JV's POV
Pumunta ako sa bahay nila Nicole. Para tingnan kung nandun sya.
"Tao po!?" Sabi ko.
"Teka lng!!" Si Tita yata.
Binuksan ni Tita ang Gate.
"Pasok ka iho." Sabi ni Tita
Umupo ako sa sofa nila.
"Gusto mo ba nga maiinom? Ikukuha kita." Tanong ni tita.
"Naku hindi na po." Sabi ko.
Naupo din si Tita sa upuan.
"Eh ano ba pinunta mo dito iho?" Tanong ni Tita.
"Si Nicole po?" Tanong ko.
"Nandun sya sa taas. Nagpapahinga. Nilagnat kasi eh. Eh paano ba namang hindi lalagnatin. Naglakad lng pala sya umuwi. Eh umuulan pa ng malakas." Sabi ni Tita.
"Pwede ko po ba syang puntahan?" Pagtatanong ko.
"Cge. Samahan kita.Tuturo ko lng sayo. Ikaw na bahala." Sabi ni Tita.
Pumunta kami sa taas nila. Kinatok ni Tita ang pintuan ng kwarto ni Nicole.
"Anak? May bisita ka." Sabi ni Tita.
Binuksan ni tita ang pinto at iniwan na ako. Pumasok ako at nakita kong natutulog si Nicole.
Naupo ako sa isang upuan na malapit sa kanyang kama. Sinalat ko ang kanyang noo. Mainit nga sya. Nakita kong ang kumot nya na hanggang beywang lng kaya tinaas ko ito hanggang sa kanyang balikat. Mukhang nilalamig kasi sya eh.
Tinitigan ko sya sa mukha. Para syang anghel na natutulog.
"I will always here for you. My princess." Sabi ko sabay halik sa kanyang noo.
Narinig kong may kumatok sa pinto kaya tumayo ako. Binuksan ni tita ang pinto. Lumapit sya sa akin. May dala syang bimpo at maligamgam na tubig. May dala din syang lugaw.
"Oh eto kunin mo." Sabi ni tita.
Kinuha ko ang dala ni Tita. Nilagay ko ito sa table.
"Para saan po ito?" Tanong ko.
Napangiti si tita. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung may lagnat ang isang tao.
"Ilublob mo sa tubig ang bimpo saka pigain. Ipahid-pahid mo sa noo nya. Pagkatapos mong ipahid ilublob mo ulit sa tubig. Saka ilagay sa noo nya. Para kahit papaano, mabawasan ang init nya. Kapag naggising na sya, ipakain mo sa kanya yung lugaw." Mahabang paliwanag ni tita.
"Cge po 😊" sabi ko. Saka lumabas na si Tita. Habang ako naman ay nagsimula ng ilublob sa tubig ang bimpo.
Pagkatapos ko syang punasan ay nilublob ko ulit ang bimpo tsaka piniga para ilagay sa noo nya.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang masaktan ka. Sorry kung hindi ko alam na nasasaktan ka na pala. At nasaktan kita dati pa. Kaya ngayon... Ngayong binigyan mo ako ng chance na mahalin ka muli... Hinding hindi na kita pababayaan. Mahal na mahal kita." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa natutulog nyang mukha. Ilalapit ko sana ang mukha ko para i-kiss sya sa lips. Kaso... nagising na sya.
Unti-unti nyang ibinukas ang kanyang mga mata. At pinipilit nyang tumayo..
"Huwag ka muna tumayo. Baka mabinat ka." Pagpigil ko sa kanya. Kaya sumandal na lng sya sa kama nya.
"Uhmmm... eto pala may ginawang lugaw ang Mama mo. Kumain ka na. Para lumakas ka." Dagdag ko at kinuha ang lugaw.
Sinubuan ko sya.
"Wait." Sabi ko at tinanggal ko ang dumi sa gilid ng labi nya gamit ang aking hinlalaki.
"Thank you." Sabi nya
"P-para saan?" Tanong ko
"For everything... sa pagtitiis kahit ilang beses kitang pinagtabuyan. Narinig kita kanina. I forgive you na ☺." sabi nya
"Ako ang dapat mag thank you... dahil binigyan mo ako ng chance na mahalin ka ulit. Ikaw ang nagbigay inpirasyon sa akin para.. Magbago. Kaya salamat." Sabi ko sa kanya.
Binaba ko ang lugaw sa table at niyakap sya... Then kinuha ko ulit, para makakain na sya.
"Kumain ka pa. Para may lakas ka na ulit 😊." Sabi ko.
- - -
Lumipas ang 1 oras..
"Uhmm.. uuwi na pala ako." Sabi ko. At tumayo na.. pero ng hawak ko na ang door knob.
"Ah. Wait." Pagpigil nya sa akin.
Humarap ako sa kanya.
"Hmm?" tanong ko.
"Thank you. Sa pag-aalaga sa akin 😊" sabi nya.
"Welcome. Bye 😊" At tsaka tuluyan ng lumabas ng kwarto nya.
- - -
Nakita ko si Tita na nanunuod ng TV.
"Ah tita, alis na po ako." Sabi ko kay tita.
"Kumain ka muna." Sabi ni tita
"Wag na po."
"O sige, kamusta na si Nic?" Tanong ni tita
"Medyo um-ok na po ang lagay nga."
"Mabuti naman. Sige iho umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo. Ingat ka iho." Sabi ni tita
"Cge po." Sabi ko at umalis na.
End of the Chapter 18...
[Ayan bati na sila 😁 thank you kay author! Charrots! 😁]
BINABASA MO ANG
Love Me Please! [COMPLETED]
Teen FictionTagLish*Teen Fiction*RomCom Sorry sa mga maling type. Wala na po akong time mag-edit. Tsaka hindi ko na po napapansin eh. Sarreh again .^_^ Lahat ng sinulat ko dito sa STORY ay gawa gawa lamang ng aking IMAGINATION. May konting pagbabago po ang akon...