Rhian's POV
Fast forward na natin..
First day of school. Dapat excited ako. Dapat kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon. Dapat magkakasama kami sa iisang school. Pero eto ako, hinahanap ang sarili. >.<
Anyways, nandito nga ako para ayusin yung sarili ko diba?
Sinuot ko na yung uniform ko
Pagdating ko sa school, hinanap ko na agad yung classroom ko.. Hindi naman ganon kalaki yung school per malalaki talaga yung building.
Nahanap ko naman agad. Oo nga pala, scholar ako dito. Nagtatrabaho din ako sa isang fast food..
Pumasok na agad ako sa loob. Wala akong kinakausap. Wala akong gustong kausapin. Ayoko magkaroon ng kaibigan kasi hindi magandang ideya na mapalapit ako sa isang tao.
Maraming kumakausap sakin. Sinasagot ko lang yung tanong nila. Umaalis naman agad sila. Tsss...
Maya maya pa, nagbell na. ibig sabihin, start na ng class..
Dumating na din yung prof. Mukha namang mabait.
Nagpakilala sya.. Hmmm.. Ms. Bianca daw.. Blah blah blah.
Tapos biglang bumukas yung pinto. Sa may malapit sakin. Dalawa kasi yung pinto. Sa harap saka sa likod. Ehh nasa likod ako..
" KYAHHHHHHHHHHH" ouch. Tenga ko. Yung prof ko, nagniningning yung mata. Tss.. Sino ba yung pumasok?
Pagtingin ko.
O____O
" sorry mam im late." OMG.. OH MY GWAPO!! :>
" its ok. humanap ka nalang ng upuan mo." ghad.
" dito ka nalang."
" hindi dito."
" ang iingay naman ng girls nakita lang si Justin dela Rama ehh.. Tss.."
Justin dela Rama???
Napatingin sya sakin.
O___O ganyan hitsura nya. Bakit kaya?? Siguro nagandahan sya. haha,,
" ghad. Ngumiti sya." classmate ko yan. Ngumiti lang ehh. Makareact naman. Ang OA. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong ngumiti? >.<
Umupo sya sa tabi ko..
Bakit sakin sya tumabi? Di naman ako nagsasalita
Maya maya pa, nagpakilala na kami isa isa.
Hindi namn ako nakikinig. Hanngang sa dumating na sakin
" ako nga pala si Rhian Venice dela Fuente. 17." me. Ehh sa wala ako sa mood ehh
" ang tipid mo naman miss dela fuente. Wala ka bang mga achievement nung highschool ka?" bakit parang galit sakin yung prof? Ugh.. Ang pangit nung tono nung pananalitanya ehh parang hinahamon ako. Filipino subject nga pala namin to..
" baka kasi lumalandi lang sa school noon." tinignan ko kung sinong nagsalita. Tinitigan ko sya ng masama..
Lumalandi pala ahh. Baka nga ikaw yun. hitsura palang mukha ng flirt. Takteng first day to..
" ok. uulitin ko. Ako si Rhian Venice dela Fuente. 17 years old. Nagaral ako nung highschool sa Arcangel Academy. Mula elementary, valedictorian ako. Marami akong nasalihang contest noon mga quiz bee sa mga subjects na algebra, geometry, physics, chemistry, biology, english. Sumali din ako sa oration at declamation. Lahat ng yun, ako ang champion. RHIAN VENICE DELA FUENTE. Ayaw ko sa mga mapanghusgang tao. At sa mga nagmamarunong. Kilalanin nyo muna ako bago kayo magsalita ng kung ano tungkol sakin. Oo nga pala, hindi lang yun ang mga achievements ko. Masyadong marami kung sasabihin ko lahat." hindi na ko nag PO sa kanya. Bwisit sya..