Chapter 6

47 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at hindi na ako muling nakatanggap ng pambubully sa kahit kanino. Back to normal na ulit ang lahat. Katulad ng dati normal na estudyante na ulit ako. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung paano ito natigil. Pumasok na ulit ang best friend ko at ipinagtapat sa akin kung bakit hindi siya pumasok. 

"Bes sorry ha kung hindi ako pumasok. Sorry kung iniwan kita dito. Alam ko lahat ng nangyari sa'yo."

"Alam mo? Pero bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag sa akin?"

"Nahiya kasi ako bes. Hindi man lang kita natulungan. Alam mo kasi ang totoo nyan natakot ako na pati ako ibully nila. Baka pati ako madamay. Bes kilala mo naman ang parents ko at once na malaman nila na nasasangkot ako sa gulo baka kunin nila ako at dalhin dun sa New York. Bes katulad mo ayoko mag-aral sa ibang bansa. Sorry talaga sana maintindihan mo."

Nagtatampo ako kay Nicole pero naiintindihan ko ang reason niya. Ibang magalit ang parents ni Nicole at witness ako dun. Hindi katulad ng parents ko na madaling mapakiusapan, ang parents niya ay iba. Kaya nang pumayag ang parents niya na mag-aaral siya dito basta ba mag-aaral siya ng mabuti at hindi gagawa ng kalokohan ay talagang pinanindigan niya. Paminsan minsan ay nakakagawa siya ng kalokohan tulad ng pagsama sa mga small parties or ang pagkakaroon ng mga manliligaw pero ang mga kalokohang tulad ng nasangkutan ko ay maaaring makarating sa parents niya. Ayoko naman na madamay siya sa mga nangyari sa akin kaya mas mabuti na din ang ginawa niya.

"I understand you bes. Ayoko din naman na madamay ka sa mga problema ko eh. Sige kalimutan na natin yun."

"Thanks bes kaya love na love kita eh! Pero balita ko may bagong cute guy dito ha. Sino yun?"

"Naku bes ayan ka na naman basta cute! Pinsan yun nung hambog na si Clyde kaya wag ka na mag-aksaya ng panahon na kilalanin yun. Pareho lang silang mayabang!"

"Sayang naman. Tara na nga hayaan na natin ang mga bwisit na yun! Mag-aral na lang tayo."

RRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG (Class Dismissal)

"Jas tara punta tayo samin dun ka na mag-dinner. Para man lang makabawi ako sa'yo. I'll cook dinner for you."

"Bes pass muna ako. Magrereview muna ako para sa quiz natin bukas sa Trigo eh. Sa Saturday na lang. I'll spend the whole day with you."

"Ok sounds great! Sige una na ako. Magrereview na din ako. Buti pinaalala mo. Sige bes I'll go ahead na.

Nang umalis na si Nicole ay pumunta muna ako sa library. Kadalasan mas gusto kong sa library magreview. Ngunit bago pa man ako makarating ng library ay nakita ko si Lance sa botanical garden at mag-isang nakaupo sa bench. Halata sa mukha niya na meron siyang dinaramdam. Nakita kong kinuha niya ang cell phone niya at mukhang may incoming call. Hindi ko marinig ang usapan nila ngunit  alam kong seryoso hanggang sa sumigaw na lang siya ng Mama at biglang napaiyak. Naawa ako sa itsura niya at gusto ko siyang lapitan. Pero nabigla ako ng bigla niyang batuhin ang cell phone niya. Hindi na ako nagtangka pang lumapit sa kanya dahil baka isipin niya na nangingialam ako sa buhay niya. Hinayaan ko na siya at nagpasya ng umuwi. Ngunit hindi parin siya maalis sa isip ko. Ano kaya ang problema niya? Siguro kaya ganun ang ugali niya ay dahil na din sa mga pinagdadaanan niya. Hindi naman siguro siya katulad ng pinsan niyang si Clyde dahil mukha naman siyang mabait. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang damayan. Kawawa naman siya. 

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon