Chapter 9

42 0 0
                                    

Dumating na ang sembreak at ang karamihan ng mga classmates namin ay magbabakasyon. Ang iba ay sa kani-kanilang probinsya at ang iba naman na mayayaman ay sa ibang bansa. Ako? Dito lang sa bahay kasama ang kuya ko at ang katulong namin. Nagpaalam din sakin ang best friend ko na si Nicole na doon muna siya sa Canada para magbakasyon. Si Lance naman ay baka umuwi din muna sa America. Hayyyy buti pa sila may mga pupuntahan, samantalang ako nandito lang kasama ang kuya kong wala namang inatupag kung hindi ang gumimik. 

Isang araw ay may kumatok sa pintuan namin at laking gulat ko ng makita kong si Lance ang dumalaw sa amin.

"Oh Lance? Akala ko nasa America ka na. Anong ginagawa mo dito?" 

"Day after tomorrow pa ang flight ko. By the way pwede ka ba bukas?"

"Bakit anong meron bukas? Saan tayo pupunta?"

"I just want to spend the whole day with you tomorrow. Basta bukas susunduin kita. Sige I'll go ahead na may aasikasuhin pa ako eh."

"Ha eh? Teka Lance!"

"Sige bye!"

(Hinalikan niya ako sa pisngi? Bakit? Tsaka anong meron bukas?)

Bigla na lang siyang umalis nang hindi man lang sinasagot ang mga tanong ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero ganun pa man ay masaya parin ako dahil nakita ko ulit si Lance. 

Kinabukasan ay nagising ako ng bandang 7:00 am dahil hindi ko naman alam kung anong oras siya dadating. Naligo ako pero hindi pa ako nagbihis nang pang-alis. Naka shorts lang ako at simpleng t-shirt. Naisipan ko din munang mag-internet pero dumating ang alas nuwebe pero wala parin siya. Hanggang sa may biglang pumaradang kotse sa tapat ng bahay namin at maya maya pa ay biglang nag doorbell. Ako na ang nagbukas ng gate at nakita ko ang isang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa akin. 

"Ikaw po ba si Ms. Jasmine?"

"Oo ako nga po. Ano pong kailangan nila?"

"Sumama po kayo sa akin. Pinapasundo po kayo ni Sir. Lance."

"Ha teka magpapalit muna ako ng damit"

"Wag na po. Dun na lang po kayo magbihis."

"HA! Teka lang!"

Biglang may dalawang babaeng bumaba ng kotse at humila sa akin para pumasok sa loob ng sasakyan. Natakot ako dahil para akong nasa isang action movie. Yung eksenang kinikidnap ang isang babae at dadalhin sa isang warehouse at pagkatapos ay ipapatubos ng isang milyon o higit pa. Pero teka hindi naman kami ganun kayaman baka hindi na ako matubos and worst baka patayin na lang ako. 

"Wag po kayong mag-alala Ms. Jasmine safe po kayo sa amin. Pinadala po kami ni Sir. Lance para ayusan kayo at bihisan. Mamaya po ay malalaman ninyo kung bakit."

Napatingin lang ako sa kanila at dahil sa mga sinabi ng babaeng ito sa akin ay nawala naman ang kaba ko. Pero mas kinabahan ako dahil hindi ko alam kung anong plano ni Lance. Para saan ba ang mga ito? 

Nakarating kami sa isang spa and salon. Napakaganda sa loob parang pang mayaman ang salon na ito. Maya maya pa'y inayusan na nila at pinaganda. Tumagal ng halos isang oras ang ginawa nilang pagpapaganda sa akin at nang matapos ay pinaharap ako sa isang salamin. Nagulat ako sa aking nakita. Napakaganda ko ngayon. Light lang make-up at kulot ang mahaba kong buhok. Hindi ako sanay sa ganitong itsura ko dahil hindi naman ako mahilig mag-ayos ng mukha at buhok. Pagkatapos akong ayusan ay dinala ako sa loob para bihisan at doon ay nakita ko ang isang pink na floral dress. Napaka simple lang at talagang bagay sa personality ko. Pagkatapos ng lahat ng pag-aayos sa akin ay pinasakay na nila ako sa kotse. Nagtanong ako kung saan kami pupunta pero walang sumasagot. Maya maya pa ay nakarating kami sa isang lugar at may nakita akong chopper. 

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon