Chapter 7

38 0 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at hindi ko pa nakikita si Lance. Palagi siyang sumasagi sa isip ko dahil nag-aalala ako sa kanya. Ang pinsan naman niya si Clyde ay back to normal din. May bago na ulit siyang girlfriend. Ang cheerleader ng school namin. Third year high school, maganda, maputi, mayaman at katulad ng ibang mga nagiging girlfriend niya mukha ding bitchy bitchy at balita ko katulad ni Clyde ay bully din daw yun. Bagay nga sila pero kawawa naman siya dahil may bago na namang trophy si Clyde.

Habang nasa botanical garden kami ng best friend ko ay nandun din ang bwisit na si Clyde at ang tropa niya pero hindi ko na siya pinansin dahil si Lance ang iniisip ko.

"Bes! Huy Bes! Nakatulala ka diyan!"

"Ha..... Wala lang may naiisip lang ako."

"Sino? Si Clyde at ang bagong gf niya? Selos ka? Hahahahaha!"

"Pwede ba NICOLE JEAN SALAZAR! Mandiri ka nga!"

"Hahahahaha!...... Bes wait tignan mo oh! Siya ba yung bagong cute guy dito? Yung bagong third year high school student?"

Nagulat ako ngunit may halong tuwa akong naramdaman dahil nakita ko na naman ulit siya. Nakaramdam ako ng kakaibang pagkasaya ng makita ko siyang nakangiti. Ibang iba ang itsura niya ngayon. Maaliwalas, masaya at parang walang problema. Mas lalo siyang gumwapo ngayon dahil sa kakaibang aura niya.

"Hey Lance! Come over here!"

"Hey Clyde later na lang!"

Nabigla ako at ang best friend ko nang biglang lumapit sa amin si Lance. Pero mas nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakita ko ang mukha ni Clyde at ang lahat ng tao sa botanical garden na gulat na gulat sa nakita. 

"Bakit nandun si Lance? Bakit niya hawak ang kamay nung babaeng yun? Sino ba yung babaeng yun?"

Yun ang mga salitang naririnig ko sa kanila. Pero mas nag focus ako kay Lance at sa mga sinasabi niya na talaga naman nakakabigla.

"Hi miss! I want to know you more. Tara let's talk.... Come with me."

Hindi man lang ako nakapag salita. Hinayaan ko lang siya na hilahin ako. Ayoko man sumama pero bakit hindi ko mapigilan ang mga paa ko sa paglalakad. Nakita ko si Clyde na parang galit. Bigla na lang nag walk out. Ano naman ang eksena niya? Hindi ko na siya pinansin dahil mas gusto ko mag-focus kay Lance. Nakita ko ang mukha niya na nakangiti. Hindi ko alam kung anong balak niya. 

Nakarating kami sa gym. Walang ibang tao maliban sa amin. Kinuha niya ang bola at pinasa sa akin.

"Now! I will teach you how to shoot. Mukha ka kasing tanga dati eh hahaha."

(Excuse me? Ako mukhang tanga! Teka nga andito ba siya para pagtawanan ako?)

"Ano bang kailangan mo sakin? Bakit mo ako dinala dito?"

Pagka shoot niya ng bola ay hindi niya na ito pinulot ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpakilala.

"By the way I'm Lance Gabriel de Guzman and you are?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Bakit ba niya ito ginagawa? Ano bang mga plano niya? Pambubully na naman ba to?

"Bakit ka nagpapakilala sakin? Diba tinatanggi mong tinulungan mo ako? Tapos ngayon nakikipag kaibigan ka. Ano ba yang eksena mo?"

"Alam ko naiinis ka sa akin. Pero believe me or not gusto talaga kitang maging kaibigan. Ginawa ko lang yun dahil ayoko lang makisali sa mga kagaguhan ng pinsan ko. Baka kasi kapag sinabi kong tinulungan kita baka lalo ka lang niyang pagtripan."

"Ok gets ko na. Sige maniniwala na ako sa'yo. I'm Jasmine Manalang."

At yun na ang simula ng pagkakaibigan namin ni Lance. Mali ako tungkol sa kanya. Mabait nga siya at hindi siya katulad ng pinsan niya. Ito na ang isa sa mga pinaka masayang araw ko dito sa school dahil nagkaroon ako ulit ng bagong kaibigan.

Pagkabalik namin sa botanical garden ay magkasama parin kami.  Habang naglalakad kami sa kinaroroonan ng best friend ko ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Mag-iisang buwan pa lang siya dito pero naging mr. popular na din siya tulad ni Clyde. Marami na din ang nagkakagusto sa kanya at marami na din ang nagtapat. Kaya naman ngayon halos patayin na nila ako sa mga tingin nila lalo na ang mga babaeng patay na patay sa kanya. 

"NIcole siya nga pala si....."

"Hi ako si Nicole, best friend ni Jasmine. Ikaw si Lance diba?"

Hay best friend ko nga siya. Basta cute nawawala ang hiya. Sana magtuloy tuloy na ang masasayang araw na ito. Sana ganito na lang palagi sa school. Ano pa kaya ang mga susunod na kaganapan?

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon