High School Life: A Second Chance..!!

70 0 0
                                    

Lumakad na ang binata paatras sa pader.
Pagkababa ay agad syang tumakbo pababa papunta sa dalaga.
Nakangiti sya habang bumababa sa hagdan.

Nakahinga naman ng maluwag ang lahat pati na rin ang dalaga.
Ibinalik na nya ang hiniram na megaphone guro.
At hinintay na bumaba ang binata.

Hingal na hingal at pawis na pawis na ang binata ng makarating sa groundfloor.

Ngayon naglalakad na sya papunta sa quadrangle at papalapit na papalapit sa dalaga.

Binigyan ng daan ng mga estudyante ang dadaanan ng binata.

Nang makalapit sa dalaga ay agad nya itong niyakap.
Napaiyak naman ang dalaga at gumanti ng yakap.
Sinubsob nya ang mukha nya sa dibdib ng binata.
Niyakap naman sya ng mahigpit ng binata.

James: sorry jaine..!!!
Sorry talaga...
Patawarin mo ako kung may nagawa man akong kasalanan sana pagbigyan mo ulit ako..

Bigyan mo ako ng second chance!!!
Sorry kung pinagalala kita at ginawa ang ganitong klase...
Na gawin at isipin na tumalon para lang kausapin at bigyan mo ng pansin..
Hindi ko kasi kayang mawala ka sa buhay ko jaine!!!
Madamdaming pahayag nya.

Tumingin sya sa aamong mukha ng binata habang may umaagos pa rin na luha sa kanyang mga mata..

Jaine: Hindi!!
Hindi mo kasalanan james...!!
Ako ang may kasalanan..
Sorry kung sinaktan kita at dahil sa akin naisip mong magpakamatay...
Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sayo na masama james!!!

James: anong ibig mong sabihin???!!

Jaine: kasalanan ko nagselos ako james!!!
Akala ko kasi nagchecheat  ka sa akin...
Na habang nangliligaw ka sa akin ay may iba ka pang nililigawan bukod sa akin...
Akala ko kasi may something sa inyo nung kasama mo sa canteen...
Si Samhie...
Ipinaliwanag na nya sa akin lahat...
At kapatid pala sya nitong si steven..
Sorry bigla ka kasi na nagbago at umalis na lang at nakita ka nga namin sa canteen na kasama si Samhie...

James: sorry kung yun pala ang iniisip mo..
may kasalanan din ako kung hindi ko agad sayo nasabi na bigla akong umalis nung break time kasi nainis lang ako ng konti kasi hindi mo ko pinapansin nung time na sabihin ko sayo na mahal kita at bigla kitang hinalikan sa pisngi...
Sorry...
Saka sorry na rin kung naisip mo na may namamagitan sa amin ni samhie ganun kasi yun sweet na makulit...
Hindi ko agad sya napakilala sayo at nabanggit edi sana ok pa tayo...

Pinunasan nya ang mga luha ng dalaga.

Jaine: sorry kung bigla bigla na lang akong nagdedesisyon na basterin ka...
Nasaktan lang kasi ako...
Nang makita ko na may kasama kang iba at nagtatawanan pa kayo...
Saad nya sabay yuko sa hiya..

Inangat naman ng binata ang mukha ng dalaga at hinalikan ito sa labi saglit.

Nagulat at nanlaki ang mata ng dalaga pero hindi nya itinulak ang binata.
Hinayaan nya lang ito at napapikit sya.

Pagkatapos syang halikan ay dumilat na rin sya.
Pagdilat nya ay nakangiti ang binata sa kanya.
Namula naman ang pisngi ng dalga.

James: mabuti at nalaman ko na kung bakit ka nagalit sa akin..
kaya ngayon hindi na ako lalapit sa ibang babae maliban sayo..
Dahil ikaw lang sa puso ko jaine...
Kaya Jaine tatanungin kita ulit
Pwede ba kitang ligawan in a second chance...

Saad nya sabay luhod sa harap ng dalaga habang nakahawak sa kamay ng dalaga.

Kinilig naman ang mga estudyante at guro sa nasasaksihan nila.

Umiyak muli ang dalaga.
Napangiti naman naman si steven..

Steven: sabi ko kay samhie wag masyado sweet kay james ee yan tuloy nagkatrouble...!!
Saad nya sa sarili habang nakangiting nakatanaw sa dalawa.

book 1: High School Life ❤❤💔💑👫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon