Chapter 19

78 2 1
                                    

(Guia's POV)

Waaaah. Nasan na ba yung cellphone ko?

Dito ko lang naman sa lamesa nilagay yun ah.

Tsk. Paano nalang kung nagtext na si Kean? Edi hindi ko nabasa. Asan na ba kasi yung cellphone na yun eh? Ayako naman magtanong kay Nanay masermunan pa ko nun eh. -.-

Nahahalata tuloy ang pagkaburara ko. -___-

In the second thought aanhin ko naman yung cellphone ngayon? Hayy. kung gusto namang magtext ni Kean di ba dapat kahapon pa? Right after umalis siya.

Ganoon ba kahalaga yung pinuntahan niya para makalimutan agad ako?

Ay oo nga pala, si Loraine ang pinuntahan niya. Si Loraine ang pinag-uusapan dito and it's not a question kung mahalaga ba ito o hindi.

Dahil una palang alam ko na..

na hindi lang ito basta mahalaga sa kanya kundi mahal niya pa.

Syeeeeeeeeeet. Minumurder ko na naman ang puso ko.

Makahiga na nga lang at baka may maganda pang mangyari habang natutulog ako.

Malay mo mapanaginipan ko si Bieber di ba? O kaya kung sino mang papable na kaloob ng Diyos sakin di ba?

Hayyy.

Kinabukasan sa school. Sa bawat kumpulan ng estudyanteng madaanan ko may mapapatingin sakin. Tss. Anong meron?

Err. Maya-maya pa nga may naririnig na kong bulungan.

"Di ba yan yung sinurprise noong isang araw nung guy na dumayo lang dito sa school natin?" bulong nung isang girl na may katangkaran.

Grabe ah. Sana nilakas lakasan pa niya. Kahiya naman sa kanya parang hindi ko naririnig di ba? >________=

"Yea, right siya yung biglang iniwan after paasahin." sulsol pa ng isa.

Syet pag hindi ako nakapagpigil titinidorin ko ang gums ng mga 'to!

"Nganga tuloy ang peg nya!"

At nagtawanan pa sila.

Tounge in a lungs.

>___________< magsusuper sayan na ko dito. Ang sarap paslangin ng mga meddlers sa mundo! Kabanas. 

"Guia!"

Paglingon ko papalapit sa'kin sina Jods.

"Tara pasok na tayo." yaya ni Caitlin.

"Sure. ANG SAMA KASI NG HANGIN DITO. Ang daming Fil-Am." ubod lakas kong sabi. Eh bakit ba. Nakakasora kaya yung ugali nila.

Pagpasok sa room, napansin kong may nakaupo sa tabi ng chair ko. Nakayuko. Pero imposible yun kasi nag-drop out na yung katabi ko. Nevermind na nga lang may magagawa pa ba ko? Baka napagtripan lang matulog dun. Gitna pa naman ang row na kinauupuan ko. "C"ruz kasi diba. Lagot 'to pag nakita ng prof namin. Tsk.

Sa tabi ng bintana yung upuan ko. Yes! At last may katuturan din ang seating arrangement na 'to. At least makakapag-emote ako sa tabi ng bintana ever.

Wala pang limang minuto ng dumating na din si ma'am para magklase.

Nakokonsensya naman ako kung hindi ko gigisingin yung nasa tabi ko di ba?

Kaysa naman mabulyawan pa siya ni ma'am, Ako na ang gumising sa kanya.

At sa gulat ko....

"Hi, Guia." bati ni ..

James sakin habang kumukurap-kurap pa dahil kakagising palang niya.

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon