GMExGK - 6

120 4 1
                                    

#%@*$------At this point I want to thank @dairaida for motivating me to continue working on this endeavor. And to all the readers, I will not reach Chapter 6 without you reading what I've started. I hope you continue reading the next chapters. GOD bless you!--------$*@%#

"Isang C1, isang B3 at isang cokefloat. And isang chocolate sundae din pala. Samahan mo na rin pala ng dalawang extra gravey."

Sa wakas naka-order na rin ako. Ang haba kasi ng pila e. Ilang minuto din akong nag-antay, muntik na nga 'kong magka-ugat sa pagkakatayo ko e. Nakakaasar pa itong matabang babae na nasa likuran ko, nakadikit na 'yong tiyan niya sa likod ko. 'Di ata uso sa kanya ang salitang space. Kukunin ko na 'yong mga in-order ko ng matulak ule ng tiyan ng babae ang likuran ko.

"Miss, wala po ba kayong space?"

"Po? Bakit?"

"Ako kasi marami e. Gusto mo po bigyan kita?"

"Masakit ba puson mo?

"Hindi bakit?"

"Masahol ka pa kasi sa may dalaw!"

Hindi ko na tinuloy ang pagpatol sa matabang babae. Hindi 'din naman siya papayat. At isa pa, napaka-ungentleman ko naman kung papatolan ko pa siya. Sana naman maintindihan niya na lahat ng tao ay kailangan ng space...para sa privacy, para makahinga...para maintindihan na hindi lahat ng bagay ay pwedeng ipagdikit, na may mga bagay na kailangang paghiwalayin ng lintik na tadhana. Haaay! Sana hindi na lang kami naghiwalay. Sana nagawan ko pa ng paraan. Sana ginawa ko lahat ng pwedeng kong gawin. Sana kami pa rin hanggang ngayon. Pero tapos na...wala ng kami. Ang hirap isipin na time's up na ko. May tatlong bagay lang na ang sakit-sakit sa pakiramdam 'pag na-iisip ko. Una ay 'yong mga matatamis namin alaala. Pangalawa ay 'yong pagbreak namin. At pangatlo ay 'yong thought na...saan na napunta 'yong mga matatamis na pinagsamahan namin? Bakit parang wala na kong halaga sa kanya...at dahil d'on naiisip ko na baka nga hindi ako kailanman nagkaroon ng halaga sa kanya.

"Uy Xylex! Nandito ka rin pala!" boses ng lalake na kilala ko na kung sino. Hinanap ko ka'gad...hindi kung sino 'yong may-ari ng boses, kundi kung kasama niya 'yong inaasahan 'kong kasama niya.

Ayon nga siya! Naka-upo sa tapat ng may-ari ng boses.

"Uy Ken! Hindi ko in-expect na dito rin pala kayo kakain."

"Ito kasi ang paborito ko e. Maki-upo ka na sa'min"

Paboritong kainan ko din 'to. Ang dami 'kong hindi malilimutang alaala dito.

"Ah ganon ba? Sige lang. Baka maka-istorbo pa ko sa inyo e."

"I insist. Tumanggi ka na ngang magpalibre kanina tapos pag-upo lang kasama namin tatanggihan mo pa din?"

Ano ba'ng tumatakbo sa utak ng taong to? 'Di bale na. OK lang naman ako. OK lang talaga ako. Sana nga maging OK lang ako.

"HAHAHA! Sige na nga. Mapilit ka e." Tumawa na lang ako kunwari para naman magmukhang OK lang sa'kin. Pero ang totoo gusto ko rin 'to dahil makakasabay kong muli sa pagkain si Faith...katulad ng dati...ang pinagkaiba lang ay dati kami ang sweet at ako ang date niya, ngunit ngayon ay iba na...at isa lang akong sampid sa moment nila. 'Di bale na.

Umupo ako sa tabi nilang dalawa, sa harap ko ang glass wall, sa kanan ko si Faith at sa kaliwa ko naman si Ken. Ito na ata ang pinaka-awkward moment sa buong buhay ko. Naiilang ako. Sa glass wall at sa pagkain ko lang ako nakatingin. Ayaw 'kong lumingon. Hindi ko kaya.

Nag-uusap si Ken at Faith. Sampong minuto na ang lumipas at 'yon na ata ang pinakamahabang sampong minuto ng buhay ko. Hindi ako nagsalita sa loob ng sampong minuto na 'yon. Sa glass wall at sa pagkain ko pa rin ako nakatingin. Hinahayaan ko lang sila mag-usap nang ako naman ang kinausap ni Ken.

"Xy, ano sa tingin mo, saan mas masarap kumain? Sa Jollibee na matagal na dito o sa McDo na bagong bukas?"

"Siyempre sa Jollibee dahil dito, bida ang saya," pabiro kong sagot kay Ken. Sunod niyang tinanong si Faith.

"E ikaw, Faith, saan mas masarap kumain?"

"OK lang naman dito sa Jollibee. Pero kahit gaano kabida ang saya dito, mas gusto ko na 'yong McDo kasi love ko to," sagot naman ni Faith. Hindi ko alam kung nagbibiro siya.

"Paano mo ba masasabing love mo ang isang bagay kung hindi naman bida ang saya d'on?"

"Bida pa ba ang saya d'on kung wala na ring love?"

"Paano mo masasabing wala ng love?"

"E paano mo masasabing masaya ka pa?"

"Masaya ako dahil may love ako."

Natahimik si Faith sa sagot kong 'yong. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa utak niya pero mabuti na rin na tumahimik siya. Nagsalita ule si Ken at iniba na niya ang usapan. Nang matapos na kaming lahat kumain ay naghiwalay na ko sa kanila. Ako ay bumalik na sa school habang sila ay magsi-sine pa.

-----### Sorry! Sa next chapter pa natin malalaman kung ano ung nakasulat sa lamesa at kung ano ang naalala ni Faith. :)

leave your comments pls. and votes! :)

GOD bless you.

Girlfriend Mo Ex-Girlfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon