AUTHOR'S NOTE
May 1 new character po akong idadagdag.
Mc Nicolas Celestino
Para sa mas ikagaganda ng story. #Twist 😘😘😘
Ano kaya ang gaganapin nya sa story? Kontrabida o Bida?
#Abangan!!!
NICOLE's POV
~MARY♡~
"Nic. Hindi ako makakapasok bukas. Nilalagnat ako eh. Paki excuse na lang ako kay Ma'am ha. -_-"Si Mary lng pala nagtext. Hay naku. -.-
*July 14*This is the DAY!!! Kabado ako dahil ngayon malalaman kung sino ang mananalo.. :( Pero tiwala lng ^_^ BTW, I'm just walking alone papuntang school. Maaga pa naman kaya naglakad na lng ako. Excited much.
And after a few minutes I'm here.. ^_^ Nasa school na ako. "Aray!!" Nahulog ang dala kong books at napaupo ako dahil sa pagkabangga. "Sorry miss! Nagmamadali lng ako. Tulungan na kita." Pinulot nya ang mga libro at tumayo ako. Pagkatapos nyang mapulot ay tumayo na rin sya para ibigay ang books ko. "Sorry talaga. I'm very very sorry. Mauuna na ako. Nagmamadali kasi ako eh. Sorry ulit." Tumakbo na sya ulit at ako naman hawak hawak ang ulo ko. Sakit! >_< Hindi ko man lang nakita yung mukha papikit-pikit kasi mata ko at nanlalabo. Blured yung paningin ko nung nandyan sya.
"Sino yun!??" Tumingin ako sa likuran ko at si JV pala yun. Mas lalong lumabo ang paningin ko. -___- "Hindi ko sya kilala" Tumalikod akong bigla sa kanya at lumakad ng mabilis. Pero sumusunod pa rin sya.
"Sino nga??"
"Hindi ko nga sya kilala."
"Teka lang!" At bigla nyang hinablot yung kanang braso ko at hinarap nya ako sa kanya. Buti na lng nakaipit sa kaliwang braso ung mga libro kaya hindi na nahulog.
"Ang kulit mo! Hindi ko nga sya kilala! Hinde! Hinde! Hinde!! Diba ikaw ang mas matagal dito kesa sa akin. Dapat ikaw ang mas kakilala sya hindi ako!!" Tinanggal ko ang pagkahawak nya sa braso ko at tumalikod. Lumakad ulit ako ng mabilis habang iniwanan ko syang tulala at nakasimangot.
*CLASSROOM*
Nakatulala lang akong pumasok sa classroom at naupo. Mukhang napalakas yata ng sobra yung boses ko kanina kay JV. TSK!!! Hay naku! *Habang nilalamutak ko mukha ko* Nakakahiya. Buti na lng nasa Hallway kami at wala pang masyadong students dahil maaga pa. Dumukdok muna ako sa armchair ko, maaga pa naman eh.
~15 minutes~
Minulat ko ang mga mata ko, madami na kasing tao sa room. Nakakapagtaka, wala pa si Mary. Aabsent yata sya. Ay! Oo nga pala nilalagnat nga pala. Nagtext pala sya sa akin kagabi. Natatablan pala ng sakit yon. Haha
"Bkt ka nakangiti?" Huh? Nakangiti?? Humarap ako sa nagsalita si Denbert pala. "Naku wala toh." Sagot ko sa kanya. "Nasaan nga pala si Mary?" Nacurious yata sya. Maaga kasi pumapasok si Mary lagi. Pero sumobra lang sa aga pasok ko ngayon. "Ah, nilalagnat kasi eh."
"Huh!?" Grabe naman makareact. "Naku kasalanan ko toh eh. Tsk." Bulong nya. "Bkt ano nangyari?" Pagtataka ko. "Lumabas kasi kami kagabi. Eh habang naglalakad kami sa park umulan. Kaya nagstay kami sa waiting shed. Buti na lng dumating na yung sundo ko kaya hindi na kami tuluyang nabasa. Eh ang kaso, masyado yatang malakas ung aircon kaya nilamig sya. Kasalanan ko talaga toh eh. Hindi ko man lang napansin na nilalamig sya. Hindi ko man lng binigay ung jacket ko.
Sa haba ng paliwanag nya, may nahahalata ako. Haha inlove na yata toh kay Mary. ^_^ Pero bkt wala man lng sinabi sa akin si Mary na may DATE silang dalawa. -___- Kala ko ba walang taguan ng secrets. Tampo na si ako. :(
"Good Morning!" Andyan na pala si Ma'am. Bkt wala pa si JV? Nagskip yata sya dahil sa akin. Hay naku. >_<
So ayun, natapos ang umaga ko ng nakatulala lng. Kaya pumunta muna ako sa canteen para kumain ng kanin. Lunch naman eh. Nasaan na kaya si JV? TEKA NGA!! Bkt ko ba sya inaalala? *Kumamot ng ulo at nagpout* Makakain na nga.
"Masyado ka yatang gutom. Pwede ba makiupo?" Si Denbert pala. "Sure." Naupo na sya. "Thank you"
"May itatanong lang ako." Sabi ko sa kanya. "Ano yun?" Tanong nya sabay subo ng kanin. "Nasaan na yung mga chicks ni JV?"
"Seryoso yan ang tanong mo!? HAHAHAHA!!! Sakit ng tyan ko. Nakakatawa ka! HAHAHAHAH!! Hindi mo naman sinabi sa akin joker ka pala!"
"Seryoso, bakit wala na syang kasamang mga babae?" Sabi ko. Habang tumigil naman sya sa pagtawa at natulala. "Kasi may babaeng nakapagbago sa kanya. Nainlove sya este na LOVE AT FIRST SIGHT! Pero parang walang nararamdaman yung babae sa kanya. Kaya ayon, naghihintay sya ng tamang oras at tamang panahon para aminin sa babae yung nararamdaman nya."
"Kailan daw yung tamang panahon? Tanong ko. "Kapag close na daw sila nung babae, I mean kapag nalapit na sila sa isa't isa. Kapag posible nang mahulog yung babae sa kanya...." Napangisi na lng ako sa sinabi nya.
"Bkt ka napangisi?"
"Torpe rin pala yang kaibigan mo noh? Hahaha!"
"Marami man syang pinaglaruang babae, pero may isang babae pa ring syang sineryoso. Pero iniwan lng sya. Kaya sana ngayon yung bagong babae na minamahal nya, mahalin din sya. Flirty sya pero seryoso sya kapag may minahal na."
"Alam mo, dami mong hugot. Kumain ka na nga lang sarap pa naman nyang ulam mo." Sabi ko sa kanya para maiba na ang usapan. ¤_¤
Pagkatapos ng last subject, pumunta muna ako kila JV baka kasi nandun sya. Bukas na lng daw ia-announce ung winners sa SCE(School Council Election. BTW, Umabsent kasi si JV eh. Kaya pupunta ako sa kanila. Sayang yung pagpasok nya ng maaga tapos hindi naman pumasok sa room. Saka para matutor ko na sya.
*AT JV's HOUSE*
Malaki yung bahay nila kasya na 3 pamilya. Mayaman kasi eh. Kaya spoiled sa kanya magulang nya. Nakakapagtaka man kung bkt ko alam, pero malalaman nyo rin ang dahilan.
"Iha? Nicole ikaw ba yan??" Si Tita Tina, Mommy sya ni JV. Mabait sya, kaya nagtataka ako bakit hindi sa kanya mana si JV. Mabait din naman si Tito Harvey. Kilala na nila ako lasi nga ako ang tutor ni JV. "Ay, opo Tita. Nandyan po ba si JV?" Sabi ko sa kanya.
"Ay oo. Sakto ang dating mo, kadarating lang din nya." Sabi ni Tita. "Saan daw po sya galing?"
"Hindi ko rin alam pero sabi nya hindi daw sya pumasok, may mahalagang lugar daw syang pinuntahan eh. Kaya pumasok ka na." Ang laki ng ngiti ni Tita Tina. Ano kayang meron? "Let's go inside na. Bilis!" At hinila nya ako papasok.
Pagpasok ko nagulat ako sa nakita ko.. 0__0 Para saan toh!?
.
.
.
.
.End of the Chapter 7...
[Ano kaya ang nakita ni Nicole? At sino kaya ang lalaking nakabangga sa kanya. Isang kaybigan ba o isang taong makakasira lalo sa kanila ni JV? Abangan sa Chapter 8!]
BINABASA MO ANG
Love Me Please! [COMPLETED]
Teen FictionTagLish*Teen Fiction*RomCom Sorry sa mga maling type. Wala na po akong time mag-edit. Tsaka hindi ko na po napapansin eh. Sarreh again .^_^ Lahat ng sinulat ko dito sa STORY ay gawa gawa lamang ng aking IMAGINATION. May konting pagbabago po ang akon...