EPILOUGE:

88 6 1
                                    

(2 years ago...)
.
.
.
.
.

JV's POV

Nandito ako sa park. Kung saan lagi kaming nagpupunta ni Nicole. Nasaan na kaya sya? Kilala pa kaya nya ako? Miss ko na sya. Malapit na ako gumraduate. At sya naman, malapit na umuwi. Isang taon na lng magkikita na ulit kami...

Kanina pa ako dito sa park. I need to go home.

Habang naglalakad...

"JV!"

Napahinto ako sa paglalakad. Mukhang malayo ang pinanggalingan nung boses na tumawag sa akin...

Humarap ako sa likod ko. Ang layo ng tingin ko.. At bigla ko nakita si.... si....
.
.
.
.
.
.

"Nicole!!!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya.

"I miss you... sobra." Sabi ko sa kanya.

KRING!!!! KRING!!!! KRING!!!!

HAY NAKO!!!! Panaginip lng pala... ano ba yan... akala ko totoo na...

Pasukan na nga pala ulit. Haysss. At 1st day namin ngayon.

Tumayo na ako para maligo..

.
.
.
.
.

- - -

*SCHOOL*

Nandito na ako sa school.. Nakaka panibago mang hindi na ako gaanong ka-famous ngayon pero ok lng. Hindi na kasi ako pinagkakaguluhan ngayon. I'm a normal person na lng.

Teka... ba't parang may pinagkakaguluhan sila doon? Anong meron?

Lumapit ako sa isang lalaki.

"Anong nagyayari?"

"May bagong transferee. Chick! Ganda nya." Sabi nung guy.

"Sige salamat." Chick lng pala. Sus. Lah na ako pake dyan.

Tumalikod na ako para lumayo sa mga nagkakagulo. Isa lng chick ko at si Nicole yun. Mahal ko sya. Sobra.

Papalayo na ako ng bigla akong hinablot ni Dbert.

"Tara bilis."

"Dbert kung tungkol lng yan sa bagong transferee na maganda, wag na. Alam mo naman loyal ako kay Nic---" hindi ko na natuloy hinila kasi ako eh.

"Dbert ano ba!?" Inis kong sabi sa kanya.

"Sumama ka na lng ^_^" sabi nya sa akin.

Huminto kami sa harap ng mga nagkakagulo. Sumingit pa kami para makapunta sa harap.

Ngumuso-nguso si Dbert na parang may tinuturo at pinapahiwatig na tumingin ako sa transferee.

"Sinabi na kasing kay Nic---" sabi ko habang patingin sa transferee at bigla akong napatigil ng tumingin ako sa kanya.

Maganda nga yung transferee. Hulog ng langit. Isang Anghel! ♡.♡

"Nicole?" Sabi ko.

"Hi ^_^" sabi nya.

Lumapit ako sa kanya.

"Totoo na ba toh?" Tanong ko. At kinusot-kusot ko pa ang mata ko.

"Oo naman." Sagot nya.

"Paki-sampal nga ako." Sabi ko. At sinampal nga nya ako.

"Aray! Bakit mo ko sinampal?" Ang sakit.

Love Me Please! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon