Chapter 8

42 2 0
                                    

Ilang araw din ang lumipas at palagi na kaming magkasama ni Lance at minsan din ay nakakasama pa namin ang best friend ko. Masaya ako dahil magkaibigan na kami ngayon. Ngunit isang araw habang sabay kaming kumakain ng lunch ni Lance at Nicole sa canteen ay dumating ang bwisit niyang pinsan at ang mga barkada niya.

"Hey Lance! Hindi ko alam na ganyan pala ang mga tipo mong babae? Mga mukhang exotic hahahaha. Tama ba ako mga brad?"

"Oo nga Lance? Sa dinami-daming babae dito bakit sa kanya pa? May mga mas magaganda pa sa kanya. Tara ipapakilala ka namin."

(Alam ko hindi ako kasing ganda ng mga babaeng shinoshota nila pero hindi din naman ako pangit. Isa pa kaibigan ko lang si Lance. Mga bwisit talaga tong mga to!)

Tumayo si Lance at ipinagtanggol ako sa kanila.

"Alam niyo mga pre ibahin niyo si Jasmine dahil hindi siya katulad ng mga girlfriends niyong mukhang clown kung mag make-up dahil siya hindi na kailangan pa mag effort magpaganda dahil maganda na talaga siya. Isa pa Clyde wala naman masama kung kaibiganin ko siya diba? Maliban na lang kung may gusto ka sa kanya? Bakit nagseselos ka ba?"

(Teka bakit naman magseselos ang mokong na yan? Ano ba yang mga pinagsasabi mo Lance!)

Hindi na nagsalita si Clyde at bigla na lang umalis. Pero bakit hindi siya nagsalita nung tanungin siya ni Lance kung may gusto siya sa akin? Pero wala naman akong pakialam sa sagot niya basta masaya ako dahil andito si Lance at kasama ko.

"Sa susunod na pagtripan ka ulit ng pinsan ko sabihin mo lang sakin ha. Bubugbugin natin yun hehehe."

Ngumiti lang ako sa kanya dahil sa totoo lang ayoko parin magkaaway sila. Dahil kahit galit ako kay Clyde ayoko parin masira ang pagiging magpinsan nila. 

Pagkatapos ng nangyaring yun ay dumating ang ilang araw na hindi ko nakikita si Clyde sa school. Wala ding balita sa kanya si Lance. Imposible naman na dahil lang sa komprontasyon nilang magpinsan ay hindi na siya papasok. Hanggang sa isang araw ay nakita ko siya sa labas ng school at may binubugbog na estudyante at kasama niya ang mga barkada niya. 

"Ano lalaban ka pa! Eh wala ka pala! Weak!"

"Oo nga weak! Sa susunod na manghahamon ka ng dota ayus ayusin mo!"

Hindi ko na napigilan at umawat na ako sa ginagawa nilang pambubugbog.

"Hoy Clyde! Tumigil ka na nga! Hindi ka ba naaawa sa kanya?"

"Ano bang pakialam mo? Si Lance na lang ang pansinin mo at wag ang ginagawa ko!"

Bago pa man niya sipain ang kawawang lalaki ay humarang na ako at ako ang nasipa niya sa binti. Napaluhod ako sa sobrang sakit at halos maiyak. Nagulat si Clyde sa nangyari.

"Ano ba kasing gingawa mo? Bakit mo ba tinutulungan ang lalaking yan? Ayan tuloy ikaw ang nasaktan ko."

Lumuhod din si Clyde at hinawakan ang binti ko. Ngunit sa galit ko ay sinuntok ko siya sa mukha.

"Wag na wag mo akong hahawakan! Demonyo ka!"

Napayuko lang siya ngunit nanatili parin siyang nakaluhod sa harapan ko habang ako ay napaupo na lang. Napaiyak ako sa sobrang galit ngunit bigla na lang niya akong niyakap at nagsorry.

"Sorry Jasmine. Hindi ko gustong saktan ka. I'm really sorry."

Sa sobrang gulat ko ay pilit ko siyang tinutulak palayo ngunit nakayakap parin siya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng lungkot imbis na galit. Gusto ko siyang patawarin sa ginawa niya. Pero pumikit na lang ako at inalala ang mga araw na na-bully ako ng dahil sa kanya. 

"Sorry?! Pagkatapos mo akong sipain yan lang ang sasabihin mo? Sorry? Pagkatapos mo akong ipa-bully sa mga schoolmates natin sorry lang ang masasabi mo ha!"

Pilit ko siyang tinutulak palayo ngunit pahigpit ng pahigpit ang yakap niya saakin.

"Hindi kita pinabugbog Jasmine. Hindi ako ang gumawa nun sa'yo at kahit kailan ay hindi ko yun magagawa sa'yo. Dahil hindi ko kayang saktan ang taong........."

Bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya ay biglang dumating si Lance. 

"Gago ka talaga Clyde!"

Hinila niya si Clyde at pinagsusuntok ngunit hindi lumalaban si Clyde. Yun ang unang pagkakataon na nakita ko siyang binubugbog dahil madalas siya ang gumagawa sa iba nun. Hindi ko alam kung bakit hindi siya lumalaban. Dahil ba sa pinsan niya si Lance? Ewan.... Pero kahit ano pang dahilan niya bakit ako nakakaramdam ng awa sa kanya? Dapat nga matuwa ako eh dahil natikaman niya ang ginagawa niya sa ibang tao. Pero bakit parang gusto kong umawat? Ngunit mas nakakabigla ang mga susunod na eksena. 

"Sira ulo ka talaga at pati babae pinapatulan mo! Wag na wag mong sasaktan si Jasmine! Wag ang babaeng mahal ko!"

Yung ang huling suntok na ibinato ni Lance kay Clyde. Ngunit hindi parin siya lumaban. Tumigil ang lahat ng nandun sa pangyayaring iyon at pakiramdam ko pati na din ang pagtibok ng puso ko ay tumigil din. Nagulat ako sa mga salitang binitawan ni Lance. Ngunit mas nagulat ako ng bigla kong nakitang umiyak si Clyde. Bakit? Bakit siya umiyak? Gusto kong malaman ngunit hinila ako papalayo ni Lance sa lugar na iyon. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Diba dapat masaya ako dahil umamin si Lance sa nararamdaman niya para sa akin? Pero bakit nalulungkot ako? Sa mga sandaling ito isa lang ang gusto kong malaman. Bakit umiyak si Clyde at para saan ang mga luhang iyon?

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon