Can love be Refilled?

502 14 11
                                    

"They say that time heals all wounds but all it's done so far is give me more time to think about how much I miss you."

"Ano na naman ang bago sa'yo Alyssana Marie, na hindi mo nalang tinext sa'kin?" kaagad na tanong ni Guia nang tabihan niya ang kaibigan niyang si Janine na nakaupo sa corner table ng mcdo.

"Oo nga, at dapat lang na big news 'to ah! Iniwan ko pa ang sandamakmak na assignments ko para lang pumunta dito." dagdag naman ni Janine, na certified taken sa kanilang tatlo.

"Bryan ask me to be his girlfriend!" napalakas na anunsyo ni Alyssana na kababakasan ng kaligayan.

"Oh, my God!Mommy(Tawag ni Janine kay Alyssana.)! I'm so happy for you!" turan ni Janine na napayakap sa kaibigan.

Samantala, hindi naman malaman ng 16 years old na si Guiannaa Jielle Cruz kung paano icoconduct ang sarili sa harap ng mga kaibigan. Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya makuhang maging masaya para sa kaibigan niya. Hindi kasi madaling tanggapin para sa kanya na siya na lamang ULIT ang natitirang single sa kanilang tatlo. Kakagaling lang kasi ng kanyang sis(tawagan nila ni Alyssana) sa isang nakapanlulumong break-up.

"Masayang-masaya ko para sa'yo Alyssana...." sinabi na lamang niya habang pilit na pinalalabas ang kanyang most convincing smile.

Pero sadyang kilala na siya ni Alyssana, kahit pa nga 3 yrs. lang sila naging classmates noong highschool dahil nalipat lamang ito sa section nila noong 2nd yr. sila. Ngayon nga ay sa magkakaibang University sila nag-aaral na magka-kaibigan. "Iyan na ba ang pinakamasayang ngiti na kaya mong ibigay sa'kin ha Guia? Can't you try harder?" halatang disappointed na turan nito.

"Alyssana, Pasensya na. Alam mong gusto kong maging masaya for you pero.. pero I just can't do it! Pasensya ka na kung nagiging selfish na naman ako. I really hate myself!" puno ng guilt sa boses niya at hindi kayang tumingin ng derecho sa dalawang kaibigan niya.

"Tama na Guia, naiintindihan kita," paniniyak nito. "Kung ako man sa kalagayan mo, ganyan din ang mararamdaman ko."

"Ikaw naman kasi Guia, hindi ka pa magboyfriend nang hindi ka nag-iisa. Andyan naman si James Harry, diba sobrang close kayo nun?" banggit ni Janine.

"Oo nga parang kayo na nga nun eh. Di pa ba sya nanliligaw? Sagutin mo na kaya." Pagsegunda naman ni Alyssana.

"Sabagay paano niya gagawin iyon? Eh hindi pa nga ata nakakaget-over yan si Guia sa bestfriend turned love of her life na si Kean!" Hirit na naman ni Janine.

"Ano ba yan Guia! You haven't seen the guy for how many months, don't you think it is a bit unwise kung siya pa rin yang nandyan sa puso mo?" sabi naman ni Alyssana.

"Bakit may wise ba sa pag-ibig? Saka, makakalimutan ko din yun at tigil tigilan nyo nga yung tungkol kay James mamaya magdilang anghel kayo." giit ni Guia na napapangiti sa sarili.

"here you go again." napapailing na sabi ni Janine.

"Hindi pa din ba kayo ok ni Kean? Has he ever tried to contact you ever since naging sila ni Loraine?" tanong ni Alyssana.

"He didn't" pag-amin niya. "Huli ko siyang nakita noong graduation natin. Her girlfriend really affected him. Naalala ko pa 'yung itsura nila noon..They were so happy. Needless to say ako lang naman ang hindi masaya noong naging sila. But what can I do? Hindi ko kayang makipag-plastikan at sabihin sa kanilang masaya ako for them gayong I felt betrayed. By one of those people na pinagkatiwalaan ko ng sobra. I just can't take it."

"We know. That is why kalimutan mo na yang nararamdaman mo. It's pointless. Pero malay mo naman break na sila nung girl. at dahil HB nagpakamatay. Kaya hindi ka na nacontact." derechahang sagot ni Janine.

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon