NICOLE'S POV
"Good morning myself!!" Nagunat-unat ako at naghikab. Inayos ko na ang higaan ko. Nagtataka ako bakit feeling ko ang saya ko ngayon. Tinignan ko ang alarm clock ko.
"4:00AM PA LANG!?" 0_0 Ang aga pa ah. Pero nakakapagtaka talaga. ^_^ Ok lng atleast maaga ako makakapasok. Haha.
Kinuha ko ang CP ko. Magpipicture kasi ako. Gawain ko na yan every morning.
#WokeUpLikeThis
#BeautifulFace
#NaturalBeauty
#GandaFilipinaPak!! Ganern!! Haha. Pero ng binuksan ko na ang CP ko, nagulat ako sa nakita ko. 0____0
"Jv Cruz sent you a friend request." Para akong si Baymax nang makita ko yun. Totoo ba toh? Bakit sya nag-friend request? Para pagtripan ulit ako?
"Nicole, wag lang NEGA ok? Wala namang masama kung mag-friend request yung JV BAKULAW na yun este TAO ng yun." I-a-accept ko ba? Wala din namang masama."Friend Request Accepted."
Bumaba na ako at nakita ko si Mama na nagluluto na. Ganitong oras kasi sya nagluluto. Tapos 4:50 ako ginigising ni Mama kasi mabilis lng naman akong mag-ayos.
"Oh nak. Aga mo naman magising!" 0.0 Gulat na tanong ni Mama. Parang nakakita ng multo. Haha.
"Hindi ko nga rin po alam eh." ^_^ Sabay kamot sa ulo. "Maliligo po muna ako." At pumunta sa kwarto ko para maligo na.
Pagkatapos ko maligo at magbihis, kumain na ako. Nagsipilyo rin at nagsuklay na ng buhok. Nagsapatos at nagpaalam na kay Mama.
Naghintay na ako ng tricycle sa labas. Saktong lumabas si Mary sa bahay nila kaya nagsabay na kami sa tricycle na sinabihan ko ng PARA!
*SCHOOL*
Pagdating namin ng school, ang dami na agad ng mga students na nagkakagulo. Ewan ko kung bakit.
"Excuse me po!" Sabi ko sa mga nagtitilian. Hanggang sa hallway kasi siksikan. Nang lumuwag luwag, nakita ko na si JV pala ang pinagtitilian nila na papasok sa room.
Pagkapasok ni JV sa room sinara nya ang pinto kaya umalis na ang iba. So eto ako at si Mary nakapasok na ng room.
Nag-bell tapos nagsibabaan na mga classmates ko. At dumating na ang teacher namin sa room habang ako pababa pa lng.
"Good Morning po." Bati ko kay Ma'am Sandy. Nang-hawak ko na ang doorknob para lumabas tinawag ako ni Ma'am.
"Ms. Valencia!" Tawag ni Ma'am. "Yes po?" Sabi ko kay Ma'am.
"Pansin ko naman na matalino ka talaga. Kaya gusto ko sana humingi ng favor. At sana tanggapin mo dahil I trust you." Sabi ni Ma'am at ngumiti. "Ano po ba yun Ma'am?" Tanong ko kay Ma'am.
"Mamaya ko na lng sasabhin sayo after class mo ok? Pumila ka na dun sa baba." Sabi ni Ma'am. Ano kaya yun? "Cge po Ma'am." Ngumiti ako at bumaba na. Saktong magsasalita pa lng ang speaker sa harap. Kaya pumila na ako.
Nagulat ako ng pumila na ako. Aba katapat ko pa pala ang mokong na toh. Tsk! Ok lng. Hinde ko naman sya papansinin.
Pero bkt kami pinababa? Every Monday lng naman ang Flag ceremony ah?
"Hi miss Beautiful!" Sabi ni JV habang nakatingin sa akin at nakangiti. Inirapan ko lng sya.
"Good Morning Students! Para sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako si Sir John Valdez. Alam kong may konting pagbabago sa ating paaralan. Mag-kakaroon tayo ng STUDENT COUNCIL ELECTION. Kaya mag-ready na ang mga gustong sumali. Mag-kakaroon na rin ng RULES AND REGULATIONS dahil unti unti ng nakikilala ang school natin." So it means, wala sila dating ganun. Naririnig ko ang ibang students na ayaw ang pagbabago pero nangingibabaw parin ang saya dahil madaming nag-agree dito.
"So para sa mga gustong sumali, tignan nyo na lng sa bulletin board mamaya ang mga kailangan. Kung kailan at saan pwedeng mag-register. Nakapaskil na dun. So pwede na kayong bumalik sa inyong Classroom. Thank you for your time students." Dugtong ni Sir John at bumalik na kami sa room.
Nang mag-recess, inaya ako ni Mary magpunta sa Bulletin Board. Pinipilit nya kasi ako na sumali sa SCE.
"Sa July 13, 2015 pa naman Nicole eh. Makakapag-ready ka pa. Sumali ka na please!" *Puppy eyes*
"Cge na nga." Sabi ko sa kanya. Dahilan ito ng pagtalon nya ng parang bata. Kailan ba toh magma-matured? Tsk. -_-
JV's POV
"Pre, bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong ko kay Denbert na kain ng kain, walang awat, walang tigil. Tsk! Parang mauubusan. Haha. ^_^
"Trip ko lng pre, bored kaya kapag 1st Day." Sabi nya habang ngumunguya. Isip bata talaga toh.
"Huh? Hindi kaya." Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa lamesa at tumingin sa malayo. "Ang ganda kaya ng 1st Day."
"Kailan mo pa napusuan ang 1st Day?" Tanong nya habang nakataas ang kilay at nakapout. Para talagang bakla. Tsk!
"Kahapon lang... May nakita kasi akong MAANGAS, MAGANDA, at MATALINONG Transferee." ♡.♡
"Tatlo!? Ibang klase ka talaga pre!? 0.0 Sabi ng PABIBO!!
"Isa kang malaking T-A-N-G-A!!!! Transferee nga dba?? Wala namang S sa dulo kaya hindi madami. Okey!!?" ~_~ Sinamaan ko lng sya ng tingin.
"Sorry naman po. Hindi naman maiiwasang magkamali dahil tao din ako na hindi perpekto." >.< *pout*
Kahit kailan talaga toh. Tsk! Hugot pa more pre, matutuluyan ka na. Matutuluyan ka ng mabakla. Sarap banatan ang lalaking toh. -__-
NICOLE'S POV
Uwian na namin, nauna nang umuwi si Mary. Ako naman, hinihintay si Ma'am Sandy dito sa loob ng room. Kaya dumukdok muna ako sa desk.
"Sorry late na ako dumating!" AY, ANAK NG KABAYONG BUNDAT NA NABUNTIS NG BAKLANG KIRENGKENG NA UNGGOY!!!!
Nagulat ako! 0__0 Si Ma'am Sandy lang pala yun. -__-"Ok lng po Ma'am. Ano po pala yung favor nyo sa akin?"
"I want you to be the tutor of Mr. Cru--"
"Sorry po Ma'am nalate po ako. Sino po ba ang Magtu-tutor sa aki--"
Nagkatinginan kami.
"IKAAAWW!!!?" Sabay naming sabi sa isa't isa.
"Sya po ba yung tuturuan ko?" Sabi ko kay Ma'am.
"Sya po ba tutor ko??" Tanong naman nya kay Ma'am.
"Yess, si Mr. John Vince Cruz ang i-tu-tutor mo." Sabi ni Ma'am. "So kilala nyo na pala ang isa't isa. Kung sa bagay classmates kayo. Mas mabuti na yun." Ngumiti si Ma'am
"Kung alam nyo lng po. Tsk!" Bulong ko. "May sinasabi ka ba Nicole?" Tanong ni Ma'am.
"Wala po."
"So payag ka na ba Ms. Valencia?" Tanong ni Ma'am.
"No Ma'am." Bulong ko. "Ayaw mo?" Tanong ni Ma'am. "Hindi po! Sabi ko po pag-iisipan ko po muna. Pwede po ba? Tanong ko.
"Yes, pwede naman. Pero sana pumayag ka. Sabi naman ng Mom ni Mr. Cruz, may bayad naman daw ang pag-tu-tutor mo eh." Sabi ni Ma'am.
"Pag-iisipan ko po muna. Mauna na po ako." Sabi ko kay Ma'am Sandy at umalis na. Iniwan ko na si Ma'am at ang bakulaw.
End of the Chapter 3...
[Papayag kaya si Nicole na i-tutor si JV? Abangan sa Next Chapter. Mwuaaah!!]
BINABASA MO ANG
Love Me Please! [COMPLETED]
Teen FictionTagLish*Teen Fiction*RomCom Sorry sa mga maling type. Wala na po akong time mag-edit. Tsaka hindi ko na po napapansin eh. Sarreh again .^_^ Lahat ng sinulat ko dito sa STORY ay gawa gawa lamang ng aking IMAGINATION. May konting pagbabago po ang akon...