Chapter 7 (special chapter :"> )

60 6 1
                                    

"Jodie," untag ng matalik na kaibigan at halos kapitbahay lang niyang si Janine. Pareho sila ng pinasukan noong highschool at klasmeyts na sila mula grade 5.

"Ano?"

"Una na ko ha? May date pa kasi kami ng bf ko."

Natigil siya sa kanyang ginagawa at nilingon ito. Matagal na din silang nagrereklamo about sa buhay pag-ibig nila, at natutuwa siya na nagkaroon na nang lalaking magpapasaya at magmamahal sa kaibigan niya.

"Wow! Taray mo lola! at kailan pa kayo legal na nagde-date ni kim?"

kumunot ang noo nito. "Uhmm, sus, hayaan mo na ako. asikasuhin mo nalang kaya sariling lovelife mo. Baka nakakalimutan mong coke zero ka pa diyan." Nagsensyas pa ito ng bokya at inilapit sa mukha niya.

"Hindi naman ako ang pinag-uusapan dito ah! saka may susundo ba sa'yo? Ano? Sino?" Hindi natitinag si Jodie.

"Kahit kailan talaga ang nega mo! Ay oo si Gerald."

Mariing nagdikit ang labi ni Jodie. Teka, pangalan nga ba ni... ang narinig ko? Baka kapangalan lang? Saka sasabihin naman ni Janine sa'kin kung si Gerald 'ko' nga iyon.

"Oy Jods! alis na ko nasa may 1st na daw siya. Daan nalang ulit ako dito mamaya." Wala sa sariling napatango nalang si Jodie sa kaibigan.

"be," tawag niya kay Janine bago pa ito tuluyang makalabas ng bahay nila. Kailangan lang niyang makasigurado tungkol sa isang bagay.

"Oh?"

"Nung sinabi mong 'Gerald' ang ibig mong sabihin ay si, Gerald Tubid?"

"Natural..may iba pa bang gerald?" tumatawang turan nito.

"Huh, uhm sige.sige nevermind. ingat kayo."

Pagakaalis na pagkaalis ni Janine ay napaupo si Jodie sa sahig. Ang oa na ata ng drama niya, dinaig niya pa ang artista.

Bakit si Gerald ang sumundo kay Janine? Bakit hindi si Kim? Alam ba ni Kim na susunduin ni Gerald si Janine? Hindi kaya si Geraald na ang bagong bf ni Janine? Pero, Bff sila. waaaah. mababaliw na ata siya kakaisip.

Binuksan niya ang drawer niya. Mukha siyang tanga sa posisyon niya, and it's a good thing na siya lang ang tao sa bahay nila ng mga sandaling iyon.

Kinuha niya roon ang isang litratong nakalaminate pa.

Sino ang mag-iisip na ang isang tulad niya ay magtatago ng picture ng isang lalaki. Pinitik niya ang larawan..

"At least sigurado akong ligtas sa'yo ang kaibigan ko. harmless ka kasi... Pero, bakit bumalik ka pa?"

Mag-e-emote pa sana siya ng may biglang umubo sa likuran niya agad naman siyang napatayo kayo bumunggo ang ulo niya sa isang matigas na bagay.

"Aray!.." sambit niya habang hinahawakan ang ulo niya.

"Hala, sorry."

"Ano ka ba naman! Pasalamat ka at wala akong sakit sa puso..." 

Patay na ba ako? Daig niya pa ang nakakita ng multo. Oh great, dibdib pala ng lalaki ang nabangga niya.

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng magtama ang mga mata nila dahil sa pag-aangat niya ng ulo.

"Excuse me?" untag ni Gerald.

"Ahm..." Walang mahagilap na sasabihin si Jodie. Ni wala nga siyang tiwala sa sariling magsalita. Pakiramdam niya isa siyang avid fan na nakakita ng celebrity crush niya for the first time. Gusto na niyang panawan ng ulirat ng maalala ang picture na hawak niya kanina.

Agad niya iyong hinanap sa sahig.

'I'd rather die , kaysa makita niya ang picture na iyon..' naisip niya.

"Pasensya na, May naiwan ba si Janine dito? Nagmamadali ako."

Tinignan ni Jodie ang lalaki, at laking gulat niya ng mapansing ang litrato ay nakadikit sa pantalon ni Gerald! Dinikit niya kasi yun sa i.d niya noong highschool pa siya kaya siguro may lagkit pa yung litrato.

Naku naman! nalintikan na. Sa lahat naman ng pwedeng pagliparan nung litrato ay sa pantalon pa talaga ni Gerald.

Dali-dali siyang tumayo at niyakap ito.

'Lord, Walang malisya to.. PRAMIS. Wala talaga!' paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.

"Oy!" singhal ni Gerald at saka marahan siyang inilayo sa katawan nito. Agad namang nakuha ni Jodie ang litrato at naibulsa. Saka naman pinagpag ang sariling damit.

"Wag ka namang yayakap ng bigla-bigla at baka mabastos ka. Maganda ka pa naman at sa nakikita ko, mukha ka namang disenteng babae. Pasalamat ka maginoo ako kaya walang mangyayaring masama sa'yo." pangaral nito sa kanya. Tinalo pa nito ang isang pastor na nangangaral tungkol sa tamang asal ng babae.

Napakurap si Jodie. Maganda daw siya?!? 'hindi naman masyado'

"Che! At sino namang nagsabi sa'yo that i'm hugging you?! halerr bahay kaya namin 'to! Natural mente iniinspect ko yung mga pumapasok. Mamaya terorista ka pala?! At saka sino ka ba? Bakit ka pumasok sa bahay namin? magnanakaw ka no?" pagalit na saad niya.

Pumalakpak si Gerald. "Tapos ka na? Nauunawaan ko naman ang pagmamahal mo sa bahay niyo, ang ganda pala ng security dito. At saka bakit ako ang tatanungin mo? Sino bang nag-iwan sa pintuan niyong bukas? Ako ba?" sarkastikong tugon nito sa kanya. "At wag kang mag-alala miss--"

"Jodie Baltazar."

"Jodie. Inutusan lang ako ni Janine na kunin ang bag niya kaya may permiso ako," pagtatanggol nito sa sarili.

Namaywang si Jodie. Kung hindi pala dahil kay Janine ay hindi sila magkikita nito. Nalungkot siya sa naisip pero binalewala nalang niya iyon.

"Sige na kunin mo na yung bag niya at baka nababagot na si Janine sa paghihintay sa'yo." pagpapaalis niya dito kahit pa nga ang totoo sabik na sabik siyang makita ito.

"Thank you Miss Jodie. Pasensya na ulit at hanggang sa muling pagkikita."paalam nito, sabay kindat sa kanya.

It was a friendly wink, pero sapat na iyon para pangatogin ang kanyang mga tuhod.Ang lakas pa din ng dating nito sa kanya hanggang ngayon. Hinabol na lamang ng tingin ni Jodie si Gerald.

"Hayy, kita mo na hanggang ngayon bulaklak pa din ako sa pader para sa'yo.. hindi mo pa din ako napapansin.."

Muli niyang tinignan ang papalabas ng pintuan na si Gerald.

'Wake up Jodie.. hindi ka dapat nag-iisip at kumikilos ng ganyan..'

Naging crush niya si Gerald dati...nothing more.. Bumuntong hininga siya.

Binuksan niya ang drawer at binalik ang picture ng lalaki sa pinagtataguan niya nito..

Umupo siya sa kanyang kama at inalala kung paano niya ito unang nakita at nakilala..

Tatlong taon na ang nakakalipas...

(J/N: Pabitin :)) haha. Ayan panibagong special chappy for Jodie. Syempre bitin din. sila ba bida? Chos :"> SAlamat sa pagbabasa. )

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon