"I love you, Faith!!!", sigaw ko sa kanya habang nagpapractice sila ng komikal skit. Ginabi na sila sa kaka-practice ng mga kaklase niya. Kaninang alas tres pa natapos ang klase ko ngunit dahil nga sa alam kong may practice sila Faith ngayon ay inantay ko na din siya sa labas ng classroom nila. Ganito ako ka-tiyaga kay Faith. Natatakot kasi akong mawala siya sakin. Ayaw ko nang masaktan pang muli. Yung huling girlfriend ko kasi...ewan ba. Bigla na lang akong iniwan. Apat na buwan ko din siyang iniyakan. Buti na nga lang at noong mga panahong iyon ay laging nasa tabi ko si Faith, may pinagdadaanan din kasi siya noong mga panahong iyon. Pareho kami ng pinagdadaanan kaya siguro naging malapit kami sa isa't isa. Lagi kaming magkasama. No'ng una gusto ko lang ng may makaka-usap at mapaglalabasan ng sama ng loob ngunit habang tumatagal nagiging gusto ko na siya. Hanggang sa araw-araw sa pag-gising ko, siya na kaagad ang nasa isip ko. Sinubukan kong umiwas dahil alam kong may masasaktan akong tao. Si Xylex na kaibigan ko. Hindi ko naman itinago kay Xylex 'yong nararamdaman ko kay Faith dahil nga sa ayaw ko na magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa aming dalawa, ayaw ko na masira ang pagkakaibigan namin. Nawala kahit papaano ang pag-aalala ko nang sabihin sa akin ni Xylex na OK lang sa kanya 'yon at naka-move-on na siya sa nangyari sa kanila ni Faith. Kilala ko si Xylex...pero dahil sa nararamdaman ko kay Faith ay pinaniwalaan ko na lang ang sinabi ni Xylex. Sa bagay...para sa akin, hindi ka magiging masaya kung parating kasiyahan lang ng iba ang iisipin mo.
----------
Ken Manuel Rodriguez nga pala ang pangalan ko. Second year BS Environmental Science sa Palawan State University. May-ari kami ng isang sikat na restaurant sa Puerto Princesa City. Sabi nila chickboy daw ako dahil sa dami ng pinagsabay-sabay kong girlfriend nong high school pa ko. Ang masasabi ko lang, hindi ako chickboy, chickmagnet lang at pinagbigyan ko lang sila. Hindi naman sa mayabang ako pero dahil sa maporma ako ay madalas akong masabihan na maangas. Nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko kaya siguro napaka-pilyo ko. Sa kabila ng lahat ng 'yon ay isa lang akong simpleng tao na naghahanap ng true love. At nahanap ko nga 'yon kay Faith. Sabi nila ang laki daw ng pinagbago ko simula n'ong maging kami ni Faith. Pero sa tingin ko ako pa rin 'to, naging mas masaya lang at naging mas mapagmahal. Ganon naman talaga, nagiging mas masaya at mapagmahal tayo kapag mayroong tao na nagpaparamdam sa atin nun.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Mo Ex-Girlfriend Ko
Teen FictionPaano kung may mahal ka pero "ex" na lang kayo? Tapos naging sila ng malapit mong kabarkada? Ito ang kwento na para sa mga iniwan. Para sa mga hindi na binalikan. Para sa mga umaasa pang may babalik. At para sa mga nakahanap ng panibagong pag-ibig. ...