Ako si Xylex John Miguel. Miguel ang apilyedo ko. Natutuwa nga yong mga kaibigan ko dahil parang first name ko lang daw yong buong pangalan ko. 17 years old na ako ngayon at second year BS Biology sa Palawan State University o PSU. Transferee ako dito galing UP Manila. Taga-Baguio talaga kami. Lumipat lang kami sa Palawan dahil dito na nakapangasawa si Mommy. Hindi kasi kasal ang parents ko. Si Daddy ay may ibang pamilya sa Baguio samantalang si Mommy naman ay mayroon na rin. Nag-iisa lang akong anak ng mga magulang ko. May isa akong kapatid sa pamilya ng Daddy ko at may dalawa naman sa pamilya ng Mommy ko. Kahit na magkahiwalay ang parents ko ay masaya naman ako dahil may dalawa akong pamilya at magkasundong-magkasundo ang pamilya ni Mommy at Daddy.
----------
Wednesday ngayon, wala si Mommy. Nasa Manila kasi siya para sa isang Conference para sa mga doctor. Ang asawa niya naman na tinatawag ko na ring Daddy ay maagang umalis ng bahay upang mag-jogging. Abogado si Daddy kaya kahit tanghali na siya pumasok sa opisina niya.
Nakahanda na ang almusal sa mesa. Alam ko 'yon kahit nakahiga pa ko sa kama dahil amoy na amoy ko ang longganisa. Gustong gusto ko ang longganisa, ang ayaw ko lang do'n e naiiwan yo'ng amoy sa tiyan kaya sa tuwing didighay ako ay lumalabas kasama ng pagdighay ko ang amoy ng longganisa.
7:05 na ng umaga. Nasa school na ang dalawa kong kapatid. Mas maaga kasi silang nagigising kaysa sa akin. Tinatamad akong magmadali kahit 7:30 ang pasok ko sa school. Mas masarap kasi sa pakiramdam yong ma-eksenang late entrance sa classroom. Yong tipong naka-upo na lahat ng mga kaklase ko sa loob ng classroom at nagsisimula nang magturo yong teacher namin sa harapan. Gustong gusto ko yo'n kasi lahat sila nakatingin sakin. Umagang umaga ay sikat na ko.
----------
Pagkabangon ko ay naligo na ko kaagad. Nang tumingin ako sa salamin, napansin kong hindi pantay ang mata ko...mas sumingkit yong kanang mata. Normal lang naman yon sakin 'pag napupuyat ako. Chinito kasi ako kahit na ang mga magulang ko ay hindi naman. Wala din naman kaming lahing intsik o hapon. Minsan naisip ko na ampon ako pero dahil asset naman ang pagiging chinito ay hindi ko na pinansin iyon. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay lumabas na ko sa gate.
"Xylex, hindi ka na ba kakain?!", sigaw ng babaeng kilala ko na kung sino.
"Hindi na po, Ya. Sa school na lang po. Bye!", sagot ko naman.
Si Yaya. Kasama ko na siya simula noong baby pa lang ako. Noong lumipat kami ni Mama mula sa Baguio ay sinama na rin siya ni Mama dito sa Palawan upang mag-alaga sa akin. Alam niya lahat ng nangyayari sa akin...lahat ng masasaya at masasakit na karanasan ko ay alam niya, pati yong kay Faith.
"Yong baon mo?"
"Andito na po. Bye na talaga. Andiyan na yong tricycle e." Sabay para ko ng kulay blue na tricycle na mukhang pamilyar sa akin. May sarili akong kotse pero hindi ko pwedeng gamitin ngayon dahil grounded ako. Nalaman kasi ni Dad na pinahiram ko 'yon ng buong araw sa kaibigan ko na may ka-date noong Sabado nang hindi pinapaalam sa kanya.
----------
Huminto na ang tricycle sa harapan ko.
"Sa PSU po, isang byahe," sabi ko sa driver ng tricycle na nakilala ko kaagad. Bigla akong kinabahan. Tama ang hinala ko. Si Uncle Sonny nga, papa ni Faith, yong ex-girlfriend ko. Ang bilis na ng takbo ng puso ko. Mas mabilis pa nga siguro ito kaysa sa takbo ng tricycle na minamaneho ng Papa ni Faith. Nanigas ang mga paa ko at parang hirap ako na ihakbang ang mga ito papasok sa tricycle. Bakit ngayon pa ako pinaglaroan ng tadhana? Paano kung galit pa din siya sa akin dahil sa pag-iwan ko kay Faith? Bahala na. Nakatingin lang si Uncle Sonny sa'kin habang sumisenyas na sumakay na. Hindi na ako makapagsalita. Nilakasan ko na lang ang loob ko, pumasok sa loob ng tricycle at kinumbinsi ang sarili ko na makakalabas ako sa tricycle na ito ng buhay.
(Please leave a comment to help the author improve his writing skills)
BINABASA MO ANG
Girlfriend Mo Ex-Girlfriend Ko
Teen FictionPaano kung may mahal ka pero "ex" na lang kayo? Tapos naging sila ng malapit mong kabarkada? Ito ang kwento na para sa mga iniwan. Para sa mga hindi na binalikan. Para sa mga umaasa pang may babalik. At para sa mga nakahanap ng panibagong pag-ibig. ...