Chapter III: Stalker

19 2 0
                                    

Bumilis ang tibok ng puso ko.Parang mga kabayong nasa karera. Ang Bilis. Ang lakas.

Anghel ba 'tong nasa harap ko?

Ba't nandito 'to?? Syet naman 'di ako prepared mga mumshie.

Ang gwapo n'ya habang nakapikit.

Ang gwapo niya habang hawak 'yung gitara niya.

Ang gwapo niya habang hinahaplos ng mga daliri niya yung string ng gitara.

Wala na 'kong pake kung mukha na 'kong stalker dito pero syet lang talaga ang gwapo niya talaga!!!!

Nakatago ako sa likod ng puno dito habang pinagmamasadan 'kong kumanta at tumugtog ng gitara ang anghel na 'to sa harap ko.

Masaya akong nanonood kay Gavin. Oo si Gavin. Sino pa bang pagf-fangirl-an ko nang ganito katindi? si Blaire? YUCK!

Pero ang masayang pagf-fangirl ko ay biglang nahinto nang may nagsalita sa likuran ko na siyang nagpamulat kay Gavin sa pagkakakapikit at nagtama ang paningin namin.

"What the hell are you doing? Are you stalking my friend?"

Ramdam 'ko ang pagpunta ng lahat ng kadugu-duguan sa katawan ko papunta sa mukha ko at ang tuluyang pamumula nito dahil na rin siguro sa pinagsamang kilig at hiya.

Tumingin si Gavin sa likuran ko at napatingin na rin ako.

Sino kayang hinayupak na 'to ang nagsalita at pumutol sa pagpapantansya ko kay Gavin? Ano ba ha?

At kahit na alam 'ko na kung sino ang walanghiyang nagsalita at bumasag sa kasiyahang nadarama ko dahil sa boses na kilalang kilala ko na tila nanggaling sa ilalim ng lupa e hinarap ko pa rin ang hinayupak na kapatid ata ni Lucifer.

At alam ng Diyo ang sobra-sobrang pag pipigil ang ginawa ko para lang hindi ko madamba ang hayop na punggok na 'to na nginudngod sa baby powder ang buong katawan sa sobrang puti.

Oo tama kayo kung ang hinala niyo e ang walanghiyang si Blaire. Sino ba naman ang walanghiyang laging sumisira sa buhay ko? Siya lang naman wag na kayo magulat.

Hayop na 'to akala ko pa man din nilamon na ng kung sinong alien dahil may pa walk out si mayor kanina pero mukhang ibinalik nila hindi na rin siguro kinaya ang kapangitan ng ugali.

Kaya siguro namemeste ng may buhay ng may buhay tong hinayupak na 'to. Parang tanga! Hindi ba 'to mahal ng mama niya?

Hindi ako sumagot at tinignan na lang siya ng masama, yung tipong bubulagta siya kung may power lang 'yung tingin ko?

Hayop kang petse ka mamatay ka na!

I can feel Gavin's presence behind my back. I know he's standing from where he is right now and syet na malagket, body heat huhu.

"Oh? Uno what're you doing here? Sino 'yang kausap mo?" -tanong ni Gavin.

Uno nanaman, peste san ba nila pinupulot yan? at aray naman mumshie! Nagtama na yung paningin natin oh! Di mo pa rin ako kilala?!

Ang sarap mag sisigaw dito habang pumapadyak! Jahe lang friends! STUDENT COUNCIL PRESIDENT AKO TAS 'DI NIYA 'KO KILALA?!

Ang sakit naman sa puso...

"Why are you asking me? Kanina ko pa kayo pinapanood dalawa. Kanina ka pa nga niya tinititigan at bigla bigla siyang ngumingiti habang kumakanta ka. Know what? Staring is rude and also stalking someone makes you look cheap and creepy." habang unti-unting humaharap sakin ni Blaire at nagsalita ng ganyan.

Arcane Feelings (So Far Away)Where stories live. Discover now