Chapter 18 (special chapter :]])

78 4 2
                                    

Maagang sinamahan ni Clarisse ang mommy niya para mamili ng grocery.

Medyo madami ng tao sa walter at malaking cart ang dala-dala nila.

Puno na halos ang cart ng mapagdesisyunan nilang kumpleto na ang napamili nila.

Nasa may pila na sila ng biglang may naalala ang mommy niya.

"Clarisse, ibili mo nga ng deodorant ang kapatid mo." pakiusap ng mommy niya na ang tinutukoy ay ang kapatid niyang lalaki.

Ngumiti siya. "Sige 'my' Ako na po ang babalik." Agad namang pumunta sa section ng deodorant si Clarisse.

"Ay ano ba yan, ang dami namang pagpipilian! Hindi ko pa naman alam ang ginagamit ng lalaking yun." nalilitong turan niya. Hindi naman niya napansin na napalakas na pala ang pagsasalita niya.

Hanggang sa nakarinig siya ng tawa ng isang lalaki na nagmumula sa likuran niya.

Taas ang kilay na nilingon niya yung pontio pilatong tatawa tawa sa likod niya.

At sobrang kinagulat niya kung sino ang nakita...

"Ikaw? na naman?!" Nakaharap na naman niya ang lalaking lagi niya atang nakakabangga. Para tuloy silang magnet.

Nakita niyang nagulat din ito.

At speaking of magnet eh nag-aala magnet ang ngiting ipinukol nito sa kanya. Nakita niyang may dimples pala ang lalaki.

"Nice, parang madalas na nagkukrus ang landas natin ah. Siya nga pala, sinong kausap mo?"

Inirapan niya ang lalaki.

"Sarili ko. Bakit may angal ka?"

Umiling naman ang lalaki. "Relax lang. Narinig lang kita at ang akala ko may iba kang kausap. Pasensya na. Para makabawi naman ako sa'yo, gusto mo tulungan na kitang pumili. Para kanino ba?"

Bumuntong-hininga si Clarisse.

"No thanks." Kinuha niya agad ang pinakalamalapit sa kanya ng walang tingin-tingin at agad na naglakad palayo. 

Hindi kasi niya gusto ang nararamdaman niya ng mga oras na 'yun.

Para kasing naa-attract na siya sa lalaking 'yun. At hindi..hindi pwede yun!

(J/N: Bigla ko lang naisip ang chapter na 'to :D sorry naman daw kung maikli hehe. :P Si Clarisse ulit ^^ Pero malapit na din yung kay Jods at Mhadz ma.UD haha. Nawa'y sipagin ako :P Thank you po sa reads :"> God bless. )

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon