Chapter 10 (special chapter :]] )

129 4 7
                                    

Magwawalong buwan na buhat noong maghiwalay ng landas si Jean Clarisse Eugenio at ang dati niyang ka-M.U/manliligaw na si James at hanggang ngayon ay hindi pa din niya lubusng matangganp ang nangyari. Mula noon ay madalang nalang siyang lumabas ng bahay at ito ay kapag magsisimba at papasok lamang sa school.

Wala siyang lakas na harapin ang kanyang normal na buhay na miski mga kaibigan niya ay kailangan niya pang iwasan.

Subalit malayong-malayo na sa pagiging isang pretty slim ang hitsura ngayon ng 17 years old na engr. student na dalaga. Over the course of her almost 8 month stay sa loob ng bahay nila ay wala siyang ginawa kundi kumain ng kumain.

Iyon ang nagbigay sa kanya ng comfort sa nararamdamang kalungkutan. Ngunit iyon din ang nagbigay sa kanya ng karagdagang timbang sa kanyang dati'y oh-so-slim na katawan.

"Hello James?" nabuhayang loob na bungad niya ng sagutin ng dating manliligaw ang tawag niya. Subalit ni hi man lang ay hindi siya nito binalikan at pinatayan pa ng cp. Naku, naputol na ata yung linya. tawagan ko nga ulit...

Nang marinig ang boses ng operator na nagsasabing "cannot be reached" ang numero nito, dun lamang siya natauhan na iniiwasan talaga siya ni James.

"Bakit ba ayaw mo akong kausapin ha James? May nagawa ba ko sa'yo?" nasasaktang tanong niya habang wala sa sariling inilalagay sa bibig ang ilang piraso ng Lays. Napapaligiran ang kanyang kama ng mga plastik ng tsitsirya at chocolates na nakain na niya.

Nang maubos ang hawak at makitang wala ng makakan sa tabi niya ay napilitan siyang bumangon mula sa kama at pumunta sa kusina kung saan tambak ang kinainan sa lababo. Binuksan niya ang refrigerator at naghanap ng pagkain ngunit ubos na ang laman nito.

Kahit pa nga tinatamad lumabas ng bahay ay napilitan si Clarisse na gawin iyon dahil nagsusumigaw ang kanyang sikmura.

Clarisse was like a ghost of her old bubbly self dahil ngayon ay nagagawa niyang lumabas ng bahay ng walang ayos-ayos,nakatali lamang ang hindi pa nasusuklay na buhok at suot ang jogging pants at t-shirt.

Pagkabayad sa cashier ay nagmadali na siyang lumabas ng puregold saka tinungo ang parking lot. Matapos mailagay ang mga pinamili sa harapan na basket ng kanyang bisikleta ay agad siyang pumidal. She was at a very low point in her life and food was her only companion.

Habang nagba-bike ay hindi na siya nakapaghintay pa na makain ang kitkat na binili niya na nasa loob ng plastic bag. While holding the bike with her right hand ay inabot niya ang kitakat at nagawa niyang buksan ito gamit ang ngipin. Dahil sa kasarapan sa pagkagat sa kitakat ay hindi niya namalayan na babanggan na pala siya sa kotseng nakahinto sa harap niya. Huli na ng makapreno siya dahil tumama na ang bike niya sa likuran nito.

"Patay!"

"Shit!" sigaw ni Daryll ng maramdaman na may biglang bumangga sa likuran ng kotse niya. Dali-dali siyang bumaba at nilapitan ang babaeng natumba dahil sa impact ng pagkabangga ng bike nito sa kotse niya.

"Bakit ka ba kasi biglang huminto?" matapang na paninisi ni Clarisse.

Imbis na maasar ay natawa na lamang si Daryll nang makakita nang nakasingit na chocolate sa pagitan ng ngipin ni Clarisse.

"Ano namang tinatawa  tawa mo diyan? Are you crazy?" asar na sabi nito.

"Busy ka sigurong kumain kaya nabangga ang bike mo sa kotse ko no?" pang-aasar ni Daryll habang natatawa.

"Huwag mo ngang ibahin ang usapan, nililito mo lang ako eh!"

"Excuse me miss. okay ka lang? Nakahinto na ko kanina pa. Ikaw ang may kasalanan dahil di ka tumitingin sa dinaraanan."

Muling natahimik si Clarisse nang mapatunayan ni Daryll ang sinasabi. Pero nag-isip pa din ng maidadahilan si Clarisse kahit pa nga alam nitong wala na itong laban.

"Pahingi ako ng calling card mo." seryosong sabi ni Daryll.

"HA? wala kasi akong ganun. " balik ni Clarisse na biglang nag-iba ng tinig, nawala na ang angas.

"Edi, ibigay mo nalang sakin ang contact number mo."

Sasabihin na sana ni Clarisse ang number niya ng biglang mag-ring ang cp nito kaya nagmamadali nitong sinagot. ni wala man lang excuse sa lalaki.

Hindi na nakapagpigil si Daryll at inagaw ang cellphone mula sa tenga ng estranghera at sinave ang number doon saka tinawagan ang sariling number gamit ang cp ng babae, kaya nagregister ang number ng babae sa cp niya.

"Ngayon alam ko na ang tunay na number mo. Makokontak na kita kapag alam ko na kung magkano ang babayaran mo sakin." saka naman binalik niDaryll ang cp sa babae.

"Teka ano nga palang pangalan mo?"

"Clarisse." nanggigigil na sagot nito dahil inagaw ni Daryll ang cp niya kanina.

"Okay Clarisse, SMILE!" biglaang kinunan ng picture ni Daryll ito gamit ang kanyang cp habang ito ay nakasimangot.

"Ngayon hindi ka na makakatakas sa'kin dahil kapag ginawa mo yun, ipapakita ko ang picture na ito sa pulis." Sabi nito saka tinalikuran si Clarisse at sumakay na sa kotse nito para umalis.

"BASTOS! grrrrr.may araw din siya sakin." habang kinukuha ni Clarisse ang bike niya at nagsimula na ulit magpedal. Napansin niyang nalowbat na din ang cp niya kaya hindi na siya makakapagreturn call kay James.

"Bakit naman sa lahat ng araw ngayon pa?!" frustrated na sabi ni Clarisse.

"Kasalanan 'to ng lalaking yun! Kung hindi niya inagaw ang cp ko kanina edi sana narinig ko man lang ang boses ni James!" Paninisi niya sa estranghero ng makapasok sa bahay niya. Eksakto namang napatapat siya sa salamin at nakita niya ang tsokolate sa may ngipin niya.

Kaya pala natatawa kanina ang lokong yun!

Biglang nahiyang naisip ni Clarisse. "Pero bakit ako mahihiya sa sira-ulong yun? Wala naman siyang kwentang tao!" pagpapalakas niya ng kanyang loob at saka ibinalibag ang pinto ng kwarto niya..

(J/N: HAHA :) sipag mag-UD noh? hahaha. ayon bagong Special Chappy na bitin haha. Meet Clarisse anak-anakan ni Guia sa "Violeta Family" :"> wee. ayon lang! God bless.)

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon