Chapter 2: JV's Point of Views

95 7 3
                                    

JV's POV

"Grabe, ang ganda nya talaga. Tapos ang cute nya kapag nagagalit. Haha!" Humiga na ako sa kama. Habang nag-c-cellphone at iniisip ang nangyari kanina. Napapangiti na lng ako bigla.

JV's Point of Views

Papasok na ako sa room, nang bigla nagtilian na mga babae ng campus. Kaya siksikan. Ang hirap pumasok. Pinaghihiyawan na naman ako ng mga Chicks. Haha! Hirap talaga maging gwapo. Tsk!

Maya maya, nagbell na. Bumaba na ang iba kaya medyo lumuwag pero masikip pa rin.

*GROUND FLOOR*

Nasa baba na kaming lahat. Kumanta na din ng National Anthem. At tinawag na ako ni Sir John.

"Mr. John Vince Cruz please go here in front and give us a special number." Nagtilian na naman ang mga girls. At kumanta na ako. Ang kinanta ko ay ONE CALL AWAY.

After ko kumanta, naghiyawan na naman ang mga chicks ko este mga girls. Pagkatapos ng flag ceremony, umakyat na ako agad sa room.

*CLASSROOM*

Pagkatapos na ilang minuto, dumating na ang teacher namin. Si Ma'am Sandy. Kilala ko na sya kasi matagal na rin ako dito mag-wa-1 years na. Lumipat ako dito nung Grade 8 ako.

"Good Morning" tipid na bati ni Ma'am Sandy. Tumayo kami at binati din sya. Tapos pinaupo na kami.

May tinawag si Ma'am hindi ko masyadong narinig dahil nag-Headset ako. Maya maya may nakita akong pumunta sa harap.

"My name is Nicole Dei Valencia. I'm 15 years old. And I am a Honor Student last year." Ang ganda nya. Lalo na nung ngumiti. Totoo ba toh? Tumitibok ng mabilis puso ko.

"Maaari ba naming malaman kung pang-ilan ka noon?" Tanong ni Ma'am kay Miss Beautiful.

"Sure Ma'am. I am the Top 1 on our school before." Nagpalakpakan mga classmates ko habang ako  nakatulala sa mala-anghel nyang mukha. A-anak ng--! Nakatulala ako? Anyare sayo JV? Ok ka lng ba?

"Wow. So matalino ka pla. Sige bumalik ka na sa upuan mo." Sabi ni Ma'am. Habang ako eto nagtataka sa kung ano nangyayari sa akin.

Maya maya, nagrecess na. Pero nakita kong pumasok si Miss Beautiful sa Library kaya sinundan ko ng dahan dahan.

*LIBRARY*

Nagpunta sya kung saan may mga History books.
Nang kukunin na nya ung isang libro bigla kong kinuha at binati sya.

"Hi miss Beautiful." At nag-wink ako. Aba hindi man lng kinilig.

"Anong MISS BEAUTIFUL? Wag kang sipsip! Akin na tong libro!" Ibang klase rin toh ah. Inagaw ulit ung libro. Dahil dun, pinagpatuloy ko syang asarin.

"Ang sungit mo naman. Maganda ka pa man sana." At nag-wink ulit ako. At nakuha ulit sa kanya ung libro. "Sorry pero hawak ko na." Ang cute nya pag-nagagalit. Haha.

"HOY IBALIK MO YANG LIBRO SA AKIN KUNG AYAW MONG PALABASIN ANG PAGKA-AMAZONA KO." Sigaw nya sa akin. Habang namumula sya sa galit. Haha. Gulat ako sa sigaw nya.

"Sshhhh! KEEP SILENT!" Sabi ng Librian na si Ma'am Gwen. Mabait si Ma'am pero ayaw nya ng maingay kaya siguro sya naging librian. Haha.

Balik tayo kay Miss Beautiful. "Eto na nga. Sayong sayo na. Hahaha! Napagalitan ka tuloy." Sinauli ko na sa kanya ung Historical Book. At umalis na sa library. Baka hindi na ako pansinin ni miss Beautiful bawas pogi points pa. Tsk!

Naglalakad ako sa Hallway ng mabagal papuntang Canteen para bumili. Ang lalim kasi ng iniisip ko.

"Sana ako na lng ung libro na hawak nya. Kasi kahit anong pilit na gawing pag-agaw sa kanya. Gumagawa pa rin sya ng paraan mapunta lng ulit sa kanya." Teka, kailan pa ako natutong humugot? Bwiset kasi si Denbert eh. Parang baklang hugot ng hugot. Nahawa na yata ako. Wag lng ng kabaklaan. Bkt kaya hindi pumasok first day pa man din.

[End of the flashback]

"Hay naku, matulog na nga ako." Biglang namulat ang mata ko ng nakapikit na ako at kinuha ang cp ko. Ewan ko kung bkt. Tapos pinunta ko sa Facebook at si-nearch ang name ni Nicole. Ni Ni-cole?! Si miss Beautful?? Aba may sariling galaw ang katawan ko. Nalutang ako ng sandali at nagulat?

"WHAAAATTTT!!!!" Naggising ang lutang kong diwa ng nakita kong napindot ung FRIEND REQUEST. Hala. Ano na gagawin ko!?. Para naman akong tanga ng biglang mag-f-friend request pagkatapos syang asarin kanina. Pero ok lng. Kasi pag na-accept nya mai-stalk ko na sya.

Teka a-ano stalk? Ano ba tumatakbo sa utak ko at ganito mga nasasabi ko. Makatulog na nga. Baka inaantok na ako kaya ganito nasa utak ko. Sana pumasok na si Denbert ng may kasama na ako bukas pag pinag-tripan si Nicole.

Hala si Nicole na naman. Bahala na nga. Basta matutulog na ako.....

End of the Chapter 2...
.
.
.
.

[Wait lng po. Until I publish the Chapter 3. Mwuaaah. Follow me po. ♡♡]

Love Me Please! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon