Chapter 5

47 0 0
                                    

Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay nakatanggap na naman ako ng pambubully sa isang grupo ng mga kalalakihan. Kinuha nila ang bag ko at tinapunan ng pintura. Tinulak nila ako at bubuhusan sana ng pintura ngunit biglang dumating si Clyde at ang mga barkada niya.

"Tigilan niyo yan! Sinong may sabi na ibully niyo siya?"

(Sinong may sabi? Eh diba siya may kagagawan nito? Ano nagmamalinis pa siya?)

"Pero Clyde pinahiya ka ng babaeng to diba? Dapat lang sa kanya to!"

"At sumasagot ka pa?!"

Bigla na lang nyang sinuntok ang lalaki at pinaalis. Ilang sandali lang ay umalis din siya na hindi man lang ako tinignan. Sa sobrang galit ko sa kanya ay bigla ko na lang siyang sinampal.

"Hoy Clyde!"

(PAK)

"Ang sama sama mo! Ikaw ang dahilan kung bakit ako binubully dito sa school!"

Sa sobrang gulat ko sa aking nagawa ay tumakbo ako palayo. Wala na akong pakialam pa sa mga gagawin nila sa akin dahil sa pagkakataong ito ay lalaban na ako.

Pumunta ako sa gym ng school at tamang tama ay walang tao. May nakita akong bola at pinaglaruan ko ito. Panay ang pag shoot ko kahit hindi ako marunong. Para lang mawala ang galit ko sa mundo. 

"Ang kapal ng mukha niya! Bakit pa siya pinanganak sa mundong to! Wala naman siyang silbi! Isa lang siyang malaking............"

''Hindi ganyan ang pagsira ng bola."

Laking gulat ko ng makita ko si Lance sa likod ko. Nakatingin na naman siya ngunit walang reaksyon ang mukha. Naka poker face lang.

"Kung galit ka sa isang tao wag mong idamay ang bolang wala namang kinalaman sa problema mo."

Kinuha niya ang bola at shinoot sa ring. Siya na ang naglaro at pinabayaan ko na lang siya. In fairness magaling siya, siguro basketball player siya sa school nila dati. Habang pinapanuod ko siya ay naalala ko ang walang hiya niyang pinsan na si Clyde at naalala ko din ang pagpapahiya niya sa akin nang itanggi niya ang pagligtas niya sa akin.

"Teka ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. 

"Bakit bawal ba ako dito?"

(Oo nga naman bakit ko nga ba naitanong yun?)

"I mean wala ka bang klase? Baka hinahanap ka na?"

"Ikaw din naman ah. Bakit ka nandito?"

"Nandito ako kasi galit ako sa mundo! Galit ako sa mga tao dito! At galit ako sa pinsan mo!"

Hindi niya tinignan man lang at patuloy parin siya sa paglalaro. 

"At ikaw! Bakit kailangan mong itanggi na tinulungan mo nga ako!"

Huminto siya sa paglalaro at binigay sa akin ang bola.

"Wag mong isisi sa ibang tao ang mga nangyayari sa'yo dahil kagustuhan mo din yan. Wala din akong pakialam sa mga ginagawa ng pinsan ko dahil ayoko makialam sa buhay ng ibang tao...........at yung pagtulong ko? Hindi ko naman kailangang i-broadcast yun dahil hindi naman ako superhero. By the way yung panyo pakitapon na lang marami naman ako nyan eh."

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang sasabihin ko. Sabagay tama siya dun, ang mga nangyayari sa akin ay kasalanan ko din. Alam kong makakalaban ko ang pinakama-impluwensyang estudyante dito  pero tinuloy ko parin na pahiyain siya kaya kagustuhan ko din ang mga nangyayari sa akin ngayon. At yung pagtulong niya? Oo nga bakit ba niya kailangan pang aminin sa lahat na tinulungan niya ako. Sino ba naman ako? Basta galit parin ako sa kanya at sa kanilang lahat. Hindi ako papayag na pagtulungan pa nila ako.

Umalis lang siya at naiwan ako. Naisip ko ang lahat ng nangyari sa akin this past few days pero naisip ko na kaya ako nandito ay para mag-aral kaya babalik na ako sa classroom. Hindi na nga pala ako nakapasok ng first and second subject patay ako nito. 

I'm In Love With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon