Pagkatapos ng klase ay hindi nasilayan ng dalaga si james..
May kirot sa puso nya.
Hindi nya maunawaan kung bakit biglang naging malamig ang pakikitungo sa kanya ng binata simula ng magusap sila ni tristan.
Nasabi nga sa kanya ni madeth na nagselos nga ito.
Hindi naman nya matatanggihan na baliwalain na lang si tristan dahil mabait ito sa kanya.Nalulungkot sya sa sitwasyon nya ngayon.
Nahihirapan na sya.
Kailangan na nya mamili sa dalawa bago pa ito tumagal at mas masakit isipin na kailangan nya pumili sa dalawa.
Kung pwede lang dalawa sila pero mas may matimbang sa puso ng dalaga at yun ang dapat nyang matiyak kung sino sa dalawa.
Kailangan nyang pagisipan ito maigi.Habang papauwi at palabas na ng school ay naabutan sya ng ulan.
Kaya sumilong muna sya sa hintayan ng bus...Biglang lumakas ang ulan.
Jaine: anu ba yan bigla naman lumakas ang ulan..
Paano na ako uuwi nito..
Saad nya.Tiningnan nya ang kalsada at konti lang ang dumadaan na sasakyan.
Jaine: pati ba naman ang buhos ng ulan nakikisama sa kalungkutan ko ngayon..!!
Tanong nya sa sarili.Nababasa na rin ang suot nyang uniform at palda.
Kaya naisip ng dalaga na patilain na muna ang ulan bago maisipan na umuwi.
Magisa na lang ang dalaga na naghihintay at nakatayo sa bus stop.
hinahaplos at niyayakap ng dalaga ang sarili dahil nilalamig na sya.
Gumilid sya para di sya masyado mabasa ng ulan.Jaine: ang tagal naman dumaan ng jeep dito..
Paano ako makakauwi nito..
Lumakas pa lalo ang buhos ng ulan..!!
Hindi ko pa naman nadala ang payong ko!!
Sambit nya sa sarili.Jaine: anu ba yan nilalamig na ako!!
Ilang sandali ay may patakbong lalaki na nakisilong din sa bus stop.
Nasa magkabilang dulo silang dalawa.
Pinapagpag ng binata ang uniform nya na basang basa na sa ulan.
Maging ang ulo nya at sapatos ay nabasa na rin.
James: tch..
Anu ba yan ngayon pa umulan kung kelan wala ako sa mood!
Inis na saad nya.
Habang pinupunasan ang sarili.
Hindi na pansin ni james na nasa kabila lang ang dalaga.
Hindi na rin napansin ng dalaga kung sino ang katabi nya dahil mahamog mg husto.James: nakakainis!!
Bwisit bakit ngayon ka pa umulan!!
Sigaw ng binata.Napatingin naman bigla ang dalaga.
Sa nasa kabilang side.Lumapit sya ng konti.
Pinagmasdan ito.Jaine: james!!
Ikaw ba yan??
Tanong nya habang nakayakap sa sarili.
Giniginaw na sya at basa na rin buhok nya pati ang suot nya.
Naginginig na sya sa ginaw dahil sa lakas ng hangin at ulan.Nagulat ang binata at napalingon sa tumawag sa kanya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso nya.
Dapat ay mainis sya sa dalaga pero ng makita nyang basang basa at giniginaw ang dalaga ay nanlambot ang puso nya.
James: jaine!!
Mahinang saad nya.Nilapitan nya agad ang dalaga at niyakap.
Nagulat man si jaine sa biglang pagyakap sa kanya ng binata ay meron sa loob ng puso nya ang tuwa at saya..
Namiss nya ang yakap ng binata.
Naramdaman nito ang init ng yakap ng binatilyo.James: anong ginagawa mo dito dapat nakauwi kana kanina ahh??!!
Jaine: oo pauwi na ko ng biglang umulan..
pahayag nya.
BINABASA MO ANG
book 1: High School Life ❤❤💔💑👫
Teen Fictionito'y iikot sa takbo ng buhay ng tatlong estudyante na kung saan maiinlove ang dalawang lalaki sa iisang babae... may saya at lungkot silang mararanasan sa buhay.. masasaktan at luluha... punong puno ng pighati at saya..!! kaya tunghayan natin ang s...