Chapter 2

172 9 5
                                    

Naglalakad si Guianna sa likuran ng bahay-bakasyunan nila. Naisipan niya kasing lumayo muna. Hindi niya alam paano gagawin yung pinaplano niya. Hindi niya rin alam kung tama ba 'yun. She would have to risk again her life. Her heart...

At hindi biro ang sakit na naramdaman niya mula kay Kean. She thought she would not be able to heal. Kung di dahil sa circle of friends niya na laging nakaantabay sa kanya, siguro hindi niya talaga kinaya. Losing Kean was a quake in her heart, but losing him because of a friend, a friend whom she trusted was another tremor that destroyed a huge part of her.

Hindi pa man siya nakakabawi sa hagupit na iyon, ay heto na naman siya para lumusong sa panibagong laban.

Nung isang araw lang ay nakita niya si Kean sa bahay nila Warren, klasmeyt nila dati na pareho nilang close.. Umiinom ito. And she could sense, na break na ito at si Loraine. It's just instinct working and telling her that. Hindi pa iyon kumpirmado. Lalapitan na sana niya ang mga ito, ng biglang may pumasok sa eksena. A sexy lad that she thinks just in they're age ang lumapit dito. And.. and.. they kissed. Oo, hindi yun french kiss or something. It's just a smack on the lips..

Pero.. she couldn't help it. The monster inside her was so devastatingly jealous! Pak! Hindi niya namalayan nalapitan niya na pala si Kean. And, guess what! She slapped him on the face for Warren's sake! Oh great, hindi lang 'yun. Nadarag niya din yung babae at natumba ito sa sementong sahig.

All of a sudden a tension in the place was developed. Gustong-gusto niyang bumuka ang lupa noon at lamunin siya. Hindi niya na nakayanan ang naghahalo-halong emosyon. tinitigan niya si Kean. She could tell, naguguluhan ito sa ginawa niya pero lamang ang galit.. Sumulyap siya kay Warren. Tinutulungan nito ang babae sa sahig. That girl is so damn pretty at nagalusan niya ang mukhang iyon dahil sa SELOS. What have she done?

That scene, ruined her plans... and at the same time confirmed her instincts. Hindi ikikiss ni Kean ang babaeng iyon kung sila pa ni Loraine. She know him that well para malamang Faithful ito.

Umalis na siyang dali-dali. She was not heading home. Tinawagan na lang niya ang mommy niya at sinabing sa rest house siya uuwi. Ayaw niyang makita nito ang pain na dinadala niya. Ipinilig ni Guia ang ulo niya. 

Ngayon nga ay nasa likuran siya ng kanilang rest house. at ginugunita ang nangyari just a day ago. Hay.

Paborito niyang laruan ang lugar na iyon. Naroon pa rin ang labyrinth na ipinagawa ng mommy niya noong bata pa siya. Pakiramdam niya ay napakalaki noon dati pero ngayong malaki na siya ay napakaliit lamang pala noon. Too bad wala siyang kasama para laktawan ang mga mazes na iyon. Sana kasama niya ngayon si Kean.

Sa isiping iyon ay naramdaman niya ang luhang nagsisimulang mamuo sa gilid ng kaniyang mga mata. Umiling siya. No! She couldn't go there anymore. Hindi na siya dapat madepress ulit. She could move forward sa direksyong nais niyang patunguhan.

"Guia," banggit ng pamilyar na boses na nagmula sa kanyang likuran. Hindi niya inaasahang maririnig niya iyon sa lugar na ito.Pumihit siya at hinarap ang pinanggalingan ng tinig.

"Don't tell me personal mo pa kong pinuntahan dito para iaparating ang galit mo dun sa nangyari nung isang gabi. At doon sa babae. Hindi ba masyado pang maaga? Hindi din naman ako makukulong wala pa kong 18. Maghintay ka sa 2013." Parang ang Oa ng sinabi niya. Pero. She couldn't think straight, at yun na ang lumabas sa bibig niya. Pagkaharap niya talaga ang lalaking ito, nawawalan ng reason ang mga sinasabi niya. 

"As a matter of fact, i am here because of that.. I" Napahinto si Kean sa pagsasalita nang tila may mapansin ito sa mukha niya. "Teka, umiiyak ka ba?"

Kunwari ay natawa siya sa sinabi nito. "Bakit naman ako iiyak? Isa pa, hindi naman ako iyakin."

"Iyon nga ang alam ko. It's just that.." Itinaas nito ang kamay sa gilid ng kanyang mga mata, pinunasan nito ang pamamasa sa gilid noon.

"Mahangin lang masyado. Nai-irritate siguro ang eyes ko, saka wala ka bang sariling mata? yung iyo nga minumuta na." paliwanag niya.

Tumango si Kean at inignora ang huli niyang sinabi. "yun nga siguro." sang-ayon nito.

"Bakit ka nga naririto?"

"Mali ang ginawa kong paghalik sa babaeng iyon. Ang galit na naramdaman ko nung sampalin mo ako. Ang paglalasing ko. maybe i haven't seen what you have seen during that time. I am a total jerk," tumingin ito sa kanya. "Gusto kong mag-apologize." dugtong nito.

"Oh My God!" hinawakan ni Guianna ang leeg ni Kean. "Are you sick or something?"

"Look Guia, hindi madali sa akin ang mag-admit ng pagkakamali. Don't make it worse."

This was definitely not Kean. Ni hindi nagsorry si Kean noong nasaktan siya nito noong naging sila ni Loraine. Naaalala niya pa nga paanong iniwasan siya nito na parang wala silang pinagsamahan, na parang hindi sila magkaibigan and worse, hindi magkakilala. She had made a numerous move just to be able to talk to him dahil she couldn't afford to lose him..they're 4 years of friendship...

Pero matigas ang lalaki. Ayaw siyang kausapin nito. Miski mga kaibigan niya gaya nila, Kara, at Janine namagitan na Pero sadyang ayaw ng lalaki. She guess masaya na ito kay Loraine that time kaya wala ng paki sa kanya. But now! What is happening? Epekto ba 'to ng break-up?

 "Sino ka? Saan mo dinala si Kean?"

"I made a wrong decision. Hindi ko siya dapat hinalikan. Hindi kita dapat, sina.. tinignan ng masama."

Nanlaki ang mga mata niya.  Noong nasaktan siya nito ng bongga noong highschool hindi big deal para rito. Ngayong tinignan lang siya ng masama.. Over mag-effort. What's wrong with Guys!?!

Kunwang nag-isip siya. "Ahmmmm... let me see. So inaamin mo na nagkamali ka?"

Kean actually looked uncomfortable. Gusto niyang matawa. She never thought she would see that day. "Yes," sagot nito.

"Noong ako ang nagkamali, I got punished by A bad look, depressed feelings and by running away. Hindi ba?" aniya. So now na ikaw naman ang may mali, babalik na lang ako sa bahay namin tapos, okay na iyon?"

"Well since hindi naman kabigatan ang ginawa ko, and.. for the record nag-effort na ko mag-sorry, it generally works that way." anang binata.

Tumaas ang kilay ni Guia. Kung alam mo lang Kean kung gaano ako nasaktan months ago because of you. Higit pa diyan ang dapat mong gawin. Hay. Kung alam mo lang how long i've waited for you to say sorry, for hurting me. Not, for giving me a bad look. Pshh.

"All right. Anong gusto mo, Guia?"

"Tatlong araw mo, para sa tatlong punishment na nadanasan ko." nakangising sabi niya.

Halatang nauubusan na ito ng pasensya. "Tatlong araw para saan?"

"Tatlong araw na walang, Loraine," Shoot. Ang hirap bigkasin ng pangalang 'yun. "o walang ibang iisipin. Hindi natin iisipin ano man ang nangyaring masakit sa'tin dati. Ako si Guianna. Ikaw si Kean. Malaki ang bahay na ito, wala namang ibang tao. Dito nalang tayo kung okay lang sa'yo. Mayroon tayong tatlong araw para mamuhay ng tulad ng dati..."

Nakita niya ang hesitasyon sa mukha ni Kean. Shez. Ano ba 'tong pinapasok niya. Pareho silang may pasok ni Kean. At midterms na. Marami-raming lectures ang hahabulin niya kung tatlong araw silang mawawala sa sibilisasyon. Linggo iyon at hindi counted sa hinhingi niyang tatlong araw. Pero bahala na. Andito na eh. Wala na siyang balak umatras pa. Papaturo nalang siya sa Adviser niya dati nung 4th yr. o kaya kay Jodie o kay Caitlin pareho niya namang klasmeyt ang mga ito dahil pare-pareho sila ng course. Basta bahala na.

"Kapag ginawa mo ito, quits na tayo. At hindi lang yon. I also swear na ako ang magiging pinakamabait na nilalang sa planet earth sa susunod nating pagkikita." Hindi na kita sasampalin. Yung girl na kasama mo nalang. Bulong ng isip niya. 

"Sa susunod lang?" pagliliwanag nito. "Paano 'yung mga susunod pa?"

Ngumiti si Guia. "Baby steps, Kean. Baby steps."

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon