Chapter 4

50 0 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw at hindi parin pumapasok ang best friend ko at ang masaklap pa dun ay halos araw araw akong nakakatanggap ng pambubully sa mga classmates at schoolmates ko. Pero sa loob ng tatlong araw na yun ay hindi ko nakita si Clyde at pati na din ang lalaking nagligtas sa akin. Pero mas inaalala ko ang best friend ko dahil ilang beses ko na siyang tinext at tinawagan pero hindi siya sumasagot. Pinuntahan ko na din siya sa kanila pero ang sabi ng katulong nila ay wala siya. Ayaw naman sabihin kung nasaan. Ano na kayang nangyari dun? Alam kaya niya ang mga nangyayari sa akin?

Habang papalakad ako ay meron akong nabangga. Isang lalaking mukhang pamilyar ang mukha.

"Aray! Ano ba yan?! Hindi kasi tumitingin sa....."

Pagtayo ko ay nakita ko ang mukha ng isang lalaki. Siya nga! Siya yung lalaking nagligtas sa akin nung isang araw. Ngunit gaya  ng una naming pagkikita ay nakatitig parin siya at hindi nagsasalita.

"Ikaw! Ang tagal na kitang hinahanap dito sa school. Gusto ko lang sana ibalik 'tong panyo mo sa'yo."

Ngunit nabigla ako sa sinabi niya. 

"Hindi akin yan."

"Pero ikaw yung lalaking nagligtas sakin diba? Ikaw ang nagbigay sakin nito."

"Sorry miss ha pero hindi ko alam ang sinasabi mo."

(Napahiya ako. Bakit kailangan niyang itanggi yun? Totoo naman na siya yung tumulong sakin eh. Akala ko iba siya sa mga tao dito. Katulad lang din siya nung hambog na lalaking si Clyde. Pare-pareho lang si....)

"Pre! Kelan ka pa dumating? Bakit nandito ka?"

(Teka parang alam ko kung kaninong boses yun ah!)

Paglingon ko ay nakita ko si Clyde kasama ang mga barkada niya. Nagulat ako dahil kinakausap niya ang lalaking ito.

"Last week lang. Dito na daw ako mag-aaral sabi ni Mama. Kinausap niya si Tito na dito ako mag-aral sa school niyo. Nalaman kasi ni Mama na malakas ang koneksyon ng Papa mo dito."

"Ah oo malakas nga ang koneksyon ni Papa dito. Teka pakilala kita sa mga ka bandmates ko. Guys si Lance nga pala cousin ko."

(Tama ba ang narinig ko? Cousin? Pinsan niya si Clyde?! Kaya pala pareho sila ng ugali. Parehong hambog!)

Nag-usap lang ang dalawang magpinsan na para bang isa lang akong hangin. Hindi nila ako pinansin. Ngunit bago sila umalis ay tinignan ako ni Lance at kinausap. Nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin.

"Miss kung kanino man yang panyo na yan sana makita mo na siya."

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sobrang kahihiyan. Bakit niya ba kasi itinatangging siya yung lalaking tumulong sa akin. Gusto ko lang naman magpasalamat at ibalik ang panyo niya. Ngunit mas nanlamig ako ng tumingin sa akin si Clyde na may halong pagkabigla.

"Kilala mo ba siya Lance?"

"Hindi. Tara let's go."

Tinitigan ako ng masama ni Clyde at inirapan. Bakit ganun ang lalaking yun? Bakit ba niya ako kailangang pahiyain? Plano niya ba ang lahat ng ito? 

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon