Chapter 1

59 0 0
                                    

RRRRRRRRRIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGG (Recess time)

"Hey Jas have you heard the news?" 

"Hindi pa Andy. Bakit ano ba yun?"

(By the way Andy is my best friend since kindergarten. Hanggang ngayon classmates parin kami. Nakakasawa na nga eh hehe pero siya din ang isa sa mga dahilan ko kung bakit hindi ako pumayag na sa Canada mag-aral. Kahit may pagka timang ang best friend ko love ko naman yan.)

"Break na si Clyde at yung girlfriend nyang mukhang clown sa sobrang kapal ng make-up!"

(Si Clyde ay isa ding 4th year high school student katulad ko pero hindi kami classmates dahil magkaiba kami ng section. Heartthrob siya sa school at isa pa dun popular din siya dahil mayaman sila. Isa din siyang vocalist ng sikat na banda sa school ang Psychodeliques. Marami na siyang naging girlfriends kaya hindi naman na bago sa akin ang balitang narinig ko kay Andy. Pero in fairness tumagal sila ng halos dalawang buwan nung latest ex niya, kasi yung girl ang gumagawa ng book reports at reasearch papers niya. Ganun naman siya eh, tatagal lang ang babae sa kanya kapag pinapakinabangan niya pa. Naging crush ko siya from first year hanggang second year high school pero nagbago ang pagtingin  ko sa kanya nung third year dahil sa pagbabago ng ugali niya.)

"Oh eh ano naman kung break na sila? Ikakayaman ko ba yun?"

"Tssss! Eh diba crush mo yun? Naalala ko pa nung 1st year high school tayo palagi ka lang nakatitig sa kanya. Tapos nung second year high school tayo naalala ko niyaya ka pa niya magsayaw nung acquaintance party natin at halos mamatay ka na sa kilig."

"Bes dati yun nung matino pa siya. Iba na ngayon. He changed a lot and from better he became worst."

"Sabagay bes tama ka dyan. Pero in fairness ha mas lalo siyang gumwapo ngayon. Aminin mo! Ayieee!"

(May point si bes dun. In fairness ang laki ng pinagbago ng itsura niya. He's really cute at ang bango bango pa. Hoy ha hindi ko siya inaamoy sadyang malakas lang yung pabango niya kaya kapag dumadaan siya amoy na amoy. Pero malakas talaga ang dating niya at kamukha niya si Zac Efron ha kaya naman marami ang babaeng patay na patay sa kanya.)

RRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGG (Recess is over kaya back to study muna ang lahat.)

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon