Chapter 27

125 2 0
                                    

Rhian's POV

Justin's POV

" wag ka dyan. Halika muna" nakiota ko kasi si Janno na may kasamang babae. Tsk. Masasaktan nanaman tong babaeng to ehh. Ewan ko ba. Kahhit na makikita mo yung pagbabago dun sa lalaking yun parang wala parin akong tiwala.

" ano ka ba? Hinihintay ako ni Janno." FINE. Naiirita ako kapag naririnig ko pangalan nung lalaking yun ehh. Tsk.

" tss..bahala ka." tapos binitiwan ko na sya.

WOW sakto pagtingin ni Rhian, nakita nya yung ex nya na may kayakap na iba. Ayos.. Tissue nanaman ata ako. Wala namang ibang dadamay dyan sa babaeng yan kundi ako ehh..

" sabi ko sayo wag dyan ehh." sinabi ko ng makalapit ako.

Tumakbo lang sya. potek. Habol naman ako. Tsss. Eto lang naman ang role ko sa kwento ng buhay nya. Dakilang comforter at extra sa love story nila.

" ano iiyak ka nanaman? Bakit? Kasi nagassume ka nanaman?" nasabi ko nalang nung makarating sya ng rooftop.

" pwede ba, hindi ka nakakatulong." siguro ito na rin yung time para matauhan na sya. nakakasawa na rin kasi yung paulit ulit nalang kami.

" bakit? Natulungan ka ba nya? Diba umasa ka lang ulit?" panahon na para matauhan na sya.

" ano ba justin. Umalis ka nalang kung wala kang matinong sasabihin sakin."

" tss.."mukhang ayaw naman nya makinig. Aalis na sana ako. Kaya lang..

" bakit ba umiiyak nanaman ako? Bakit kasi bumalik pa sya? bakit kasi ganito? Lagi nalang akong umiiyak. Ang hirap na. nahihirapan na ko. Hirap na hirap na ko.."eto nanaman po ang drama ni Rhian.. Tsk. Naiinis na ko sa kanya. Takte. Lagi nalang Janno. Puro nalang Janno. Napipikon na ko. Hindi ba pwedeng kalimutan na nya yun? kasi nasasaktan lang ako kapag nakikita ko syang ganyan ehh..

" ano? Tapos ka na? yan lang ba? ganyan ka naman kasi. Sinanay mo na yung sarili mo na umiyak at magexpect. Hindi masamang umiyak rhian pero wag mo namang gawing hobby. Lagi akong nandito kapag umiiyak ka rhian. Paulit ulit nalang tayo. Patatahanin kita kwekwentuhan ng kung ano ano. Lilibangin ka kahit na hindi naman talaga ako ganito. Paulit ulit na rhian. Pwede ba, kahit minsan pag may ganyang pangyayari, pigilan mo naman yang sarili mo. Wag mong sanaying iyakan ang isang taong una palang, alam mo ng hindi pagkakatiwalaan."

Natahimik lang sya sa sinabi ko. Hindi ko na ata mapipigilan yung sarili kong magsalita.

" ano ba talagang iniiyak mo? Ha? Dahil ba nasasaktan ka na makita syang may kasamang ganon? O dahil natapakan ka nanaman? Rhian, hindi sa lahat ng pagkakataon, masusunod ang gusto mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mapapasyo yung gusto mo. Oo, NOON lahat nakukuha mo. Pero tatandaan mo, walang taong perpekto. Lahat tayo kailangan maranasang masaktan at mabigo para mapatunayan ang sarili natin, para maging buo tayo. Para matuto tayo sa mga desisyon natin."

Totoo naman. Alam kong hindi na sya nasasaktan ngayon. Naiiyak sya kasi nagtiwala nanaman sya tapos natapakan nanaman sya. nasanay na sya na tuwing may makikita syang ganon, iiyak sya. na akala nya, kaya sya umiiyak dahil nasasaktan sya. pero hindi. Nasanay lang sya na umiyak kasi di nya matanggap na hindi lahat ng bagay, makukuha nya. Na yung kaisa isang bagay na gusto nya, hindi nya makuha kuha.

" BAKIT JUSTIN? ANO BANG ALAM MO? ALAM MO LANG NAMAN ANG PROBLEMA KO DIBA? YUN LANG ANG ALAM MO. BUKOD DOON, WALA NA. WALA KA NG ALAM. BAKIT? NARANASAN MO NA BANG MAGMAHAL? NARANASAN MO NA BANG MASAKTAN KATULAD NG NANGYAYARI SAKIN? NARANASAN MO NA BANG UMASA AT MAGTIWALA NG SOBRA TAPOS SA HULI WALA RIN PALA. KASINUNGALINGAN LANG PALA. WALA KA NAMANG ALAM KAYA WAG KANG AARTE ARTE DYAN NA PARANG MAY ALAM KA!!!"

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon