Chapter 1: See you Again

210 13 1
                                    


NICOLE'S POV

"WOW! Ang laki naman ng school na ito. Pero bakit 15 to 20 lng ang nakikita kong pumapasok?" *Buferring*

"Ay shunga! Anong oras palang Nicole Dei? 6:00 pa lang kaya konti palang makikita mo?"

"Sino yun?" Tumingin ako sa likod ko si Mary... Huh? Sino? Si Mary!??? "Maryyyyy!!!!" Niyakap ko siya.

Kung nagtataka man kayo siya ang BEST FRIEND ko. Since Grade 1, Friends na kami. Then naghiwalay kami when we are in Grade 5-8. Nakaka miss nga eh 3 years kami naghiwalay. Buti na lng kilala pa rin nya ako. Ganda pa rin nya.

"Nakatulala ka?" Sabi nya. "Huy!!?" Oo nga noh. Nakatulala ako.

"Ah ano? Hehe" Sabi ko naman na sabay kumamot ng ulo." Ay naku, tara na nga. Tignan natin kung saan yung room natin. Sana classmate tayo" Ngumiti sya sa akin at sabay hila sa akin. Pumunta na kami sa Bulletin board. Habang ako eto nakatahimik.

" Hala Classmate tayo!! Yehey!!! 9-Anthurium. Star Section!!!" Hay naku. Isip bata na naman sya. Patalon talon parang batang nanalo sa arcade. Nakakunot tuloy noo ko.

"Ok ka lng?" Tanong nya at nag-pout pa. Kahit kailan talaga tong babaeng toh. Tsk! Sarap kutusan. Haha.

"Wala toh. Tara na nga. Pumasok na muna tayo." At pumunta na kami sa Room #20.... *Buffering* Ah sa Room #206. Haha. Ulyanin na ako.

Naupo kami sa pinaka likod. At syempre tapat ng aircon. Ako pa ba? Susulitin ko na. Haha. Nabalot ng katahimikan sa classroom dahil konti pa lng kami. Pero nung naramdaman ko na-wiwi ako. Umalis muna ako sa kinauupuan ko at iniwan si Mary na nakadukdok sa lamesa nya. Nakatulog yata.

Binuksan ang pinto "Ay, ang sakit sa tenga!" Ang ingay sa buong paligid. Hanggabg sa hallway papuntang CR. Teka saan nga ba ang CR?

"Hi miss. Saan po pala ung CR dito?" Sabi ko sa isang babaeng nakasandal sa isang pader sa pagitan ng lockers. Loner yata kaya wala paki sa ingay ng mga estudyante.Nagbabasa sya ng libro.

"Huh? Dumeretso ka lng then lumiko ka sa unang kaliwang likuan na makikita mo then sa dulo nun. Dun na yung CR." Binalik na nya yung tingin nya sa binabasa nya. Habang ako eto nagpasalamat. At nagmadaling pumunta sa CR. Sasabog na talaga eh.

"Sa wakas nahanap din." Huminga ako ng maluwag ng mailabas ko na. At bumalik na ako sa classroom. Ayun maingay pa rin sa hallway. Pero lalong umingay ng may papasok sa classroom namin. Sino ba yon? Para namang may artista kung maka-asta mga estudyante. Tsk!

"Ate, magtatanong lng po. Sino po yung lalaking pinag-titilian nila?" Tanong ko.

" Sya lng naman ang Campus Crush dito. Cge mauuna na ako ha. Yiee." Sabi nung babae habang kinikilig. Nagbell na kaya nagsipuntahan na sila sa ground floor. Habang ako eto hagard dahil nabubunggo. Parang multong hindi nila nakikita.

Nang makapasok na ako sa room. Pinuntahan ko na si Mary at ginising. Para makababa na kami.
"Mary gising na." Inuga-uga ko sya at nagising na. "Oh, Nicole" Kinusot ang mata nya. At tumayo na. Inaya na nya rin akong bumaba.

*Ground Floor*

"Good Morning students!!!! Please keep silent. And put your right hand on your left chest. Let us sing our National Anthem." Sabi ng speaker/teacher sa stage. At kumanta na. After nun may tinawag silang isang student.

"Mr. John Vince Cruz, please go here in front and give us a special number." Nagtilian lahat ng mga babae, at pumunta na ung guy. Teka, John Vince Cruz!!!!!!??? Parang familiar sa akin. Ang mayabang at Playboy na lalaki?. Grabe Campus Crush pa yang mokong na yan?!? KAPAL TALAGA.

Love Me Please! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon