Chapter 6: The Campaign

89 6 0
                                    

NICOLE'S POV

July 13, 2015

Ngayon ang araw ng campaign kaya medyo kabado ako. Nandito na kami sa Court para magpakilala. At tinawag na ang Partylist namin.

Madaming nagpalakpakan at naghiyawan. Pero mas lalo akong kinabahan dahil may mga naka-masamang tingin sa akin at ung iba nagbubulungan habang tinuturo pa ako.

Kaya ko toh. Isipin mo, practice pa lng ito Nicole at walang tao sa paligid mo. *Huminga ng malalim at ngumiti*

"Good Morning my dear Students. To all Teachers rather. I'm Nicole Dei Valencia running for President to our school.  Yes,I'm a transferee and I'm not famous but I will do my best. I will give my 100% if I win. I can't promise but I will try. Again, Nicole Dei Valencia running for President from Genius Partylist." ^_^ Haysss, nalagpasan din. Buti na lng may nahanap akong mga members. At matatalino pa kaya related sa name ng partylist namin. Bumaba na kami para makapagpakilala na ang next partylist.

"Thank you Genius Partylist. And let I introduce the next partylist. SCool Partylist!" Sabi ni Sir John. Madaming nagpalakpakan sa kanila. Name pa lang partylist nila panalo na. Tsk. Pero atleast na-experience ko. Mas lalo yata ako kinabahan.  0.0 OWEMGI!!! Si JV ang V. President nila? Lam na dis. Sure win na sya. Hay naku! Bkt ko ba kasi pinasok toh? -__-

"Hi Ate Nic! Thank you po." Sabi sa akin ng isang member namin. Si Belle. "Hello. Para saan ung Thank you?" Tanong ko sa kanya. "Sa pagiging member of this partylist" At ngumiti sya sa akin.

"Mabelle Garcia right?" Tanong ko sa kanya. "Opo." Sagot nya. "So ate mo yung President ng SCool Partylist?"

"Opo." sabay yuko at sumimangot sya. "Bakit sa partylist ko ikaw sumama? Ba't hindi sa ate mo? Wag mong isipin na ayaw kita sa grupo ko pero nakakapagtaka lng eh."

"My sister don't proud of me to join this campaign. Tulungan mo ako Ate Nic." Habang pinupunasan nya ang luha nya. "Paano ba kita matutulungan?" Curious na tanong ko sa kanya. "Ibalik mo sya sa dati, sa pagiging matulungin nya. Tulungan mo ako Ate Nic. Please!" Sabi nya.

"Cge. Tumahan ka na."

"Ehe-ehem." Tumingin ako sa likod ko. Ang ate pala ni Belle. Naka cross arms sya. "Samantha ikaw pala." Nginitian ko sya at tumayo. "Whatever" Sabi nya sabay irap. Binunggo nya ako para puntahan ang kapatid nya na nasa likod ko. Kaya napagilid ako.

"Ano ang iniiyak mo dyan ha!? Tumigil ka nga. Nakakahiya ka. Para kang tanga na umiiyak dyan. Kaya ayaw kitang pasalihin sa mga ganito eh." Sabi ni Samantha kay Belle. Grabe sya, umiiyak na nga hindi man lng nya i-comfort pinapagalitan pa nya. "Tama na Ate. Sawa na ako sa mga sinasabi mo. Nakakapagod ng pakinggan ang mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig mo. Ayoko na!" At tumakbo si Belle.

"Tinuruan mo bang sumagot ang kapatid ko?"  Sigaw na tanong nya sa akin. "Hindi." Mahinahong sagot ko. "Wag ka ng umasang manalo ka. Hinding hindi mo ako matatalo. Ako ang magiging President ng SC. And lalong wag kang umasa na magiging kayo ni JV. Wag ka ng pa-inosente nakita ko ang post nya sa FB. Remember this words, JV is not for you. He will be mine always and forever." Tinanggal na nya sa pagka-ka- cross arms ang mga braso nya at umalis.Habang ako tumakbo para habulin si Belle.

Nakita ko sya sa isang bench sa likod ng school namin. Umiiyak pa rin sya. Kaya nilapitan ko sya at hinimas-himas ang kanyang likuran.

"Tahan na Belle. Magiging maayos din ang lahat. Tutulungan kita, magtiwala ka sa akin."

"Salamat Ate Nic. Sana ikaw na lng ang naging Ate ko." At niyakap nya ako. Inaya ko na syang bumalik sa Court at baka umalis na ang mga students. Saktong paalis pa lng sila. Kaya nakapila pa ako.

"Saan ka galing?" Lumingon ako sa nagsalita. Si JV na naman! "It's not your business." At inirapan ko sya. "Sungit naman ng Tutor ko." Huh!? Ano daw? Oo nga noh. Magkikita pala kami kasi  i-tu-tutor ko pa sya. At ngayong araw ang simula ng pagtututor ko sa kanya. "Ano ngayon?" Tanong ko na may halong pagsusungit. "Wala, ang cute mo lng." Bwiset talaga kahit kailan.

*CLASSROOM*

"Good Morning. I-a-arrange ko na pala ang mga sits nyo. Kaya tumayo kayo dala ang gamit nyo at pumila sa labas. Find your height." Sunod-sunod na sabi ni Ma'am Sandy. Kaya sumunod na lng kami.

"Hi Miss Beautiful."

"Hi mo mukha mo." Sabay harap sa kanya at cross arms. "Can you please delete my stolen pics that you posted on Facebook. Nakakairita." At tinanggal ko ang pagka-cross arms at inirapan sya.

"Mr. Cruz and Ms. Valencia."

"Po???" Sabay naming sagot at sabay tingin namin ni JV kay Ma'am. "Since si Nicole naman ang tutor mo JV, kayo ang naisipan kong pagtabihin."

"Po!!??" Sabay ulit kami nang pagkasabi. "Magiging mag-sitmates kayo. Is it alright? Ok lng ba yun?" Tanong ni Ma'am.

"Hind--O-po" Sabi namin kay Ma'am. Nag Hindi po ako at nag Opo sya. Eh sabay kaming sumagot kaya hindi naintindihan ni Ma'am. "What?"

"Ok lng po sa akin." Sabi ni JV. "Ewan ko lng po sa kanya." Dagdag pa niya at sabay tingin sa akin. "HUH? AKO? este a-ako po? Ok lng po. Hehe!" Sagot ko habang nakapekeng tawa.

Natapos ang araw ko ng iritang-irita dahil kay JV na nangungulit. Habang nag-tu-tutor ako sa kanya, nakatulala lng. Napapangiti pa habang nakatulala sa mukha ko. Parang timang. Tsk. Hinihingi pa number ko para mai-text nya ako kung freetime nya para mai-tutor sya. Ayoko nga ibigay. Hello? Hindi ako ganun kadesperada noh. Tsk!

"Ok ka lng. Lalim ng iniisip mo ah." Tanong sa akin ni Mary. Kasama ko syang maglakad papauwi. Naisipan naming malakad para you know, stay fit. Haha ^_^

"Huh? Hindi. Uy may fishball-an oh." Sabay turo ko sa may nagtitinda. "Tara bili tayo." Pag-yaya ko kay Mary at hinila ko sya.

"Manong dalawa P10.00 po." Sabi ko sa nagtitinda. "Ililibre mo'ko?" Tanong ni Mary na may malaking ngiti sa mukha. "Oo, may sobrang pera ako dito." Sagot ko naman. Kaya ayun, tuwang tuwa na naman.

After naming kimain nagpatuloy na kaming maglakad hanggang sa nakauwi na kami.

Nagmano ako kay Mama at nagpunta agad sa kwarto para maglinis ng katawan at magpahinga.

Ngunit biglang tumunog ang cp ko.

End of the Chapter 6...
.
.
.
.
.

[Bakit kaya tumunog ang Cp ni Nicole? Alamin sa next Chapter. Don't forget to follow me. Mwuaah!]

Love Me Please! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon