Pagkatapos ng ginawa kong pagpapahiya kay Clyde, kinabukasan ay parang lahat ng estudyante ay umiiwas sakin. Para bang meron akong sakit na nakakahawa. Hinanap ko ang best friend ko pero hindi siya pumasok. Bago pa ako makaupo sa upuan ko ay merong nambato sakin ng eraser at nakita ko ang classmate kong lalaki na tawa ng tawa. Alam ko siya ang may gawa nun. Nakita ko ang lahat na tuwang tuwa sa ginawa sakin ng classmate namin. Umupo na lang ako sa aking upuan at nakita ko kung paano sila tumitig sakin.
"Grabe naman yang si Manalang! Hindi na nahiya! Ang kapal ng mukha para pahiyain si Clyde!"
Yan ang mga bulong na naririnig ko sa kanila. Sa totoo lang hindi na nga bulong eh dahil talagang pinaparinig nila sa akin ang mga salitang iyon. Ganyan kalakas ang impluwensya ni Clyde sa kanila. Halos sambahin na siya ng lahat pero ibahin niya ako. Hinding hindi ako tutulad sa mga babae sa school na ito!
"Hoy Jasmine! Tandaan mo wala kang karapatan na pahiyain si Clyde ng ganun! Kung ako sa'yo lilipat na ako ng school dahil maling tao ang kinalaban mo!"
Yan ang mga salitang binitawan ni Grace ang classmate ko. Number one fan siya ni Clyde at hindi pa siya nakuntento sa mga salitang sinabi niya. Tinapunan pa niya ako ng juice na hawak niya!
Pumunta ako ng cr para magpunas pero bago pa ako makarating dun ay isang grupo ng mga kababaihan ang humila sakin at dinala ako sa basement ng school kung saan madalang ang taong dumadaan. Wala pang mga teachers kaya naman kahit anong gawin nila sakin ay wala akong palag.
"Hoy babae! Ang kapal mo din naman para gawin kay Clyde yun!"
"Wala naman akong masamang ginawa sa kanya! Parang nasigawan ko lang!
"At sumasagot ka pa!"
Sinampal ako ng isa sa kanila at ang iba naman ay sinabunutan ako. Wala akong palag dahil lima sila at nag-iisa lang ako. Gusto kong sumigaw pero wala din namang magagawa ang pagsigaw ko. Buti na lang at may dumating na isang lalaki. Hindi ko siya kilala pero siya ang umawat sa kanila.
"Hoy kayo! Kung wala kayong magawang matino tigilan niyo siya!"
Agad na umalis ang mga babeng iyon at naiwan akong nakasalampak sa sahig. Itinayo niya ako at tinitigan.
"Thank you ha at iniligtas mo ako sa kanila. Ano nga palang pangalan mo? Bakit ngayon lang kita nakita dito?"
Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan niya lang ako at inayos ang buhok ko. Inilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang mukha ko.
"Ayan ok ka na. Pumunta ka na lang sa cr para maghugas ng kamay. Tsaka amoy juice ka.... ambaho. Mag cologne ka na lang. Sige una na ako."
"Teka hindi ko pa alam ang pangalan mo."
"Hindi mo na dapat pang iniintindi ang mga hindi importanteng bagay."
Umalis na lang siyang bigla na hindi kinukuha ang panyo niya. Napakalalim niyang tao at para bang napaka seryoso. Pero cute siya ha at may hawig kay Enrique Gil. Pero sino nga ba yun? Bakit ngayon ko lang siya nakita dito? Hay bahala na nga makikita ko parin naman siya at ibabalik ko ang panyo niya. Kailangan ko na lang muna pumunta ng cr at bumalik sa classroom.
Pagbalik ko sa classroom ay andun na pala ang teacher namin sa Math. Pinagalitan ako at pinahiya. Tuwang tuwa naman ang buong klase sa nangyari. Gusto nilang mangyari ito sakin pero hindi ko na lang sila pinansin. Umupo na lang ako sa upuan ko. Pero bakit ganun iniisip ko parin ang lalaking tumulong sa akin. Sino ba siya? Gusto ko siyang makilala. Gustong magpasalamat sa pagtulong niya sa akin at gusto ko din ibalik ang panyo niya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Bad Boy
Novela JuvenilAkala ko joke lang ang lahat. Akala ko hindi ako maiinlove sa isang tulad niya. Pero sadyang mapaglaro si kupido at sa dinami-raming tao sa mundo ay sa kanya pa ako nagkagusto. Pwede nga ba ito? May patutunguhan nga ba? Ah ewan.... Basta bahala na s...