni Gab mula pa noong bata sila.
Lagi na silang magkasama.
Si Marra yung transferee. Hayy.. Hindi ko alam kung paranoid lang ako pero napapansin ko yung mga tingin nya sakin ang sama. Yung tipong gusto na nya kong kainin ng buhay.
Hayyyy,. Namimiss ko na ang bestfriend ko. Hindi na talag namin sya nakakasama. Kami kami nalang nila nica at mikmik ang magkakasama sa mga girls. Para tuloy sila na talaga ang bestfriends ko.
SANA, kasama ko din si Gab ngayong third monthsary namin. Hindi kasi sya nakasama sa celebration namin nung first and second months namin ni Janno. >.<
" rhian. Lika na."-nica. Hmm. Pupunta kasi kami sa may clubhouse. ^___^ ang swerte ko sa boyfriend ko. Todo effort sa mga monthsaries namin. Sa anniv kaya namin?? ^___^
Naglalakad na kami papuntang clubhouse. Masyado pa ngang maaga ehhh.. 3 palang. 5 pa dapat kami pupunta kaya lang, gusto ko rin naman na tumulong sa pagaayos doon para sa party party naming magbabarkada. ^____^
Nung first monthsary namin, sa EK kami nagpunta. Syempre kasama ang barkada doon. Libre nya.. Tapos nung second monthsary namin, sa tagaytay naman kami doon sa rest house nila. Tapos pinaayos nya pa yun. parang nasa bar lang kami.
Ngayon, ganon ulit kaya lang, hindi na kami pwedeng lumayo masyado ehh. Madami kasing mga projects na dapat tapusin kaya dito nalang sa malapit/
Nakakainis nga ehh. Di kasi surprise. Mas gusto ko pa sana yun pero syempre. Masaya naman ehh..
" nandito na tayo. Kanina ka pa tulala."-mikmik
" ayy sorry. Haha. May naalala lang."-me
Dugdug.dugdug
Huh? Bakit parang kinakabahan ako?
" ui. Ano nangyari sayo?"-nica. Nakahawak kasi ako sa dibdib ko. Anlakas kasi ng tibok.. >.<
" ahh wala. Kinabahan lang."-me
" sus. Di ka na nasanay sa boyfriend mo."-nica
" pasok na nga tayo."-me. ^___^
Pagpasok namin, nakita namin ang mga boys na pinagpapawisan at super HAWT tingnan.. Hahaha. Ang gwagwapo kasi.
" bakit nandito na kayo? 5 usapan ahh."-luke. ^___^
" gusto namin tumulong. Bakit? May angal ka?"-nica
Haha. Hanggang ngayon, di namin alam kung anong status nila. ^__^
" nasan pala si Janno?"-me. Napansin ko kasi, wala sya.
" ahh. Lumabas sandali.doon sa may pool. Puntahan mo nalang.. Nagpapahinga lang yun. kanina pa kasi gawa ng gawa ehhh"-chris
" ah ok. puntahan ko lang."-me. Hehe.. Pagod pala ang baby ko.. ^___^
Malapit na ko sa kanya. May puno doon. Sisigaw na sana ako, kaya lang nagsalita sya.