Chapter 10

44 0 0
                                    

Dumating na ang oras na hinihintay ko. Kinakabahan ako sa mga mangyayari at sa mga sasabihin sa akin ni Lance. Sa gabing ito ay lalabas na ang mga sagot sa tanong ko. 

Bumababa ako ng hagdan at nakita ko si Lance na inaabangan ang aking pagbaba at pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa ay si Lance ang aking prinsipe. Nakasuot siya ng black suit at itim na chucks. Informal tignan pero astig at talagang bagay sa kanya. Nilagyan niya ng piring ang mga mata ko at bumulong sa akin.

"I have a surprise for you."

Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin at narinig ko ang paghampas ng mga alon sa dagat. Alam ko kahit na nakapiring ako ay nasa tabi kami ng dagat ngunit hindi ko alam kung ano ang itsura ng paligid ko. My body is shivering and sweating. Siguro dahil na din sa sobrang kaba ko. What is happening and why is this happening? 

"Ok we're here. Get ready." he whispered in my ear. 

Tinanggal niya ang piring sa mata ko at sobrang nagulat ako sa aking mga nakikita. This is like a fairytale at para akong prinsesa. Is this a dream? I'm seeing lots of red balloons and different colors of roses. Ang tanging ilaw lang namin ay ang liwanag ng buwan at ang mga scented candles na nakapalibot sa amin. He then gave me a look na para bang nang-aakit.

"Would you like to dance?"

"Dance? Hindi ako maru.."

"Let me take care of it. Basta sumunod ka lang sa akin." 

He grabbed my waist at nilapit niya ang katawan ko sa kanya. Sobrang lapit at pati ang aming mga mukha. It's like we're kissing but we are not. Biglang may tumugtog ng violin. Napaka romantic ng tugtog. Kinikilig ako pero parang may kulang. Para bang I'm falling in love with all of these romantic set up, but not with the person who made these ideas. Siguro kasi para sa akin, Lance is my friend and my brother. 

"Tara Jas let's eat first."

"Ah ok."

After we ate our dinner, tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Dinala niya ako sa tabi ng dagat at doon kami naupo.

"Why are you doing all of these Lance?"

He just stared at me and smiled. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.

"I love your hands.... they are so soft."

"Lance! Can you be serious? I want to know your reason. I want to know what are these all about?"

Binitawan niya ang kamay ko at tumingin sa malayo. 

"Last year my parents got divorced. Ok lang naman sa akin yuneh at mas maganda na din yun kesa naman sa palagi na lang silang nag-aaway. But the situation got worst nung pinag-aagawan na nila ako. At first, I stayed with my Dad sa London kaso hindi ko makasundo ang bagong kinakasama niya. Then after 6 months, I've decided to stay with my Mom sa New York. Hindi din ako naging ok dun because she is so overcontrolling at talaga namang nakakasakal na. Nag-rebelde ako at napabarkada kaya dito niya ako pinatapon."

"Ano naman ang kinalaman ko dun?"

"Naisip ko I want to be like Clyde. Yung mga ginagawa niya sa school. Mga pambubully niya at pagkakaroon ng maraming girlfriends. I thought it was so cool. But then I met you. Remember the time nung pinagtanggol kita? Saka ko lang naisip na I'd rather be hurt than seeing someone hurting. When I laid my eyes on you, may iba akong naramdaman. Umpisa pa lang nagustuhan na kita. Nakita ko how strong you are and I envy you. Dahil kahit awayin ka nila pilit ka parin lumalaban. That's the reason why you're here. I'm falling in love with you Jasmine Manalang."

Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay para akong binuhusan ng yelo. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong matuwa pero bakit para akong isang lowbatt na cell phone.... ayaw mag turn-on. Pero mas nagulat ako sa mga sumunod na narinig ko.

"Pero alam ko na hindi ako ang gusto mo. I know that you're in love with my cousin. You're in love with Clyde."

"HA! Lance! Hindi yan totoo."

Hindi nga ba totoo? Pero bakit nung narinig ko iyon parang nabuhayan ako. My heart skips a beat. Do I really love that rude guy? Am I really in love with a bad boy?

"You can't hide it from me. I can see it on the way you look at him. Galit ka sa kanya dahil sa mga ginagawa niya, but the truth is mas galit ka sa sarili mo dahil minahal mo ang isang tulad niya. Remember nung sinuntok ko siya? Bago ako lumapit sa inyo, nakita kong niyakap ka niya at nakita ko din kung paano ka umiyak. Jasmine ganun ang iyak na nakita ko sa Mama ko nung naghiwalay sila ng Papa ko. Ganun ang nakikita kong itsura ng mga matang nasasaktan at lumuluha dahil sa taong mahal nila."

I want to be mad at him because of his lies. Pero bakit parang alam ng puso ko na totoo ang mga sinasabi niya? But my mind keeps on telling me that they are all lies. Bakit ba hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko talaga si Clyde? Suddenly, tears began rolling in my eyes. I can't stare at him. Yumuko na lang ako. Pero bigla na lang niya akong niyakap.

"Jas. I'm flying to London and I'm not coming back. I've decided to stay with my Dad and study college there. My Dad is giving me my own place to stay dahil alam niya na hindi ako papayag tumira sa kanya kasama ang girlfriend niya. Pumayag na din si Mom sa situation namin na ganun. I brought you here because I want to create memories with you para naman may baon ako pauwing London. I want to spend time with you."

"Lance I'm sorry if I can't love you the way you love me. I'm sorry if I lied to you about my feelings. Pero minahal kita hindi nga lang katulad ng pagmamahal ko kay Clyde."

"At last, umamin ka na sa sarili mo. That's what I've been waiting for. Ok na ako sa frienship na pinaparamdam mo sa akin. I tried my best for you to fall for me pero hindi effective eh. Hehe siguro I just have to admit it na mas gwapo talaga sa akin si Clyde."

"Sira! Mas gwapo ka dun kaso ganun lang talaga siguro ang love. We can't understand it and we can't even define what love is. That's the power of love. Pero napaka swerte ng magiging girilfriend mo."

"Hahaha kung sino man siya sana makilala ko na siya."

I won't forget this night. Dahil ito ang gabing pinaramdam sa akin ni Lance na mahal niya at kahit hindi ko siya kayang mahalin more than a friend ay magkaibigan parin kami at walang magbabago dun. Ito din ang gabing inamin ko na sa sarili that I'm in love with a bad boy.

Kinabukasan ay hinatid na namin si Lance sa airport, but I was so surprised nung makita ko si Clyde. Nilapitan ako ni Lance at may binulong siya sa akin.

"Jas! I just want you to know that Clyde loves you. Just wait and see at magpo-propose din siya sa'yo to be his girlfriend."

"HA? Lance!? What are you talk.........?"

"Hehe bye! Sige Clyde I have to go. Promise me that you'll take care of Jasmine."

"Malaki na yan. Amazona yan eh. Sige insan ingat ka ha. And I'm sorry sa mga nangyari."

"That's fine dude."

Biglang may binulong si Lance kay Clyde kaso hindi ko narinig. Umalis na si Lance at naiwan na lang kami ng Clyde sa airport. Tumingin siya sa akin at biglang yumakap.

"Hoy! Sira ulo! Bakit mo ako niyayakap?"

"I'm sorry Jasmine. Promise magbabago na ako and I won't hurt you again."

Those words just made me cry and I don't know why. Yumakap na din ako sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon