Chapter 2

42 0 0
                                    

Isang araw sa canteen nakita ko si Clyde mag-isa at walang kasama. It is really unusual dahil kadalasan kasama niya ang mga ka bandmates niya or girlfriend niya. Pero this day is really different. Una mag-isa lang siya, pangalawa wala pa akong nababalitaang girlfriend niya at pangatlo hindi pa ako nakakarinig nang kahit na anong pambubully niya this past few days. Kaya naman sobrang nanibago ako sa kanya. Pero sige na nga ano bang paki alam ko sa kanya kakain na nga lang ako.....

"Hi Miss pwede bang tumabi?"

(Shit! Si Clyde! Bakit siya nandito? Anong kailangan niya? Kanina lang andun siya sa kabilang table! Naku naman)

"Ha..........uhm..."

"Alam ko gwapo ako pero wag ka naman mautal hahaha. Wala kasi akong kasama sa kabilang table eh nakita ko mag-isa ka lang. Ano pwede bang tumabi?"

"Eh nakaupo ka na eh. Sige na. Isa pa hindi naman ako ang may-ari niyang upuan eh."

(Ang kapal ng mukha.... Hindi porket gwapo siya kailangan niyang ipagduldulan!)

"Ang taray mo naman! Sige ka papangit ka niyan."

 Hindi ko na siya pinansin at tinuloy ko lang ang pagkain ko. Pero makulit parin ang mokong at mas lalo pa niya akong inaasar.

"Hoy miss sungit ka na nga miss pangit ka pa! Hahaha pansinin mo naman ako!  Huy!"

"Pwede ba kung wala kang magawa wag ako ang asarin mo! Wala ako sa mood at lalong lalo na matino pa ang pag-iisip ko para makipag-usap sa katulad mo!"

(Naku naman Jasmine! Anong ginawa mo? Lagot ka ngayon. Baka mamaya ikaw na ang sunod na ibully niyan!)

Tuluyan na akong umalis at iniwan siya sa table na yun. Hindi ko na siya nilingon pero ramdam ko na nagalit siya sa ginawa ko dahil pinahiya ko siya. Lahat ng mata ay nakatingin sakin na para bang gusto nila akong kainin ng buhay. Paano ba naman hindi sila magagalit eh ang sinasamba nilang si Clyde ay pinahiya lang ng isang tulad ko. Pero ano nga bang pakialam ko? Tama lang naman yun sa kanya.

Pagkatapos ng klase namin ay pinuntahan agad ako ng best friend ko sa aking upuan. Alam kong pagagalitan niya ako sa aking ginawa kay Clyde. 

"Hoy Jas! Ano yung nabalitaan ko? Bakit mo sinigawan si Clyde? Naku lagot ka!"

"Pwede ba Nicole! Wag ka nga mag-alala diyan! Isa pa sinabi ko lang naman yung totoo eh. Tsaka bakit ba? Siya ba may-ari ng school na to?"

"Kahit na bes alam mo naman na maraming connections ang pamilya niya sa school na to at ninong niya pa ang may-ari dito. Paano kung ipa-expelled ka niya?"

"At bakit naman niya gagawin yun? Nagbabayad naman ako dito ah. Isa pa estudyante lang din siya!"

(Pero natakot din ako bigla dahil tama ang mga sinabi ng best friend ko. Pwede nga niya akong ipa kick out sa school. Pero syempre alam kong wala naman akong ginawang masama kaya bakit ba ako matatakot!)

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon