Chapter 3

84 8 2
                                    

Dapat alam ni Guia na walng ginagawa si Kean na half-heartedly. Iyong alok niyang tatlong araw na pagiging normal na magkaibigan nila? He plunged right in with exactly the same amount of passion that he would give for music.

Ang una nilang ginawa matapos mapagkasunduan, na bukas; lunes ang simula ng tatlong araw na iyon ay pumunta sa palengke. Wala kasing dalang ekstrang damit na dala si Kean. Hindi pa din uso ang mall sa Naic kaya naman ang shopping ay sa palengke naganap.

Tawa siya ng tawa dahil wala silang makita na babagay sa mga trip nitong suotin.. Buti na lang at sa wakas nakahanap din sila ng stall. Lalo lamang siyang natawa nang makipagtawaran na si Kean sa Ale.

"Grabe Kean, you're unbelievable.."natatawa pa ding sabi ni Guia nang maglakad na sila palayo sa kanilang pinagbilhan. Dala nito ang ilang pares ng T-shirts at dalawang maong pants.

"At bakit naman? Natural palengke 'to , alangan naman pumayag na ko sa presyong sinabi nila expected na nilang tatawad pa yung bibili."

"At alam mo kung paano makipagtawaran? Nakapamalengke ka na ba dati, ginoong Rivera?"

Nakangiting umiling ito. "Hindi pa. Pero naririnig ko yan sa tsismisan."

"At talagang alam mo lahat ng pinagkukwentuhan nila?"

"Ikaw ba hindi?"

Siya naman ang ngumiti. "Alam din siyempre!"

Sabay silang tumawa.

"Ay teka pala, hindi ka ba bibili ng pantulog? pantalon at shirts lang binili mo eh."

"I sleep naked." seryosong sagot ni Kean.

"Oh." tanging sagot niya.

"Biro lang." pigil ang tawa ni Kean. Habang pulang pula naman ang pisngi ni Guia.

"Ay! Sabi nila masarap daw ang halo-halo dun kina Mang Kiko. Gusto mo bang kumain dun?" sabay palit ng usapan ni Guia.

"Sige, game!" tila pinipigil naman nito ang matawa sa kanya.

Nagmabilis naman sa paglalakad si Guia patungo sa kainang itinuro niya. Pilit niyang winawaglit sa isipan niya ang mga imahe ni Kean na ... na.. sa ilalim ng kumot. Gosh! Sino ba kasing nagsabi na ang mga lalaki lang ang nakakaisip ng mahalay sa babae? Nasabihan lang siya na hubad ito matulog sa gabi kahit pa biro lang yun, kung anu-ano na naisip niya.

Shoot. Ang likot na isipan niya. Guia ano ba yan! Na-imagine niya ang pawisan nitong katawan. Bakit daw pawisan? Oh, God. Kailangan niya talaga ng palamig.

"Dalawang halo-halo po." order niya sa manong na nagtitinda.

Palihim na sinusulyapan ni Kean si Guia habang kunwari ay busy siya sa pagkain ng kanyang halo-halo.

Walang make-up si Guia, nakaT-shirt lang, shorts at tsinelas pero stand-out pa rin ito sa lugar na iyon. Naka-ilang dumaan na din ang napansin niyang napahinto para bigyan ito ng second look.

Para namang walang napapansin si Guia, dahil sobra ang konsentrasyon nito sa halo-halo.. na tila minu-murder na nito.

Tumawa muna siya bago kinuha yung halo-halo ni Guia. "Ako na nga." sabi niya. "Baka wala ng matira dahil natapon na lahat sa mesa."

"Salamat." ngiti nito sa kanya.

Iyong ngiting iyon na lagi siyang dinadale. Hindi na nga niya maintindihan ang sarili kung paano siya napapayag ng babae na ibigay ang tatlong araw niya rito. Kung iisipin kasi may mas mahalaga siyang dapat ayusin. Iyong break-up nila ni Loraine. Dapat nga nag-eemo siya ngayon eh. Dapat nagagalit siya sa mundo. Kay Loraine. Kaso heto siya naghahalo-halo kasama ni Guia ang babaeng minsan niya ng nasaktan. at nagpapanggap na sila yung tipo ng magkaibigan na gumagawa noon araw-araw.. 

It was not so him. Alam niyang mali ito. Pero he has his own reasons at isa na doon ay dahil gusto niyang hablutin ang kauna-unahang excuse na maaari niyang makuha makasama lang si Guianna labas sa nangyari sa kanilang dalawa, sa friendship nila noong fourth year highschool sila.

Inabot niya ang halo-halo nito at muli na naman siya nitong nginitian bago ito nagsimulang magkwento nang kung ano-anong random stuffs sa buhay nito at sa lugar na iyon.Ini-enjoy niya ang sayang nakikita niya sa mukha nito.. ang mga mata nitong nagiging light brown ang kulay kapag nasisinagan ng araw.

Tama, pwede siyang maging si Kean ulit. Si Kean na kaibigan ni Guia mula pa noong first year. Pwede siyang maging si Kean ulit at ienjoy ang bawat araw na kasama niya si Guia.

Kahit sa tatlong araw lang..

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon