Chapter 11

77 6 5
                                    

(Guia's POV)

Waaaaaaaah, grabe pakiramdam ko lutang pa din ako. Paano ba naman, si Kean. Kahit sampung araw na kaming hindi nagkikita hindi niya ko nakakalimutan kamustahin miski sa fb man , txt o tawag!

eeeeeh. kilig :">

Speaking of tawag, nakakaloka yung day na niyakap niya ko sa plaza. Kasi hinatid niya din ako sa'min. Para daw masiguro niyang ligtas akong makakauwi. :)

Tapos sa jeep, hawak kamay kami. Gusto ko nga sanang peltukan yung gums nung aleng pumara sa kanto namin eh. Kasi sa totoo lang AYOKO NG PUMARA! Pag si Kean ang kasamaaaaa .. aahhha..aaaahh. hahaha :D

But wait there's more! Hindi lang yun, kala niyo tapos na no? Akala ko din eh. 

Pag kauwi niya after ako ihatid, tinext ko agad siya ng "Ingat, kean. Thank you for making me happy tonight."

Hindi siya nagreply. Kaya ayon nalungkot ang lola niyo. Nanood nalang ako ng TV. Mga 30 mins or 45, im not sure eh may tumawag sa'kin.

Si Kean!

"Oh? Ba't napatawag ka?" tanong ko. Syempre kalmado boses ko kahit nasa E.R na ang puso ko. Sheeeeeeeeeeeeeemz! Ang haba ng hair ko. Rapunzel lang ang peg!

"Ah, kasi gusto ko lang sabihin sa'yo na nakauwi na ko." sagot niya.

"Sus, yun lang pala. Tinatanong ko ba? Ano ko nanay mo?!" Syempre taray muna ko, baka isipin niya kinikilig ako. HINDI KAYA! super duper extreme levelation lang ang kilig ko. My gosssssssssssssh! tumawag sa'kin si Kean para lang sabihin na nakauwi na siya. eh?! ano ko Girlfriend niya? :">>>>>>..

"'to naman pag naglalambing ako, nagtataray. Pag nang-aasar ako nagtataray. Kailan magiging sweet sakin?" pakli nito sa kanya.

Ito si Kean wala sa ayos di ba? Kaloka mga sinasabi sa'kin. Sarap saksakin sa gums.

"Wala ka na bang ibang sasabihin? Ibababa ko na 'to! Nanonood akong Tv makapang-istorbo ka wagas! Sa iba ka nalang tumawag mukha namang unli call ka." tugon ko sa kanya. Akala mo bibigay ako ah? Kahit kinikilig na ko pati antik sa puno ng guyabano namin hindi ko papakita at paparinig sa'yo. haha.

Masyado ng naging madali buhay mo Kean noong hindi tayo nagkikibuan. Ano ko bale? Bakit ko pa padadaliin?

"Teka meron pa, kasi ano Guia. Hindi naman ako unli call eh. Regular load lang kaya 'to. Mahal. *toooot* *toooot* *toooot*"

Oh dba bastos yung load niya? Syempre load niya yung sisisihin ko! at yung TM! Kasi hindi siya pinatapos sa sasabihin niya. Ang bastos di ba?

At bakit ko sisisihin si Kean? Dahil di nalang siya nag-unli? o nagdagdag call? Kasalanan pa din ng TM yun! Bakit ko sisisihin si Kean? Eh mahal ko yun! hahahaha. Mga banat.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. Na yung one sided love ko for him ay masusuklian niya na. Gravy te! Maaari na talaga ko mamatay. Pero syempre iseshare ko muna tong nararamdaman kong kilig kina Janine. Hindi ko na kasi talaga kayang sarilinin ang mga nagaganap sa'min ni Kean! :">

"Hayy. nananaginip lang ba ako?" napalakas kong sabi.....

"No ms. Cruz! You are daydreaming. And you happen to be in my class. Mind to share your thoughts with us?"

Shemz naman oh! Itong teacher ko nasa harap ko na. Kanina pa pala nila ko hinihintay na bumalik sa katinuan mula sa paglalakbay ko sa planet Kean, population: Guia!

Buong klase nakatitig sakin. Arg. i'm dead. Pengeng ice pick maglalaslas ako ng gums daliiiiiiiiiiiiiii!

Magdadahilan na sana ako dahil nakaisip na ko ng BRIGHT idea ng biglang tumunog yung fire alarm.

"May sunog?"

"SUNOOOOOOOOOOOOOGGGGGGGGGGGG?!" sigaw ko at hindi na namin hinintay na maabo kaming buong klase nagtakbuhan agad kami sa open grounds. 

May nadapa. Nasugatan. Pero lapakels na. Ayokong ma-ihaw ng buhay!

Pag dating sa grounds. Saka ko lang napansin na lahat andun na. At saka ko lang napansin na wala pala talagang sunog. At napansin ko din na lahat sila nagulantang at napansin na din nilang walang sunog.

So.... WHATIZTHEMEANINGOFTHIZ?!

Sinong hinayupak ang pumindot sa fire alarm?! SINO? Ilabas niyo!

ng makapagthank you ako! =))))))))

Muntik na ko kay ma'am kanina! Buti pinindot nun. Kung sino man siya hahaha.

Maya-maya may nagsalita sa harap.

"Mic test."

Bumulong ako kay Jodie. "Oy ilabas niyo na si Mike at tess haha." Tatawa pa sana ko sa korni kong joke ng mapansin kung ganito ang ekspresyon ng mukha ni Jods----> o______O

Bakit? Nandito ba si Bieber?Waaaaaaaah. Agad akong tumingin sa unahan kung saan may nakaset na banda at ganito ang ekspreyon ng mukha ko sa nakita ko.

:O

Si Kean?!

Anong ginagawa niya dito? Anong pakulo 'to?

Bago pa ko makahuma nagsalita na siya.

"Pasensya na po sa paggambala ko sa mga klase niyo. Hindi ko kasi alam paano gagawing espesyal 'to para sa babaeng kakantahan ko. Gusto ko din sana may audience para pag inawit ko sa kanya, hindi niya sabihing nagsisinungaling lang ako...

Guia, para sa'yo 'to makinig ka maige ah?..."

Tumipa siya sa gitara.

"Ay nga pala bago ko kumanta. Sa may-ari po ng school na 'to ako po yung sumira sa fire alarm. hehe. Sorry ho. Baka hindi po kasi ko labasin niyan ni Guia eh. At least ngayon sure ako makikinig siya" sabi niya sabay lingon at kindat sakin.

Naghiyawan yung mga nasa grounds at tumingin sakin.Panay naman ang kantyaw ng mga klasmeyt ko sakin. Shemz. May mas romantiko pa ba dito? Daydream pa din ba 'to? Lord, wag muna sanang matapos......

Kean Mar! you--- you! Ikaw na. Ikaw na talaga! Shemz magbibigti na ko after nito!

(J/N: hahaha pabitin :P Sakit na likod ko eh. Bukas na ulit UD. Iloveyou Guia :* hahaha )

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon