Chapter 17

83 4 1
                                    

(Kean's POV)

*you may copy the free ringback just press five...*

Guia, sagutin mo yung tawag!

"Kean!"

tawag sakin ni Jonas habang papalapit siya sa'kin.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya habang inaabot naman niya sa'kin ang isang styro na baso ngkape.

"bakit andito ka pa? Nailipat na si Loraine sa room401 pwede na siyang makita." Sabi nito habang umiinom ng kape.

"Ah, sige pre susunod nalang ako." sagot ko.

"Ganoon ba, sige punta ka na agad pre ah. Baka maya-maya magising na din yun."

"Sige" at nagsimula na itong maglikod palayo sakin.

hayy. Nakakapitong missed calls na ako kay Guia. At hindi pa din siya sumasagot. Panigurado galit yun sakin.

Pero hindi ko siya masisisi..

Dapat kasama ko siya ngayon eh. Dapat kahapon nasabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko. Dapat narinig niya na yung kakantahin ko sa kanya.

Pinaghirapan ko yun.. Kasi , gusto kong ipadama sa kanyang espesyal siya sa'kin..

At ipaalam sa kanya na, 'yes' we could try.. We could take a chance and see kung may patutunguhan yung "kami"...

But suddenly my phone rang and everything was ruined....

Nang tumawag si Jonas sa'kin kahapon para sabihing naaksidente si Loraine.. Pinangunahan ng utak ko ang puso ko.

With just one last glance at Guia agad akong pumunta sa hospital..

Iniwan ko si Guia, without explaining anything...Ni hindi na nga ko nakahingi ng dispensa sa lahat ng dinamay at inabala ko para sa surprise na yun for Guia..

Iniwanan ko ang babaeng mahal ko dahil sa past ko..... -_____-

Hayy..at ngayon nga iniiwasan ako ni Guia. Pati tuloy friendship namin at stake dahil sa naging desisyon ko.

Ano ba 'to.. bakit ganito? Nasasaktan ako ngayon kasi alam kong malaki ang posibilidad na mawala siya sa'kin...

I tried calling her again. Ayoko sa text. Hindi mararamdaman yung sincerity ko. Kung pwede nga lang personal eh. Kaso, i can't leave now. Not now. Hindi pa okay sa Loraine.

"Pare, gising na si Loraine!" Humahangos na sabi sa'kin ni Jonas.

Hay, buti naman nagising na siya. Siguro makakapag-usap na kami. Then I can leave to patch things up with Guia. Whoo. Salamat Lord. Mababantayan naman na siguro ng pamilya niya si Loraine. Nandito din naman sina Mia para alagaan siya.

At isa pa "ex" niya na ko. So hindi naman talaga ako kailangan dito. Parang respeto nalang 'to sa pinagsamahan namin.. 

Sumunod na ako sa kanya sa loob ng kwarto ni Loraine.

"Gising ka na pala..mabuti naman kung ganun."

Una kong nasabi ng maupo ako sa gilid ng higaan niya.'

"Masaya ko na nandito ka. Akala ko hindi mo ko dadalawin. Akala ko talaga galit ka sa'kin. Pero I'm glad kasi pumunta ka, and that only means na mahal mo pa talaga ko!" At niyakap ako ni Loraine.

At that moment, hindi ko alam kung yayakap ba ko pabalik o ilalayo siya sakin. Pero niyakap ko na lang siya pabalik bago nilayo sakin.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya sa'kin.

"It's not like that. You see, noong iwan mo ko I felt a big hole in my chest." sabi ko sabay turo sa may dibdib ko. "Umiiyak ako sa gabi. Nagpapakalango sa alak. Nakikipagdate sa ibang babae. I was ruining my life... I was becoming a jerk... Dahil sa sakit na dulot ng break-up natin." pagpapatuloy ko.

Can love be Refilled?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon