Chapter 16: Be My Girl

52 5 0
                                    

Nicole's POV

Nandito na kami sa labas ng bahay nila. Bumaba na rin ako. Papasok na sana ako pero hinarang ako ni JV.

"Oopss. Dito ka lng." Sabi nya ano bang meron.

- - -

JV's POV

Pumasok ako sa loob ng bahay para i-check kung ok na ba ang surprise. Iniwan ko muna si Nicole sa labas.

"Ok na ba?" Tanong ko kay Dbert. In-invite ko kasi silang apat. Si Mary,Sam,Nicolas at si Dbert. Plano kong sila lng ang makakaalam ng surprise.

"Yup 😊" sagot nila.

"Balikan ko lng si Nicole." Pagpapaalam ko sa kanila.

- - -

"Pwede na bang pumasok?" Tanong ni Nicole.

"Teka lng." Sabi ko.

Pumunta ako sa likod nya.

"Anong gagawin mo?" Tanong nya

"Tumalikod ka lng." Sagot ko.

Piniringan ko ang mga mata nya.

"Para saan ba ito?" Tanong nya.

"Humawak ka lng sa akin." Sabi ko.

Humawak sya sa dalawa kong kamay. At pumasok ng dahan dahan sa loob.

"Wag ka munang didilat." Sabi ko.

Tinanggal ko ang piring sa kanya at sumenyas kila Dbert na magready na.

"Open your eyes." Sabi ko kay Nicole

Kasabay ng pagdilat ng ang pagbukas ng cartolina ni Dbert at Mary, ang pagbukas ng ilaw ni Sam, at pagbukas ng confetti ni Nicolas..

- - -

Nicole's POV

Binuksan ko na ang aking mga mata.

"Happy Birthday!!!" Sabi nila Sam, Dbert, Mary, at Nicolas.

Oo nga noh.. Birthday ko ngayon. Hindi ko na naalala sa dami ng ginagawa ko 😂... Pero si Mama.. Naalala ba nya? 😞

Ang saya ko ay napalitan ng lungkot... Kasabay ng aking pagyuko.

"Ok ka lng." May pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking harapan. Pagtaas ko ng akin ulo ay masigla ko syang niyakap.

"Mama!" Sabi ko kasabay ng yakap na ibinigay ko sa kanya.

Tinanggal ko ang yakap sa kanya. At nilagay ang kamay ko sa kanyang kamay.

"Akala ko po hindi mo naalala ang Birthday ko..." sabi ko kay Mama

"Pwede ba naman yun? Eh nag-iisang anak kita kaya hindi ko kakalimutan ang kaarawan mo 😊." Sabi ni Mama.

"Salamat dito sa boyfriend mo at in-invite ako dito sa surprise na ginawa nya." Dugtong ba ni Mama. 😕 Sinong boyfriend?

"Boyfriend?" Nagtatakang tanong ko kay Mama.

"Oo.. sya. Di ba iho?" Tinuro ni Mama si JV na nasa likod ko.

"Naku, hindi po tita 😅.. Sa katunayan nga po eh.. Nililigawan ko pa lng po ang anak nyo." Sabi ni JV.

"Ah ganun ba? Sorry iho! 😁" paumanhin naman ni Mama

"Mabuti pa Ma. Kumain na kayo. Baka nagugutom na sila oh." Pag-iiba ko ng usapan.

"Ay! Oo nga. Sige punta muna ako sa kusina nyo iho ha?" Sabi ni Mama

"Tulungan na kita Ma." Pagrerepresinta ko.

"Yaya, pakitulungan na lang po sila tita." Sabi naman ni JV.

Ang galang ha. At Tita? DAW? Ok lng kay Mama? 😕 Hay naku. Happy 16th Birthday to me 😊.

- - -

JV's POV

Lumabas muna ako habang inaasikaso nila Nicole ang pagkain... Pumunta muna ako sa garden. I'm not hungry. I just want to sit and got fresh air.

- - -

Nicole's POV

"Kumain lng kayo dyan ha?" Sabu ko sa mga kaybigan ko.

Pumunta ako sa yaya ni JV.

"Si JV po?" Tanong ko.

"Hindi ko po alam eh. Tingnan nyo na lng po sa labas. Baka nandun lng po sya." Sabi nung yaya.

"Salamat po." Sabi ko sa kanya.

Lumabas ako at nagtungo sa hardin nila at doon ko nakita si JV. Nakatulala, nakaupo sa isang bench at nakatingin lamang sa mga bituin. Nakangiti din sya. Ang ganda ng ngiti nya.

- - -

JV's POV

Napatingin ako sa isang gilid at nakita ko si Nicole.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Ah.. Hindi naman." Sabi nya.

Lumapit sya at tumabi sa akin. Tumingin sya sa langit at ngumiti.

"Ang ganda ng mga bituin noh? 😃 " Sabi nya.

"Mas maganda ka." Sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Napatingin sya sa akin at ngumiti.

"Nambola ka pa 😁" sabi nya at tinapik ako sa braso.

"Can I ask you something?" Sabi ko sa kanya.

"Sure." Sagot nya.

"Can you... Can you be my Girlfriend?" Dahan dahan kong sinabi.

"Yes." Sagot nya.

"Talaga!!? 😀 Yes!!!" Tuwang-tuwa na sabi ko.

"But in one condition." Sabi nya.

"Ano yun?" Nagtatakang tanong ko.

"I will be your girlfriend in just 12 days." Sabi nya.

"May expiration date?" Dismayadong tanong ko.

"Ayaw mo ba? Ok lng." Sabi nya na aktong tatayo na.

"No no no no no.." mabilis na sabi ko. At pinigilan syang tumayo.

"Deal." Dagdag ko.

"Madali ka pa lang kausap eh." Sabi nya.

"Bye 😙." Dagdag nya at kiniss ako sa chicks. Namumula ako. Kinikilig ako. Para akong bakla 😶😑

End of the Chapter 16...




[Chapter 16? 16th Birthday ni Nicole? 😁 Aba! Nagkataon lng ha. Hindi ko sinadya 😆 So sinagot na ni Nicole si JV..But why 12 days?]

Love Me Please! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon